KC Concepcion experiences ups and downs in coping with the loss of grandmother Elaine Cuneta

KC Concepcion is back in the Philippines after a short vacation in the US and says she is still trying to cope with the recent death of her beloved grandmother Mamita Elaine Cuneta.


Nakabalik na ng Pilipinas si KC Concepcion matapos ang dalawang linggong pamamalagi sa United States.

Ilang araw matapos ang libing ng kanyang lola na si Elaine Gamboa-Cuneta, noong November 11, lumipad patungong Los Angeles si KC para magbakasyon at maibsan ang lungkot mula sa pagpanaw ng kanyang lola.

Bukod sa Instagram posts niya ng mga larawan na may temang Pamasko habang nasa US, inihayag din ni KC na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi sa Pilipinas magpa-Pasko ang kanyang pamilya ngayong darating na Disyembre.

Gayunpaman, hindi pa raw nila alam kung saan sila magbabakasyon.

Ayon sa bahagi ng caption ni KC: “I wonder where my family & I will be spending Christmas this year? It’s gonna be our first Christmas away from the Philippines. Any suggestions? #KCTravels #ChristmasAbroad ”

Inaliw rin ng aktres ang sarili habang nakabakasyon at dumalo sa American Music Awards noong November 24 (November 25 sa Pilipinas).

5 Seconds of Summer!!! For their biggest fan, my sis Frankie aahh so excited for her PART 2 😄💥💥💥 @5sos #AMAs #LA

A video posted by This is KC CONCEPCION (@thisiskcconcepcion) onNov 11, 2014 at 10:32pm PST

Nitong Linggo, November 24, nagwagi naman si KC bilang Best Supporting Actress sa Philippine Movie Press Club Star Awards for TV.

Ito ay para sa pagganap niya bilang Natalia sa Ikaw Lamang.

Sa Instagram din nag-post si KC ng thank-you speech niya para sa award na iginawad sa kanya.

Sa nasabing videos, pinasalamatan ni KC ang ina na si Sharon Cuneta at inialay niya ang award sa kanyang yumaong Mamita, na si Mommy Elaine.

“I dedicate this award this award to, of course, my guardian angel na ngayon, ang pinakamamahal kong lola, si Mita Elaine. This is dedicated to you.

“You said to me, ’Anak, you do good, ha.’ ’Yan, Mita, this award is for you,” lahad ni KC.

Kahapon, November 26, nag-post naman si KC ng mga larawan ng pagbisita niya sa The Ellen DeGeneres show bilang isa sa audience, kasama ang dating aktres na si Beverly Vergel.



MISSING MAMITA. Sa kanyang Twitter, inanunsiyo ni KC ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas kahapon, November 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan naman nito ng isa pang post na sinasabing napagod siya sa nakaraang linggo kasabay ng patuloy niyang pag-cope sa pagyao ng kanyang lola.

Bahagi sa post ni KC, "Many ups & downs, coping w/ my grandma’s passing best I could.”

Samantala, sunod na mapapanood si KC Concepcion sa isa sa tatlong offering ng ABS-CBN Christmas special na Give Love on Christmas Day.

Magtatambal sila ng kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino sa The Exchange Gift episode ng nasabing Christmas special.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN