Aiko Melendez clarifies rumor that she is dating a much younger athlete

When Aiko Melendez was asked if she is being courted by an athlete, she replied: “Hindi ako ang nasa posisyon para magsalita niyan kasi siyempre kahit papa’no babae pa rin ako. As far as I know, magkaibigan kami.”


Nilinaw ni Aiko Melendez ang lumabas na isyu sa isang blog na may karelasyon umano siyang isang athlete ngayon.

Ani Aiko, narinig nga niya ang tungkol sa nasabing blog, pero klinaro niyang wala siyang boyfriend.

Sundot na tanong sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal): Nakikipag-date ba siya ngayon?

Sagot ni Aiko, “I’m not.

"But, you know, sometimes I go out in a group.

"Pero yung exclusively dating, no, I’m not."

NOT EXCLUSIVELY DATING. Hindi man tahasang itinanggi ni Aiko kung nagdi-date sila ng sinasabing athlete na mas bata sa kanya, inamin niyang nagkakasama sila kasama ang ibang kaibigan.

“I go out sa grupo lang talaga, so I’m not exclusively seeing him, yung athlete na sinasabi niyo.

“I’m open to seeing more [guys] kasi ayokong ikulob ang sarili ko sa isang tao lang.

"Gusto ko, the more the merrier."

Nanliligaw ba sa kanya ang tinutukoy na lalaki?

“Hindi ako ang nasa posisyon para magsalita niyan, kasi siyempre, kahit papa’no, babae pa rin ako.

“As far as I know, magkaibigan kami.”

Kinumpirma rin ni Aiko na madalas tumawag at mag-text sa kanya ang atleta.

“Oo, every day, pero hanggang dun lang, kasi hindi ko makita ang sarili ko kasi...

"This is the first time na parang ang laki ng age difference, ’di ba?

“Hindi ko naman isinasara ang pinto ko, pero let’s see.

"Ayokong manggaling sa akin o pangunahan ko, baka naman mamaya ma-misinterpret ko, ’di ba? Gusto lang palang makipagkaibigan.

"So, why not?"

Nakausap ng PEP si Aiko sa press conference ng Give Love On Christmas Day, ang Christmas TV special ng ABS-CBN, kung saan kabilang si Aiko sa cast ng first presentation ng nasabing programa na pinamagatang The Gift Giver.

Magsisimula itong umere sa Lunes, December 1, at papalitan ang Be Careful With My Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON THE LOOKOUT. Speaking of group dates, ginagawa ba niya ito para may mga ma-meet siyang guys?

Pag-amin ni Aiko, “Yeah, kasi sometimes, ’di ba, you need that spice and you need to go out and meet people?

"Kasi, there was a time na yung year nga na ito, I didn’t go out."

Hindi nga raw siya pamilyar sa mga bars ngayon.

“Sasabihin ng anak ko mismo, ’Mom, you go out naman. Give time for yourself,’” pagtukoy ni Aiko kay Andre, ang 16-anyos na anak niya kay Jomari Yllana.

Dagdag niya, “I have to go out and mingle and not depend my life on Jomari, ’di ba?

"Kasi baka isipin ng tao napaka-dependent ako sa kanya. May buhay din naman ako after Jom.”

Sinabi kasi ni Aiko na hanggang ngayon ay nananatili silang close ng ex-husband niyang si Jomari, pero nilinaw niyang hindi sila nagkabalikan kahit na marami ang umaasa rito.

“Natatakot na minsan manligaw ang ibang tao sa ’kin kasi akala nila nagbabalikan kami. Hindi po.

"Maganda lang po ang relasyon namin, pero free po kayong manligaw sa akin kung may lakas po kayo ng loob,” may halong birong pahayag ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN