Iñigo Pascual says Sofia Andres not jealous of Julia Barretto

Iñigo Pascual is now being linked to his two young co-stars, Julia Barretto and Sofia Andres, part of showbiz intrigues, and he’s learning from his dad how to handle these: "Gagayahin ko na lang ang mga ginagawa niya, ang mga strategies niya sa mga intriga and all that."


Kapapalabas pa lang ng unang pelikula ni Iñigo Pascual na Relaks, It’s Just Pag-ibig, pero patapos na rin ang pelikulang pagtatambalan naman nila ni Julia Barretto.

Ayon sa baguhang aktor, naging malapit na magkaibigan sila ni Julia dahil sa pelikulang pinagsamahan.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s good, we’re almost done filming it.

"We have few more days to shoot, we have MMK [Maalaala Mo Kaya] this coming Saturday [November 29].

“We’re good friends, we’re really close, ang bilis naming maging close.

"Vibes kami and sabi niya, magaan ang feeling niya sa akin, and ganun din ako.

"Ang dami naming pinag-uusapan palagi."

Crush niya ba si Julia?

“Crush? Friends lang po kami,” sagot ni Iñigo.

SOFIA ANDRES. Sa presscon noon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig, nabanggit nina Iñigo at Sofia Andres na mayroon silang mutual understanding o MU.

Ayon naman kay Iñigo ay walang nabago sa samahan nila ng dating kapareha.

“Yes, I try my best to talk to her as well, and I told her we should not let work affect our personal life.

"The friendship that we have is not gonna be affected by our work.

“Selos? Hindi naman kasi alam niyang work.”

ON HIS OWN. Sa interviews sa ama ni Iñigo na si Piolo Pascual ay nabangit nitong wala siyang espesyal na tratong ibinibigay sa anak at kinakailangan itong dumaan sa hirap at pagod na pinagdadaanan ng kahit na sinong artista.

Sang-ayon naman si Iñigo sa gustong mangyari ng ama.

“I’d like that because he wants me to go through that process, yun din ang gusto ko.

"Ayoko yung feeling na porke’t anak ako ni Piolo, it will be an easy way.

"I wanna work hard for what I will earn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to be normal, I don’t want any special treatment.

"I really wanna show just who I am.”

Visible na sa ilang showbiz gatherings, katulad sa Star Awards For TV, masaya si Iñigo na ngayon ay napupuntahan at nagagawa na rin niya ang dati lang ay nakikita niyang ginagawa ng ama.

Saad niya, “Ang sarap ng feeling kasi dati pinapanood ko lang si Papa.

"Everything that he did, sumasama lang ako sa kanya.

"Ngayon, ako na ang nagpe-present, ako na ang nasa stage.

“Nung una nao-overwhelm ako ’pag pinapanood ko si Papa, I grew up watching his movies.

"Parang ginagaya ko lang ang ginagawa niya and I’m enjoying it. Dati ko na itong gustong gawin.”

HANDLING INTRIGUES. Handa na ba si Iñigo na maaaring mawala na ang kanyang privacy at ang kakabit nitong mabibigat na intriga na maaaring ipukol sa kanya?

Sagot niya, “Siyempre, you like privacy, but like I’ve said, it’s my dream.

"So, masaya na nandito na ako and I want to make people happy.

“Am I ready? I wouldn’t say naman, but I could say I feel equipped from watching him [Piolo], learning from his mistakes.

"Gagayahin ko na lang ang mga ginagawa niya, ang mga strategies niya sa mga intriga and all that.

"You just have to really make wise decisions ’pag family na ang pinag-uusapan.”

Aminado si Iñigo na apektado siya noon kapag may matitinding intriga na ipinupukol sa kanyang ama.

“Siyempre naman, as a son, pero I’d always try to be there for him kahit malayo.”

Sa hindi matigil-tigil na pagkukumpara sa kanila ng ama, tanggap at naikundisyon na rin naman ni Iñigo na magiging parte na ito ng career niya, lalo’t isa sa pinakasikat na aktor si Piolo.

“He told me about it, like nung nag-i-start pa lang ako, na it’s gonna be part of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m his son. It’s inevitable, it’s gonna be part of it.

"That’s the also reason why I’m also here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN