Iñigo Pascual brushes off underwhelming box-office result of his debut movie

Iñigo Pascual still undecided whether or not to join boyband in the U.S.: "Nandoon pa rin po yung boyband, ang hirap pong mag-decide talaga kasi maganda rin po yung opportunities dito. Siyempre po, international po yun [boyband], pero I think, for now, I’m leaning towards the Philippines. But it’s still undecided. I haven’t said no, I haven’t said yes to the contract."


Alam ni Iñigo Pascual na magiging presentor siya sa 28th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap sa Solaire Grand Ballroom noong Nobyembre 23. Pero hindi niya napaghandaan at ikinagulat niya ang kanyang pagkapanalo bilang Male Star of the Night.

“Sobra po [akong nagulat], hindi ko po ini-expect.

“First PMPC Awards ko po na in-attend-an ‘tapos presentor lang po ako, ‘tapos nung sinabing ano po ako, Star of the Night, talagang nagulat po ako, hindi ko ini-expect.

“Sa labas, tinanong nga po ako how do I feel that I’m presenting an award. Sabi ko po, it is honor and I’m super thankful.

“’Tapos nanalo pa ako ng award, sobrang overwhelmed, sobrang thankful po,” saad ni Iñigo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage pagkatapos niyang tumanggap ng award.



PIOLO PASCUAL. Nagkataon namang isa sa host ng awards night ang ama ni Iñigo na si Piolo Pascual. Ano ang sabi ng Papa niya pagkatapos niyang manalo?

“He congratulated me, sabi niya po he’s happy for me.”

Pabirong tanong ng PEP kay Iñigo kung hindi ba na-insecure ang kanyang Papa na tila tinalo niya ito sa nasabing award?

“Hindi naman po siguro!” sabay tawa ni Iñigo.

“I mean, he’s earned a lot of awards, you know, and I’m just starting. So, he’s there to support me.”



FIRST MOVIE ISSUE. Feeling blessed nga si Iñigo dahil ang ganda ng pagpasok niya sa showbiz.

Naipalabas na ang first movie niya, ang Relaks, It’s Just Pag-ibig, kasama niya sina Julian Estrada at Sofia Andres.

Pagkatapos ay may gagawin pa siyang isang pelikula kasama naman si Julia Barretto. Dagdag blessing pa ang award na nakuha niya sa PMPC.

Hiningan naman ng PEP ng pahayag si Iñigo tungkol sa isyung hindi umano ganoong kalakas sa takilya ang unang pelikula niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Okay lang po.

“I mean, we’re all beginners, we’re all newbies sa movie, we’re all not known.

“Talagang mahirap i-capture yung audience kapag hindi ka kilala.

“Siyempre ‘pag kilala ka, mas maraming pupunta po [para manood].

“But I’m thankful with the feedback… feedback from the people, yung talagang nanood po, yung mga critic is good naman po.

“’Tapos, ‘di ba, graded A, so doon pa lang po, it’s an honor to be graded A.

"So, for a first movie, I’m very thankful doon sa na-receive namin kahit po it didn’t earn a lot, kasi po we’re all starters.”

BOYBAND & RECORDING. Marami raw pagbabago sa mga plano ni Iñigo ngayon dahil sa mga dumarating na opportunities dito sa Pilipinas.

Kaya iniisip pa niya kung tatanggapin ba niya ang offer na pagpasok sa isang boyband sa Amerika, gayundin ang pagpasok sa recording doon.

Saad niya, “May changes po sa plans kasi yung opportunities po dito.

“Nandoon pa rin po yung boyband, ang hirap pong mag-decide talaga kasi maganda rin po yung opportunities dito.

“Siyempre po, international po yun [boyband], pero I think, for now, I’m leaning towards the Philippines.

“But it’s still undecided. I haven’t said no, I haven’t said yes to the contract.

“So, the offer is still there.”

Hindi pa naman ba ito tinanggihan ng Papa niya?

Ayon kay Iñigo, “He just wants to make sure I don’t give up on my studies.

“He wants to make sure na I’m still studying while I’m doing other things.”

Hanggang kailan siya puwedeng mag-decide para sa boyband?

“I think until this year.

“I mean, all they said is they’re willing to manage me, but not as part of the group, because the group already has a record label.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if I go solo, I have to audition for record companies.

“Because the boyband already has a record contract,” paglilinaw ng binata.

Ayon pa kay Iñigo, uuwi siya sa Amerika sa Disyembre para doon mag-celebrate ng Pasko.

Babalik siya ng Pilipinas sa Enero para simulan ang shooting ng susunod niyang pelikula at iba pang commitments niya rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN