Andi Eigenmann on Jake Ejercito’s Instagram photo with her daughter: "It’s purely for my daughter and not for any other reason."

“If he felt like posting a birthday greeting for my daughter, wala na akong kinalaman dun. It’s not about me," says Andi Eigenmann when asked about Jake Ejercito’s recent birthday greeting to her three-year-old daughter Ellie.


Inamin ni Andi Eigenmann na natuwa siya nang makita ang birthday greeting ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito para sa anak ng aktres na si Ellie.

Kaugnay ito ng ibinahaging larawan ni Jake kasama ni Ellie sa mismong Instagram account ng binata, noong November 23:

May caption itong: "Happy birthday to this sweet little princess! Stay an angel, my love"

Tila patunay ito na hindi lang si Andi ang minahal ni Jake kundi pati na rin ang anak ng aktres noong panahong magkarelasyon pa sila.

Pahayag ni Andi patungkol sa Instagram post ni Jake, “Siyempre magaan sa pakiramdam.

"I appreciate it that, for once, finally, he managed to post something like that, only showing people na he loves my daughter. And I appreciate it."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa story conference para sa pagbibidahan nitong pelikula, kasama si Bret Jackson, ang Your Place or Mine?

Ginanap ito sa Viva Films office sa 7th floor East Tower ng Philippine Stock Exchange Center sa Pasig City, Martes ng gabi, November 25.

Dahil sa pag-post ni Jake ng larawan ni Ellie, may espekulasyong posibleng nagkabalikan na sila ni Andi.

Ngunit iginiit ng anak ni Jaclyn Jose na hindi dapat bigyan ng ibang kulay ang simpleng Instagram post ng kanyang ex-boyfriend.

“No, that doesn’t mean anything.

“His relationship with my daughter is something beyond me. That’s something I cannot control.

“If he felt like posting a birthday greeting for my daughter, wala na akong kinalaman dun. It’s not about me.

“Medyo hindi naman ’ata maganda yun on him kung ginagawa lang niya yung pagpo-post nun dahil lang sa akin.

“It’s for my daughter entirely. Purely for my daughter and not for any other reason,” paglilinaw ng Kapamilya actress.

Gaano ka-close si Jake kay Ellie?

Sagot ni Andi, “Tanong niyo siya [Jake]. I mean, they know each other and he visits Ellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not every day when he’s here, pero he does come to see her kung kaya niya, kung okay.

“Hindi naman sa hindi niya kilala talaga.”

Nabanggit din ni Andi na first-name basis ang tawagan nina Jake at Ellie sa isa’t isa.

Maging si Andi ay may pagka-Western ang kulturang kinalakihan pagdating sa aspetong ito.

“Ako, kay Ellie, she doesn’t call my friends, hindi lahat ng kaibigan ko tinatawag niyang Tito or Tita. Okey lang sa amin [na] first-name basis,” sabi niya.

Unang pinabulaanan ni Andi sa PEP na hindi sila nagkabalikan ni Jake kahit pa napabalitang may mga pagkakataong nagkikita pa rin sila.

Read: Andi Eigenmann denies reconciliation with Jake Ejercito: "I guess it’s not meant to be yet."

Ngayon ba ay may effort si Jake na suyuin siyang muli?

Mariing sagot ni Andi, “Well, no. Ganun na lang, no.”

May mga nagsasabi na kung tutuusin ay natural lang na kiligin o makaramdam ng “something” si Andi dahil sa ipinakitang closeness ni Jake sa kanyang anak.

Ngunit sadyang ayaw bigyan ng malisya ni Andi ang kung ano mang effort ang ginagawa ni Jake.

“Hindi naman sa wala, wala dahil wala akong paki[alam].

"I’d just rather not think about it and talk about it," paliwanag niya.

Pero hindi kaya sila pa rin ang magkatuluyan sa huli?

Tugon ni Andi, “We’ll see. I don’t wanna keep talking about it.

"I’m so unsure about everything. So, I don’t know.

“We’ll see wherever the wind takes us. Ayoko magsalita ng tapos.

"Hindi natin alam,” tugon ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN