Andi Eigenmann on turning down Bret Jackson: "Hindi naman ’ata ako masamang tao just because hindi kami nagkatuluyan."

Andi Eigenmann on being friends with ex-suitor Bret Jackson: “Bret and I still being friends just goes to show how mature he is. Na parang kung hindi, e, di hindi. Bakit ako magagalit?" says the Kapamilya actress in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday night, November 25.


Hindi lingid sa publiko ang pambabasted ni Andi Eigenmann, 24, kay Bret Jackson, 20, kamakailan.

Ngunit iginiit ng Kapamilya actress na walang ilangan sa pagitan nila ni Bret ngayong magkakatambal sila sa pelikulang You’re Place or Mine?

“I know na yung dating isyu lumabas, pero the thing is we’re still friends.

“Hindi lang yung lumalabas sa news yun lang ang nangyayari sa amin.

“Siyempre, behind it, alam niyo yun, nag-uusap pa rin kami,” paglilinaw ni Andi.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi noong Martes ng gabi, November 25.

Ayon pa sa Kapamilya actress, hindi na nila kinailangan ni Bret ng pormal na pag-uusap tungkol sa naudlot na panliligaw ng binata.

Sadyang may mga bagay raw na hindi talaga nauukol na mangyari.

Lalo pa’t noong panahong nanliligaw si Bret ay marami ring pinagdadaanan si Andi sa kanyang personal na buhay.

Kasama na rito ang complicated relationship ng aktres sa dating longtime boyfriend niyang si Jake Ejercito.

Sabi pa ni Andi, “Bret and I still being friends just goes to show how mature he is.

“Na parang kung hindi, e ‘di hindi. Bakit ako magagalit?

“I mean, hindi naman ’ata ako masamang tao just because hindi kami nagkatuluyan or na-put on hold yung nangyari.

"Hindi ibig sabihin masama na akong tao."

Kaya ba niya hindi sinagot si Bret ay dahil hindi pa siya handang makipagrelasyon ulit?

Sagot ni Andi, “At that time, yes, of course, marami akong pinagdadaanan sa buhay ko nun, relationship-wise or not.

“Ayoko nang nagmamadali. I don’t want to jump into something that I know I’m not ready for.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN