Venus Raj has high hopes for Miss World contender Valerie Weigmann: "The face is very beautiful... intelligent. She speaks different languages."

About her lovelife, Venus Raj is still waiting for God’s best, "Ito yung love na hindi lang superficial. When a guy loves you, the person will respect you, your body, your womanhood, and will respect you as a person."


Sa unang linggo ng December ay aalis ang beauty queen turned host na si Venus Raj papuntang Japan para mag-taping sa panibagong season ng programa niyang Business Flight.

Pagkatapos ay lilipad naman siya papuntang London para manood ng Miss World at pagbibigay-suporta na rin daw niya sa kandidata ng Pilipinas na si Valerie Weigmann.

Naniniwala naman si Venus na malaki ang posibilidad na maiuuwi ni Valerie muli ang korona ng Miss World para sa Pilipinas.

Ayon kay Venus, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Business Flight noong November 25, “Liyamado talaga si Val. Kasi, una, model talaga si Val even before."

Dagdag pa niya, "The face is very beautiful.

"She’s trainable, sobrang laki ng pinag-improve niya, sa katawan niya.

“The way she speaks, she’s very intelligent.

“She speaks different languages and, siyempre, may first-hand training siya kay Megan [Young] na Miss World natin.

"So, parang malaking package yun para sa kanya."

GOD’S BEST. Ang isa sa palaging kinukumusta ng press kay Venus sa mga interview ay ang kanyang lovelife.

Naging bukas siya noon sa publiko nang naging sila ni Andrei Felix.

Ngayon ba, kumusta na ang lovelife niya?

“Paulit-ulit kong sinasabi na, I’m in love with the Lord every day,” sagot niya.

Walang nagpaparamdam sa kanya?

Aniya, “Wala talaga, bakit kaya, ‘no?

"Hindi talaga naniniwala ang mga tao kapag sinasabi kong wala, pero wala talaga."

Nagkaroon din naman daw siya ng panibagong relasyon pagkatapos nila ni Andrei. Pero hindi raw iyon nagtagal.

Kung sakali, gusto na rin niyang magkaroon ng bagong karelasyon?

“Ay, siyempre, naghihintay po ako ng God’s best,” nakangiting sabi niya.

Kung may gusto o hinahanap man siya ngayon sa isang lalaki, ano ang mga ito?

“God-fearing is number one. Mas mahal si Lord kesa sa akin.

"People may think that’s impossible, people may say there’s no such person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero meron po, especially if the person is Christian.

“He will love the Lord more than you and He will love the Lord more than himself.

"And when I say he loves you, ito yung love na hindi lang superficial.

“When a guy loves you, the person will respect you, your body, your womanhood, and will respect you as a person.

"Hindi yung mahal kita and let’s do things in the eyes of the Lord, hindi yun, e.

“Kapag mahal kita, irerespeto ko ang katawan mo.

"Kapag mahal kita, wala akong gagawin sa ‘yo na hindi pa tayo mag-asawa.”

BUSINESS FLIGHT. Samantala, ikalawang season na ng Business Flight, ang CBC Entertainment Productions flagship TV program.

Simula sa November 29, sa bago nitong timeslot tuwing Sabado na 11:30 A.M. na ito mapapanood.

Kasama ni Venus sa naturang show ang businesswoman na si Cristina Decena.

Masayang-masaya si Venus na nasa second season na sila ngayon.

“Well, very happy kasi, actually, I never expected na hahaba siya ng ganito.

"First season, sobrang happy na ako noon na may show na ganito.

"Ang blessed ko naman na nakuha ako.

"’Tapos, nagkaroon pa ng second season, which means, longer time to work and more places to explore.”

Kumustang co-host si Cristina at the same time, producer niya rin?

“Ang sayang kasama ni Madam. At the same time, bagets na bagets din siya.

"Sobrang saya niyang kasama. Sa Japan, hindi ako marunong mag-Japanese.

"Pero siya, fluent siyang magsalita ng language nila, siya ang tatawad, siya ang ganun.

“Ang galing niya, tina-translate niyang lahat pati kapag kakain kami. Ang galing, sobrang galing.”

Dahil nga sa programa nilang Busines Flight, napakarami na raw napuntahan ni Venus.

Aniya, “Sa Philippines, marami na rin.

"Pero outside Philippines, we went to Nagoya, Japan. I went to Singapore. Hopefully, matuloy yung Brazil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na naming sinasabi kay Madam. Pero, gustung-gusto niya.

“She went to Mexico, at si Madam, kahit saan naman siya pumupunta, pero sa akin, bago yun.

"Kasi never pa naman akong nakapag-travel. You get to travel for free and you get to work for free."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN