Boy Abunda stands by his statement about elevator issue; not offended by "comic duo" description

Boy Abunda on "comic duo" description given to him and Kris Aquino by Annette Aguado: “Kung ‘yan ang nais niyang itawag sa amin, that’s her right, okay? Karapatan niya ‘yon. Hindi nga lang kami nakakatawa. Yun lang ‘yon. Pero siyempre, she said it with obvious sarcasm. We’ll take it. Ganoon talaga ang diskurso, e. That’s part of the discourse. Some people will agree with you, some people don’t.&a


Lumaki na ang isyu tungkol sa isang ’discriminatory memo’ mula sa isang high-end condominium residences sa The Fort, Taguig City, na nai-post sa Facebook ng nagngangalang Poch Ceballos noong November 19, Huwebes.

Ang memo ay pinirmahan ng property manager ng naturang condominium residences na si Katherine P. Garrido.

Hanggang sa naging topic na ito sa programa nina Boy Abunda at Kris Aquino na Aquino & Abunda Tonight, kung saan nagbigay ng kani-kanilang opinyon sina Kris at Boy tungkol sa memo.

Kinabukasan, November 21, nag-post naman ng kanyang mensahe sa Facebook si Annette Aguado, kapatid ni Katherine, bilang reaksiyon sa mga naging komento nina Boy at Kris tungkol sa memo.

Read: Boy Abunda and Kris Aquino criticize high-end condo’s memo about use of elevator for household employees

Kagabi, November 24, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Boy pagkatapos ng live episode ng Aquino & Abunda Tonight sa ABS-CBN.

Ipinarating ng staff ng Aquino & Abunda Tonight kay Boy ang lumabas na artikulo sa PEP tungkol sa mensahe ni Aguado sa kanyang Facebook account.

Sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Boy, subalit tumanggi ang King of Talk na magbigay ng pahayag.

Maliban lalamg sa bahagi kung saan tinawag silang dalawa ni Kris na “comic duo.”

Sabi niya, “Karapatan naman niya ‘yan kung tawagin niya kaming comic duo. Okey lang ako.”

Na-offend ba siya sa isinulat ni Aguado na “comic duo” sila ni Kris?

Tugon ng veteran TV host, “Hindi ako nao-offend dahil public commentaries kami, e.

“Kung ‘yan ang nais niyang itawag sa amin, that’s her right, okay? Karapatan niya ‘yon.

“Hindi nga lang kami nakakatawa. Yun lang ‘yon.

“Pero siyempre, she said it with obvious sarcasm. We’ll take it.

“Ganoon talaga ang diskurso, e. That’s part of the discourse.

“Some people will agree with you, some people don’t.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE MEMO. Pero paninindigan daw niya ang karapatan ng mga kasambahay at drivers.

“Pinaninindigan ko na ang kanilang karapatan ay hindi… the rights of drivers and household helps are not less than the rights of the people they work for.

“Ipaglalaban ko yun,” diin niya.

Sinabi pa ni Boy kay Aguado na rebyuhin nito ang memo na ginawa ng kanyang kapatid.

“It’s not personal,” sambit ni Boy.

“Tama naman yung sister sabihin na ang kanyang kapatid ay sumusunod lamang sa polisiya ng mga may-ari, halimbawa, ng condominium.

“Unfortunately, she’s the signatory.

“Sino ang aming… who we do comment on when her sister is the signatory of the memo?

“Go back to the memo.

“We’re not talking about painters na may dala-dalang brushes, we’re not talking about other suppliers, halimbawa, na alam naman natin na hindi puwedeng gumamit ng hindi service elevator.

“Balikan mo ang memo kung ano ang sinasabi.”

Ito ang nilalaman ng memo ng IRCC Property Management, kung saan ang property manager na si Katherine P. Garrido ang signatory:

Pagpapatuloy pa ni Boy, “Isa lang naman ‘yan, e, at tanungin mo sa puso mo, ‘Tama ba ito?’

“Sa aming palagay—and this is a free and democratic country—ang sinasabi namin, hindi.

“Oo, dahil it belongs to… sabi ko nga doon sa Aquino & Abunda Tonight, that belongs to a time when there is black slavery.

“Diniscuss ko nga doon yung black slavery and civil rights union… equal but separate.

“Balikan natin yung memo. Doon lang ang pag-usapan natin.

“And we’re also open. I’d like to be enlightened.

“Magpapadala raw siya [Aguado] ng listahan kung saan ang ibang mga condo units, ibang residences ay ganoon ang polisiya.

“Ganoon din naman ang aming reaksiyon, oo.

“Si Kris, tumira na sa condo. Ako, hindi pa ako nakakatira sa condo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “I’d like to be enlightened.

“Pero sa ngayon, pinaninindigan ko ang aming sinabi na mali na pagbawalan ang household help, ang mga drivers na gumagamit ng elevators na ginagamit ng kanilang mga amo.

“Paninindigan ko yun.”

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig ng iba pang mga sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN