Patricia Javier back in showbiz for good; signs contract with Viva Entertainment

No one is more supportive of Patricia Javier’s return to showbiz than her chiropractor husband, Dr. Robert Walcher, who in the short time that they’ve settled in the Philippines, together with their two sons, has already conducted a wellness mission in Antipolo.


Former sexy actress Patricia Javier is back in the Philippines and for good.

Pumirma siya ng kontrata sa Viva Entertainment noong Martes, November 25, sa Viva office sa may Ortigas Center.

Ang Viva top boss na si Vic del Rosario ang siyang magiging manager niya.

“I am back for good pero ang America naman ay nariyan lang. We can go always back and forth,” pahayag ni Patricia nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva office.

Ito raw ang tamang panahon na magbalik siya sa showbiz dahil ang asawa niyang si Dr. Robert Walcher ay ibinenta na ang kanyang business sa States.

At least daw, sa pagbabalik ni Patricia sa Pilipinas ay kasama na niya ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki.

Halos sampung taon ding nawala si Patricia matapos siyang magtungo ng Amerika at marami raw siyang na-miss dito sa Pilipinas.

“Na-miss ko ang showbiz. Na-miss ko umarte.

"Sa U.S., aside from being a mom, nag-work ako sa isang derma clinic.

"I was an aesthetician for Dr. Tess Mauricio, isang sikat na dermatologist.

"I also performed once in a while, I had singing engagements, and I also worked as a VJ,” kuwento niya.

REVIVING HER CAREER. Very grateful daw si Patricia kay Boss Vic dahil binigyan siya muli ng pagkakataong i-revive ang kanyang showbiz career.

“I think si Boss Vic talaga ang isa sa nagtulak sa akin para bumalik.

"Kung wala siyang go-signal, hindi naman siguro ako babalik.

"May eye siya, may vision na nakikita kung ano pa ang puwede kong magawa.

"Sabi ni Boss Vic, alam na ng mga tao before na sexy star ako. This time daw, gusto niya na i-build up ako as a serious actress.

"Gagawa raw kami ng mga magagandang pelikula na may kabuluhan, yung may laman."

In the process na raw ang Viva sa pagpaplano ng project na kanyang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Patricia, “I am excited sa aking pagbabalik-showbiz.

"Siyempre, medyo kinakabahan ako ng konti.

"Kahit maraming artista ngayon, marami rin naman akong roles na puwedeng gawin, yung bagay sa age ko now.

"Like, I can play a young mom o kaya anumang role na sa tingin ko ay I can give justice to."

NO MORE SEXY SCENES. Kasama ba sa pagtanggap niya ng roles ang paggawa ng sexy scenes kung saan siya nakilala before?

Ayon kay Patricia, “Siguro iba na ang situation now kasi I already have a family.

"Kung may gagawin mang sexy scene, hindi na ito katulad dati na sobrang sexy.

"Siyempre may limitation na. I think nailabas ko na lahat before when it comes to being sexy!" tawa pa niya.

Patuloy niya, “Siguro kung may kissing scene okay lang siguro, pero siguro hindi na magpapakita ng so much skin.

"They don’t do those scenes na ngayon, ’di ba?

"Parang very tasteful na ngayon ang mga sexy scenes kasi ang focus ay sa story.”

Sa mga artistang lalaki naman na gusto niyang makatrabaho, nagbigay si Patricia ng tatlong pangalan—Jericho Rosales, Dennis Trillo, at Tom Rodriguez.

Hindi lang daw guwapo ang mga ito kundi magagaling din umarte. Napanood daw niya ang series na My Husband’s Lover at humanga siya sa husay nina Dennis at Tom sa pagganap ng kanilang respective roles.

SUPPORTIVE HUBBY. Ayon kay Patricia, very supportive ang mister niya sa kanyang showbiz career kaya she doesn’t see any problem kung mag-artista man siya uli.

“He is so happy about it. He said, ’Babe, do it, you made the sacrifice for me before. At the height of your career, you gave it up for me. Getting a second opportunity for an acting career doesn’t come always, so do it.’

“Sabi niya, siya naman ang magsa-sacrifice for my sake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naawa nga ako sa kanya kasi pagdating namin dito, iba ang climate so pinagpapawisan na siya agad.

"He just came out of the shower, he was sweating na agad.

“He also needs to adjust when it comes to food.

"I told him that he needs to embrace the Filipino culture so he has to learn how to eat Pinoy food.

"But he likes Pinoy food, like chicken adobo, kasi back in the States, nagluluto naman ako.

"I also cook pansit and lumpia," wika pa ni Patricia.

Pahayag pa niya, “Kaya nga Amerikano ang pinakasalan ko kasi ayoko ng seloso.

"I think my husband understands what I want and even if he doesn’t say anything with regards my career, I know he trusts me.”

Isa pang nagustuhan ni Patricia sa kanyang asawa na isang chiropractor ay ang hangad nitong makagawa ng medical mission para makatulong sa mga mahihirap.

“Gusto niya na mag-spread kami ng wellness and beauty mission.

"We did our mission in Antipolo. Marami na siyang tinulungan na tao roon for free.

"He is also doing wellness talk to inform the people kung anong mga pagkain ang dapat i-avoid para maging healthy tayo.

"Kaya ako, ganun din ang ginagawa ko.

"Pero beauty tips naman ang isini-share ko sa mga tao, like how to take care of their skin.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN