Kristoffer Martin on tackling daring roles in indie films: “Huwag nating ipilit, kasi ’pag ipinilit natin, baka pangit ang kalalabasan.”

While Kristoffer Martin has fallen in love with doing independent films, he said that he has limitations when it comes to accepting roles.


“Masaya ako sa pinapatunguhan ng career ko, slowly but surely.

"Yun naman ang importante sa akin, ’di nawawalan ng trabaho. Everything is worth the wait.”

Ito ang naging pahayag ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers sa kanyang birthday celebration na inorganisa ng GMA Artist Center noong Sabado, November 22, sa Centerstage Videoke Bar, sa Quezon City.

Aminado ang 20-anyos na binata na pinagsisikapan pa niyang maging isa sa prime artists ng GMA Network, pero wala siyang reklamo sa takbo ng kanyang career sa loob ng apat na taon.

“Hindi man ako isa sa mga artistang nag-boom, kumbaga, mas naa-appreciate ko yung mga bagay na pakonti-konti.

"Kung saan ka magpunta, may nakakakilala. Sa mga mall shows, nararamdaman mo na naa-appreciate ka ng fans mo.

“Masaya ako sa pacing ng career ko, sabihin man natin na gusto ng artista lahat sa taas, ’di ba?

"Masasabi kong mas naa-appreciate ko yung career ko ngayon—slowly but surely."

ON INDIE. Noong 2013, nanalo si Kristoffer ng Best Supporting Actor sa 10th Golden Screen Awards para sa kanyang papel sa indie movie na Oros.

Napansin din sa ibang bansa ang kanyang acting sa nasabing indie movie, kaya naging Honorable Mention for Best Supporting Actor din siya sa 16th Long Island International Film Expo in the same year.

Aniya, napamahal na raw sa kanya ang paggawa ng indie, pero may mga limitasyon daw ang mga papel na kanyang tatanggapin.

“Yung mga [offers na] dumadaan sa [GMA] Artist Center, hindi nila inaaprubahan dahil hindi daw bagay sa image ko, like mga prosti [prostitute], ganyan.

“Ayaw muna nilang isugal kasi hinuhubog pa daw ako, e.

"Mahirap daw na baka ’pag isinalang na nila ako dun, makita na nila akong ganun, ’tapos, yun na, [ma-typecast] na ako."

Ipinaliwanag din ni Kristoffer kung bakit gusto niya ang paggawa ng independent movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Simula nung ginawa ko yung Oros, minahal ko siya.

"Minahal ko na ang paggawa ng indie film kasi, yun nga, sobrang laya mong gumalaw. Hahayaan ka ng direktor mo.

"Pero may limitations po.

"Kasi may mga bagay na ’di natin kayang gawin, huwag naman nating ipilit.

"Kasi ’pag ipinilit natin, baka pangit ang kalalabasan, sayang lang."

SCHOOL. Sa kasalukuyan, nagti-taping si Kristoffer para sa reunion project nila ng kanyang dating girlfriend na si Joyce Ching, ang Healing Hearts.

Nakatakda itong ipalabas early next year.

Bukod pa rito, ipinagpapatuloy rin ng binata ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Sophomore siya ngayon sa San Beda College sa kursong Entrepreneurship.

Saad ni Kristoffer, “Didiretsuhin ko na po, sabi din kasi ni Kuya Dong [Dingdong Dantes] tapusin ko.

"Yun yung advice niya, kasi nagkasama kami ni Duya Dong before.

"Sinasabi niya... sabi niya, ’Gusto ko makikita na kita na pinaka-prime artist ng GMA. Gusto ko magtatapos ka ng pag-aaral mo.’

"Yun ang mga words of wisdom ni Kuya Dong na pinanghahawakan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN