Bianca King shocked over non-renewal of contract with GMA Network

Bianca King defends her projects with TV5: "Hindi kasi nila alam o baka hindi nila napapanood kung gaano kaganda yung mga show. So, for me, it’s a matter of time lang talaga until lumawak at dumami talaga yung viewership ng TV5 at malaman ng mga tao kung gaano kaganda yung mga ginagawa nilang mga show."


Aminado si Bianca King na nalungkot siya nang hindi na i-renew ng GMA-7 ang kontrata niya sa network matapos itong mag-expire noong Enero ngayong taon.

Sampung taon ding naging exclusive Kapuso actress si Bianca.

Bago mag-expire ang kontrata ay ipinahiram pa ng GMA si Bianca sa TV5 para gawin ang primetime teleseryeng Obsession, na umere mula Enero 23 hanggang Abril 10.

Inakala niya na mag-uusap sila ng GMA pagkatapos niyang gawin ang Kapatid serye.

Tinapos ni Bianca ang taping ng Obsession at nagbakasyon siya sa Amerika sa loob ng dalawang buwan mula Marso hanggang Mayo.

Pero pagbalik niya sa Pilipinas ay nagulat na lang siya sa balitang sumalubong sa kanya.

Lahad ng aktres, “Siyempre noong una, nabigla ako.

“Kasi pag-uwi ko from the States, noon ko pa lang nalaman na, ‘Ay, hindi na pala [ire-renew].’

“So, siyempre, for mga one month, malungkot talaga.

“Naging open naman ako sa mga friends ko, sa mga tao, na parang I felt like… parang naramdaman ko na malungkot kasi hindi ako nakausap nang maayos, parang nalaman ko na lang sa manager ko [Ronnie Henares at Ida Henares ng Primeline].

“Parang I felt like unceremoniously biglang wala na, yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa pocket presscon na ibinigay ng TV5 sa kanya para sa pinagbibidahan niyang primetime mini-series na Wattpad Presents His Secretary kasama si John James Uy.

Ginanap ito kaninang tanghali, Nobyembre 26, sa Nomama restaurant sa Capitol Commons, sa Kapitolyo, Pasig City.

Tinanong din ng PEP kung wala bang nakalagay sa GMA contract niya na automatic renewal.

Ayon kay Bianca, “Wala na yung automatic, e, parang may hangganan din siya, e. ‘Tapos wala nang offer.

“After ten years, wala nang offer na mag-renew.

“So, parang kinuha ko rin yung pagkakataon na iyon para i-explore yung ibang bagay na gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, for the first time in ten years, ngayon lang ako hindi natali ulit sa network.

“So, hindi ko na kailangang magpaalam.”



MOTIVATION. Ginamit na lang daw itong motibasyon ni Bianca para sa ibang bagay na gusto niyang gawin.

“Pero okay lang iyon kasi nagamit ko yung emotion na pang-motivation na, ‘Okay, ano’ng gagawin ko ngayon? May ipon ako, may oras ako, magtayo kaya ako ng business.’

“Parang maganda siyang motivation for me to seek other options para siyempre hindi na lang ako umaasa sa showbiz.

“Kasi kahit na nag-aral ako and everything, parang nasa bubble ako ng showbiz, e.

“’Tapos noong nawala yung safety net ko na merong kontrata, napilitan ako talagang mag-isip like an adult.”

Ito nga raw ang nakapag-motivate sa kanya para itayo ang dalawang negosyo niya kasama ang kanyang business partners.

Una ay ang healthy dining restaurant, ang Runner’s Kitchen, na matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City, na magbubukas sa Disyembre.

Ang isa pang business niya ay ang kanyang yoga studio, ang Beyond, sa Rockwell.

Gumawa rin siya ng sarili niyang blog, ang www.biancaking.com, kung saan mababasa ang tungkol sa kanyang mga business at iba pang mga ginagawa niya.



BACK WITH TV5. Ngayon nga ay balik sa TV5 si Bianca para sa Wattpad Presents His Secretary, na eere mula Disyembre 1-5.

Sabi niya, “Masaya siyempre kasi dumating na ako sa point na hindi na ako masyadong nakikipagkumpitensiya.

“Parang mas mahalaga sa akin na may magandang trabaho.

“So, kung anuman yung show na dumating, kung maganda yung materyal, tinatanggap ko na. Hindi ko na iniisip yung mga comment-comment ng ibang tao riyan.

“At saka sobrang suwerte ako na napakaganda ng mga ibinibigay sa aking roles ng TV5.

“Eleven years na akong artista, so alam ko na yung mga pasikot-sikot sa showbiz.

“May mga kritisismo na dapat akong maapektuhan at meron ding mga bagay na hindi na dapat bigyan pa ng panahon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware daw si Bianca sa ibang tao na tila kinukuwestiyon kung bakit sa TV5 siya gumagawa ngayon ng proyekto.

Pahayag niya, “May mga nababasa ako sa Internet kung bakit ako pumunta dito.

“Hindi kasi nila alam o baka hindi nila napapanood kung gaano kaganda yung mga show.

“So, for me, it’s a matter of time lang talaga until lumawak at dumami talaga yung viewership ng TV5 at malaman ng mga tao kung gaano kaganda yung mga ginagawa nilang mga show.

“Hindi siya mediocre, talagang every project na ginawa ko at gagawin ko pa, kasi meron pa akong susunod, e, first time ko talaga siyang nagawa.

“Katulad nitong Wattpad, ngayon lang ako gumawa ng full-length romantic-comedy sa primetime na soap talaga siya, hindi siya sitcom, e.”

Inihayag na rin ni Bianca ang susunod niyang gagawing proyekto sa TV5 pagkatapos ng Wattpad Presents His Secretary.

“I have a soap, Mac & Chiz, with Derek Ramsay and Empoy. Comedy series siya which will air sa January.”

Dumating kaya ang time na maging exclusive talent siya ng TV5?

“Oo naman, bukas po ako. Basta po may offer,” sagot ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN