Amy Perez thankful to husband Carlo Castillo for "overriding" her first marriage

Matapos ang walong taon bilang mag-partner, iba raw ang pakiramdam ni Amy Perez ngayong kasal na siya sa longtime partner na si Carlo Castillo. Pero mas para daw sa kapakanan ng kanilang mga anak ang kanilang pagpapakasal.


Ilang linggo matapos ang kanyang kasal sa TV5 reporter na si Carlo Castillo, kitang-kita pa rin sa mukha ng ABS-CBN host-actress na si Amy Perez ang kaligayahan.

Masayang kuwento ni Amy sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro ganun nga talaga.

"Iba yung pakiramdam mo na, alam mo yun, taas-noo ka na, maipagmamalaki mo na ikaw ay isang misis, Mrs. Castillo.

“Actually, yung kaligayahan na ‘to at yung feeling ng pagka-happy at talagang pagka-proud is more on for the kids talaga, more para sa mga bata.

"Sila yung lagi naming inaalala ni Carlo."

Si Amy ay may dalawang anak kay Carlo—sina Sean Kyle at Isaiah Joaquin.

May isa pa siyang anak sa una nitong asawang si Brix Ferraris—si Adi.

Noong nagplano sila ng kasal, hindi ba nanumbalik kay Amy ang nightmares nung unang kasal niya?

Sagot niya, “Ay, wala naman na. Actually, alam ni Carlo nga ‘yan, e.

“Parang lagi niyang sinasabi, ‘It’s good na nao-override...’ tawag niya diyan, e.

"Yung mga bad memories na dapat na hindi mo na naaalala, so nao-override ng mga good memories, good things, ganyan.

“Minsan, tatanungin pa nga niya ako, ‘O, before, nakarating ka na ba dito? Kung ano, may kasama ka diyan dati, ibahin natin yung memories, yung tayo naman dalawa together,’ parang ganun.

“Kumbaga sa computer, i-override mo nga, parang ganun.”

Nakausap ng PEP si Amy sa launching niya bilang bagong endorser ng Strike, isang multi-insect killer product, sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel, kahapon, November 25.



ADOPTION FOR ADI. Sabi pa ng 41-year-old TV host-actress, mas masarap sa pakiramdam pakinggang tatawagin na siyang "Mrs. Amy Castillo."

“Iba. Hindi ko rin maipaliwanag, kasi talagang...

"Kasi nga, alam ko na, before, siyempre, in the eyes of God, in the eyes of man, para sa mga anak namin, ang hirap nung aming sitwasyon ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, talagang alam namin na napakaraming taong nagdasal para sa amin na finally, ‘eto na, makasal kami, at maging legal at maging maayos ang lahat.

"Kaya very, very thankful kami dun."

Kumusta naman ang kanilang mga anak?

Sabi ni Amy, “Okay na okay ang mga bata.

"Talagang sila yung... hindi nila makalimutan yung wedding kasi talagang ano daw, mukha daw akong prinsesa at si Daddy daw nila, mukhang prinsipe, parang ganun.

"Lalo na si Isaiah at saka si Kyle, yun ang laging sinasabi."

May plano ba ang asawa niyang i-adopt na rin si Adi?

Saad ni Amy, “Yun yung susunod na aayusin actually ni Carlo ngayon is yung ma-process yung adoption para kay Adi.

"Step-by-step. Talagang ano ‘yan, matutuwa ka kay Carlo, kasi talagang nakaplano ‘yan. Pinlano niya lahat ‘yan."

Nagtatanong pa rin ba si Adi tungkol sa biological dad nitong si Brix?

“Oo, matagal na naming napag-usapan ni Adi ‘yan.

"The last time nagkita sila was when Adi was five years old.

“Ater that, wala na kaming nabalitaan. Wala na kaming naririnig.

"In fact, ilang beses namin tinray mag-reach out sa Facebook, hinanap namin sa Google, sa YouTube, ganyan.

"Hanggang sa parang sinabihan na kami ni Carlo na parang stop it na, kasi nakakaawa din naman for Adi na parang, you know, we’re trying so hard na hinahanap namin yung taong ayaw naman magpahanap.

"So, parang, huwag na lang.

“So, alam na ni Adi yun and pinrepare na namin siya na, ’If and when dumating yung tatay mo at kausapin ka, let him explain kung ano yung mga nangyari.’"

Wala na man daw sa isip nina Amy at Carlo na sundan pa ang kanilang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN