Pauleen Luna on being asked about marrying Vic Sotto: “Mas pressured siya, less pressure on me.”

Pauleen Luna on different rumors about her relationship with boyfriend Vic Sotto: "I don’t think there’s any move ko na hindi ini-issue, e. I guess, you just have to get used to it. Pick the ones that really matter and the rest, throw it away."


Ikinagagalak ni Pauleen Luna ang naging pahayag ng kasintahan niyang si Vic Sotto kung bakit kahit cameo role o special participation lang ay hindi ito nawawala sa pelikula ng comedian-TV host.

Sa 2014 Metro Manila Film Festival entry nina Vic at Ryzza Mae Dizon na My Big Bossing ay may maikling papel dito si Pauleen.

Sabi ni Vic sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, pagkatapos ng presscon proper ng My Big Bossing kahapon, November 26, “lucky charm” niya si Pauleen sa kanyang mga pelikula.

Kaya naman kahit maliit lang ang role o special participation lang ang papel nito ay hindi puwedeng mawala si Pauleen.

Nangingiting komento naman ni Pauleen, “It’s nice.

“Also, ako naman, sinasabi ko na nagpiprisinta rin naman ako kung kailangan niya ng tulong o suporta, I’m always there.

“Saka for the past years, medyo one scene. Pero ito, medyo pinaghirapan naman.”



WEDDING PROPOSAL. Sa tanungan ay nausisa kay Vic ang napabalitang wedding proposal diumano nito kay Pauleen sa susunod na taon.

Maagap naman niyang itinanggi ang tungkol dito at sinegundahan din ito ni Pauleen.

Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Wala pong ganung usapan. That’s purely tsismis.”

Maliban sa kasal, itinanggi rin ni Vic ang usap-usapang nagpapagawa na raw siya ng bahay para kay Pauleen.

Aniya, may sariling bahay na raw ang kasintahan na ipinagawa ng mga magulang nito.

Dugtong pa ng komedyante, kung sakaling magpapagawa siya ng bahay ay hindi para lang kay Pauleen kundi para sa kanilang dalawa.

Nagbigay naman ng kanyang reaksiyon si Pauleen tungkol dito.

Saad niya, “Lahat naman iniisip, e. I don’t think there’s any move ko na hindi ini-issue, e.

“I guess, you just have to get used to it.

“Pick the ones that really matter and the rest, throw it away.”

Ikinatutuwa naman ni Pauleen ang balitang boto raw si Dina Bonnevie sa relasyon nila ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dina ang ex-wife ni Vic kung saan siya may dalawang anak—sina Danica at Oyo Sotto, na pareho na ring may sari-sariling pamilya.

Sagot ni Pauleen dito, “That’s nice. Ako, natutuwa ako, kasi coming from his ex, very nice to know.”

Kapansin-pansin naman ang paggu-glow ng mga mata ni Pauleen, isang indikasyong masaya siya sa kanyang buhay at lovelife.

Pagsang-ayon niya, “Siguro, I can say, at this point, I’m very contented and I don’t think meron pang mas gaganda pa sa lugar o feeling na yun.”



WORK AND PLAY. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Pauleen, inalam namin kung paano nila naihihiwalay ni Vic ang romantic relationship nila sa trabaho?.

May mga pagkakataong sumusulpot pa rin ba ang sweet moments nila sa set o shooting?

Ayon sa 26-year-old actress, “Hindi. Ang trabaho, trabaho.

“Siguro ang pinakaano namin is nagkakilala kami, we’re in the same industry na, e.

“So, nung nagkakilala kami, artista na kami pareho.

“So, there’s no need na para ma-involve pa yung romantic side sa trabaho.”

Nabanggit ni Pauleen sa presscon proper na may mga nadidiskubre pa siyang traits ni Vic na hindi niya nakita sa araw-araw nilang pagsasama sa Eat Bulaga! at sa tatlong taon na rin nilang relasyon.

Nagugulat ba siya sa mga naoobserbahan niya kay Vic?

“Hindi naman. Kasi ibang environment ito, e.

“Iba ang Eat Bulaga, iba yung nagsu-shoot ka with other people.

“It’s nice to know na meron pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya.

“Slowly unfolding yung mga characteristics niya na hindi pilit. So, nakakatuwa.”

Bilang partner, paano niya ilalarawan si Vic?

Sagot ni Pauleen, “Very loving. Straightforward, mabait, madaling kausap.”



KEEPING IT LIGHT. Marami naman ang nagsasabing nakakatulong si Pauleen para magmukhang bata si Vic sa kabila ng edad nitong 60.

Sabi naman ng actress-TV host, “I guess the key is keeping the relationship light.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think na kung mabigat itong relationship, makikita ito sa mukha naming masaya kami.

“We’re just happy with what we have.

“We don’t pressure each other, we don’t let negative things get into us.

“Kung meron man kaming, kunwari naba-bother kami, pinag-uusapan namin, hindi na namin pinatatagal.

“Hindi na namin tinatanong pa yung ibang tao. Straight to each other.”

Ano yung mga bagay na pinagkakatampuhan nilang dalawa?

“Naku, wala! Ni wala kaming matagal na away… ang gaan, magaan.”

Paano siya napapasaya ni Bossing Vic?

Sabi ni Pauleen, “Time lang. Yun lang ang hinihingi ko. And naibibigay naman niya.

“Hindi naman ako humihingi ng marami, oras lang. Time together.”



NOT FORCING HERSELF. Kumusta ang relasyon niya sa mga anak ni Vic?

“Okey naman po,” maikling tugon ni Pauleen.

Ano ang ginawa niya para mapalapit sa kanila?

“Hindi ko lang po ipinilit ang sarili ko.

“I think, I just let things happen on its own.

“Hindi ko po pinuwersa yung sarili ko sa kanila.”

Hindi niya rin ba pinilit o pinuwersa ang sarili para mag-mature at upang bumagay sila ni Vic?

“Hindi, nag-crash course ako sa maturity, e… crash course,” nakangiting sabi ng Eat Bulaga! host.



WEDDING TALKS. Kapag nag-uusap ba sila nang sarilinan ni Vic, nababanggit ang tungkol sa kasal?

“Secret!” sabay tawa ni Pauleen.

Dagdag niya, “But whatever that we talked about, maganda yun. Kung anuman yun.”

Ano ang nararamdaman niya sa dami ng mga nagtatanong tungkol sa kasal, marami ang nag-aabang?

Sabi ni Pauleen, “Ay, naku, I’m just thankful na ngayon lang ako natatanong ng ganito.

“Kasi siya [Vic], matagal-tagal nang natatanong ng ganito.

“Mas pressured siya, less pressure on me.”

Nakikita niya na ba ang sariling makasama si Vic habambuhay?

Sagot ni Pauleen, “Yeah, I guess so. I can say that.”

Wala namang magiging problema sa kanyang pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Okey naman ang family ko.”

Paano siya binago ng relationship nila ni Vic?

“I learn to be selfless in this world. I guess, yun ang pinakaano ko…” sabi ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN