Gov. Vilma Santos gives updates on political plans of son Luis and Ai-Ai; confirms attendance in Marian-Dingdong wedding

Governor Vilma Santos on son Luis Manzano’s belief that there is no need for prenuptial agreement: “I think, my son is mature enough to decide for himself. Lucky is 32, alam niya ang gusto at ayaw niyang gawin. Kung hihingi siya at ayaw niya ng prenuptial, it’s his decision and I respect that.”


Matagal nang usap-usapan na sasabak na rin daw sa pulitika ang panganay na anak ni Governor Vilma Santos na si Luis Manzano.

Ngunit iginiit ng actress-politician na hindi niya iimpluwensiyahan si Luis sa kung anuman ang maging desisyon nito.

Ayon sa gobernador ng Batangas, “The decision is not mine, e. Na kay Lucky.

“Imagine, eighteen years… kinalakihan na rin ng anak ko ang pagiging public servant ko, ‘di ba?

“So, may idea siya.

“Kasama ko nga siya sa Alay Lakad. Very meaningful activity, so nakikita niya ang buhay ng tao.

“But, at the end of the day, it’s his decision, not mine.

“Kasi, gusto ko, kapag pumasok siya, hindi madali.

“Kung hindi rin, we have to understand him.

“Kesa naman iintindihin natin siyang pumasok and we won’t believe him.”

Sa loob daw ng isa o dalawang buwan, sasabihin ni Luis kung ano ang magiging desisyon niya kaugnay ng pagsabak sa pulitika.

Governor din ba ng Batangas ang tatakbuhin ng anak niya kung sakali?

Sabi ni Governor Vi, “Baka, baka… meron din kasing humihiling, papalit siya sa akin.

“Pero mahirap mag-commit ‘til we are sure.

“Last term ko na. Meron din nagsasabi, ‘Ikaw na muna ang pumalit sa mommy mo, and then, one term, babalik na ang mommy mo ulit as governor.’ May ganun.

“Kaya walang plano. So many things na nakalatag sa table.”



WEDDING TALKS. Bukas naman ang Star For All Seasons sa pagsasabing naiinip na siyang magpakasal si Luis at magkaroon ng apo rito.

Ang kasalukuyang girlfriend ni Luis ay ang Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Pero, may usap-usapang hindi raw naniniwala si Luis sa prenuptial agreement.

Ano ang masasabi ni Ate Vi rito?

Saad niya, “Bawat tao, iba-iba.

“Sabi niya, hindi siya naniniwala, mas mayaman pa nga si Angel sa kanya, ‘di ba?

“Nasa tao, e. Mahirap ako... hndi ako ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, my son is mature enough to decide for himself.

“Lucky is 32, alam niya ang gusto at ayaw niyang gawin.

“Kung hihingi siya at ayaw niya ng prenuptial, it’s his decision and I respect that.”

Sa palagay ba ni Governor Vi ay si Angel na ang karapat-dapat na babae para sa kanyang anak?

Tugon niya, “Ano ako, e, liberated mom ako.

“Hindi ako yung mom na old school. Kapag sinabing ganito, hindi puwede. Hindi, e.

“Iba na ang generation natin ngayon. We should listen to our children also.

“I will always be a mother to guide but, at the end of the day, I listen to my children.

“Kamukha ni Lucky, nasa edad na. Kung ano ang magiging desisyon niya, respeto lang.

“Ayoko siyang i-overboard. May edad na siya, marunong na siyang mag-isip.

“Kung ano ang gusto ng anak ko, I will respect it.”

Naniniwala siyang mas mayaman si Angel kesa kay Luis?

“Malay ko!” natawang sabi ni Governor Vi.

“Basta ang alam ko, they are both stable.

“Kung anuman ang maging desisyon nila, they are both stable na kaya na nilang magkaroon ng magandang buhay.

“Stable life, kaya na nila.”



AI-AI DELAS ALAS. Isa pang malapit kay Governor Vi na nagbabalak pumasok sa pulitika ay ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Sa panayam noon ni Ai-Ai ay sinabi nitong kinokonsulta niya si Governor Vi tungkol sa plano niyang pagpasok sa pulitika, partikular na sa isang bayan sa Batangas.

Ano na ang estado nito ngayon?

Ayon kay Governor Vi, “Si Ai-Ai, ilang beses na rin kaming nag-meeting niyan.

“Kung ano yung sinabi ko sa inyo kay Lucky, na kapag wala sa puso at alam mong hindi ka pa, huwag mong pilitin.

“And I think, ayaw na niya.

“So, hindi niya feel, and that’s a very good decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi mo kaya, huwag mong gawin, kasi hindi madali.

“So, kung yun ang desisyon ni Ai, ay, that’s good.

“Kasi, kung hindi mo kakayanin… ang pagserbisyo rito, totoong buhay ito. Wala itong take two.

“Tama, kung yun ang gusto niya.”



MARIAN-DINGDONG WEDDING. Napag-usapan din ang pagiging ninang ng Star For All Seasons sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30.

Hindi pa man ina-announce nina Marian at Dingdong na magpapakasal sila, isa na si Governor Vi sa naging bukas sa pagsasabing magni-ninang siya sa kasal ng mga ito.

Pero yun lang, hindi pa siya personal na napupuntahan ng dalawa—gaya ng ginawa nina Marian at Dingdong sa ibang mga kinuha nilang principal sponsors—kaya naman pabirong nanawagan si Ate Vi.

Sabi niya, “Marian, kung nanonood ka, Baby, ninang ako.

“Kasi, three Sundays na gusto nila akong dalawin, kasi respeto sa Ninang.

“Hindi nga ako nakakapunta dahil hindi nga ako makalabas because of yung sakit ko.

“Kaya sabi niya [Marian], ‘Bakit naman ganun, Ninang Vi?’

“Sabi ko sa kanya, don’t worry, kahit hindi niya ako pasyalan, definitely, ninang ako sa December 30.”

Darating siya sa mismong kasal nina Marian at Dingdong?

“Oo naman, nangako ako kay Baby Marian,” sagot ni Governor Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN