Nadine Lustre on comparison with Kathryn Bernardo: "Accepted ko naman na mas maganda siya."

Nadine Lustre on rivalry between JaDine loveteam (left) and KathNiel (right) loveteam: "We’re not competing. Hindi namin iniintindi talaga. Ginagawa lang namin yung best namin, nag-e-enjoy lang kami. Yun po."


Sa kabila ng pagtatapat ng loveteams nila, sinabi ni Nadine Lustre na hindi sila nakikipagkumpitensiya ni James Reid sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Saad ni Nadine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sabi naman namin ni James, we’re not competing. Hindi namin iniintindi talaga.

“Ginagawa lang namin yung best namin, nag-e-enjoy lang kami. Yun po.”

Kung ibabase sa bashers o haters ninyo, lumalabas na parang takot silang mapantayan ng JaDine loveteam ang tambalan nina KathNiel.

Reaksiyon dito ni Nadine, “Wala naman kaming aagawin na korona or ano.

“Kami ni James, wala talaga. Trabaho lang.

“Kaming dalawa, very positive kami.

“Ayaw namin na may nag-aaway. Ayaw namin na may… personally, ayoko po ng ganun.”



KATHRYN BERNARDO. Samantala, ayon kay Nadine, hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkakausap nang personal sa itinatapat sa kanyang si Kathryn Bernardo.

Kuwento ni Nadine, “Well, nakita ko na siya… I think sa ASAP.

“Kasama ko pa si Joseph Marco nung nag-ASAP kami.

“Nandun kami sa may hallway, ‘tapos dumaan siya [Kathryn].

“Yun ang sinabi ni Joseph na dumaan nga raw siya.

“Pagtingin kong ganyan, malayo na siya.”

Hindi siya napansin ni Kathryn?

“Hindi ko po alam.”

Nasasaktan ba si Nadine kapag sinasabi ng bashers niyang mas maganda si Kathryn kaysa sa kanya?

Tugon niya, “Hindi. Okey, mas maganda sa akin.

“I mean, ako naman, hindi ko talaga… hindi ko naman din ginusto na…

“Hindi naman sa hindi ginusto… hindi naman ako perfect.

“Accepted ko naman na mas maganda siya. Okey.

“Hindi naman issue sa akin yun. Hindi problema sa akin yun.”

Sabi-sabi namang may pambawi si Nadine dahil mas talented siya dahil certified singer siya.

Komento niya rito, “Maganda po talaga… kasi before, hindi po ako talaga kumakanta.

“Since na-train ako sa POP Girls… training lang naman po yun. Push lang sa training.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN