Katrina Halili says her breakup with Kris Lawrence was long time coming: "Mas okey kami na separate ways."

She’s in-between jobs at the moment, which gives Katrina Halili more time to focus on her two-year-old daughter. What has she learned? “Maraming naitulong sa pag-iisip, direksiyon. May disiplina ka na ngayon. Dati kasi walang direksiyon, walang pupuntahan, trabaho lang nang trabaho, bili lang nang bili."


Ang pagiging full-time mommy muna ang pinagkakaabalahan ngayon ni Katrina Halili kasabay na rin ang pagwu-workout para ma-maintain ang sexy figure niya.

Matapos ang huling teleseryeng ginawa ni Katrina sa GMA Network, ang Niño, wala pang bagong project ang aktres kaya naman hatid-sundo niya ang kanyang two-year-old daughter na si Katrence sa school.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa 2nd birthday celebration ng anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Soldevilla, last Saturday, November 22, sa Cypress Tower, Taguig City.

Ibinalita ng StarStruck alumna naipinasok na niya sa school ang anak, “Para ma-expose na siya sa mga bata.

"Kailangan niyang masanay sa mga bata para mas madali sa kanya ang makipag-interact po."

High school pa lang ang natapos ni Katrina at iniisip nga raw niyang kumuha na lang ng Culinary Arts kaysa kumuha ng academic course.

Nag-isip sandali si Katrina bago sagutin ang tanong kung pinagsisisihan niyang hindi siya nakatuntong ng kolehiyo.

“Hindi naman, okey lang. Pero si Katie, kailangan makapagtapos siya.

"Ako, siguro culinary na lang, ako na lang ang magluluto ng food niya."

Sa murang edad daw ng anak ni Katrina, nakikitaan na raw niya ito ng interes sa music, bagay na namana nito sa kanyang ama—ang R&B singer na si Kris Lawrence.

Ang namana naman daw ng anak ni Katrina sa kanya ay ang kilos niya.

“Yun bang kung paano matulog, nagtatakip siya ng lampin sa mukha.

"Ako naman nagtatakip ako ng mukha kahit unan or tela, kahit ano. Siya, ganun din."

Kung sakaling kunin silang mag-ina para sa isang TV endorsement o lumabas sa isang acting project, papayag ba siya?

Sagot ni Katrina, “Hindi pa. Mai-stress po siguro ako.

"Next time na lang ’pag medyo malaki-laki na siya."



FORGIVING. Ano ang natutunan ni Katrina bilang isang ina ngayong lumalaki na ang anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami po. Maraming naitulong sa pag-iisip, direksiyon.

"May disiplina ka na ngayon.

“Dati kasi walang direksiyon, walang pupuntahan, trabaho lang nang trabaho, bili lang nang bili.

“Ngayon, parang hindi na ako bumibili ng para sa sarili ko, para na lang sa kanya.”

Naging mapagpatawad ba siya, ’tulad sa nangyari sa kanila ni Hayden Kho Jr.?

Pakli niya, “Forgiving naman talaga ako, e.”

Pagdating naman sa pag-ibig, ano ang natutunan niya?

“Huwag madaliin, yun na lang muna.”

Ayon sa aktres, nananatili silang magkaibigan ni Kris bagamat naghiwalay na sila.

“Okey naman po kami, okey naman po kami as parents kay Katie.

"Okey naman kami as friends, nagkikita pa rin naman kami.

“Nasa Japan siya ngayon. So, ako na muna kay Katie ngayon.

"’Pag nandito siya, dumadalaw-dalaw naman siya.”

THE ADMISSION. Inamin ni Katrina na sa kanya nanggaling ang kumpirmasyong hiwalay na sila ni Kris.

Paliwanag niya sa ginawang pag-amin, “Kasi ang tagal na naming hiwalay, noong January [2014] pa.

"Inisip ko, time na rin siguro na aminin na wala naman na."

May nabago sa treatment nila ni Kris sa isa’t isa?

Saad ni Katrina, “Sa ngayon, mas okey na.

"Nong una kasi, medyo nagkakailangan kami, lalo na may lumabas na isyu.

"Pero ngayon okey na kami. Hindi naman naming kailangang mag-away.

“Unang-una, ’pag mag-away kami, nasa akin si Katie.

"Mamaya, hindi pa niya makita si Katie, ’di ba?

“Hindi namin kailangang mag-away. Wala naman dahilan.

“Siguro kailangan lang po naming mag-mature na dalawa.

"Ako, may kailangan din akong tapusin pa. Siya naman, kailangan din niyang mag-ipon pa.

“Parang hindi kami naggu-grow na dalawa ’pag magkasama.

"Basta, mas okey kami na separate ways.

“Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanya. Siya naman, hindi rin kailangang magsabi pa sa akin.

“Gawin mo yung gusto mong gawin, gagawin ko rin yung gusto ko.

“Unang-una, tagal na naming ganun lang, na pupunta lang siya sa house. So, parang wala rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nawala lang sa amin yung ’I love you,’ sweet-sweet-an.

"Pero ganun pa rin kami. Minsan magkasama kami sa church.”

Yung love ba, nandun pa rin?

“Love as a friend,” sagot ni Katrina.

Paano yung role nila sa pagpapalaki sa kanilang anak?

“Naghahati kami sa mga binabayaran kay Katie, like may tutor siya, may school pa.”

Puwede na ba siyang tumanggap ng mga manliligaw?

“Ayoko rin naman, hindi naman ako naghahanap.”

Si Kris ba, puwede nang manligaw at magka-girlfriend?

“Bahala siya. Hiwalay nga, ’di ba?

"I don’t know what’s gonna happen.

“Tagal ko rin namang nag-isip. Taon po ’yan…

"Pero sa tingin ko, mas okey kami sa ganitong sitwasyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN