Gab Valenciano grateful to Beyoncé for consulting him for “7/11” MV

Gab Valenciano hopes to meet Beyoncé in the future: "I’m still hoping na we get to work more in the future but, definitely, the possibility is there."


Hindi pa rin makapaniwala ang dancer na si Gab Valenciano na naging parte siya sa paggawa ng isa sa mga bagong music video ng international pop superstar na si Beyoncé.

Ang “Super Selfie” videos kasi ni Gab ang naging inspirasyon ng music video ni Beyoncé para sa kantang “7/11.”

Read: Did Gab Valenciano inspire Beyoncé’s latest music video?

Kinuha rin si Gab na creative consultant para sa nasabing video kaya naman itinuturing niyang “greatest reward” ang pagkakasali niya sa produksiyon nito.

Paliwanag niya, “It’s not the fact na beyond all the riches in the world, the fact na you can represent the Philippines even in this way.

“It’s very rewarding and I feel very blessed to hold a banner up high and, you know, it’s nakakakilig.

“Nakakakilig sa puso kasi parang, you know, you’re not just doing things for yourself anymore.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Gab sa kanyang pocket presscon sa Mesa restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

SUPER SELFIES. Ang management team daw ni Beyoncé mismo ang kumontak kay Gab sa pamamagitan ng kanyang official website.

Kuwento ng 27-year-old dancer, “I created my own website, I made my own official website.

“’Tapos doon mayrong mga contact, you know, ‘You can contact me at this…’

“And one day, I woke up... and this was the day that I was flying back to Manila.

“Paggising ko, nakita ko dun na may taong nagsabi na, ‘Hi, this is whoever,’ tapos, ‘We wanna work with you and give us a call.’

“Pero hindi nila sinabi kung sino, and then when I got back to Manila, dun ko lang nalaman na…

“Yung representative ko sa States nagsabi sa akin, ‘Oh, my god, Gab, tawagan mo ako kasi there’s something big!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos pagkatawag ko, sabi niya sa akin, it’s Beyoncé’s management.

“Parkwood Entertainment, yun yung management niya.

“Dun na nag-dawn sa akin na, ‘Oh, my god, medyo malaki ’to, a!’

“So, it’s not just some artist, it’s Beyoncé!

“So, medyo na-overwhelm ako nang konti, pero at the same time, I got really excited.”

Ikinatuwa rin ni Gab ang paggamit ni Beyoncé sa ilan sa signature moves niya sa kanyang "Super Selfie" videos.

Ani Gab, “In a way, she did use some of the choreography.

"Pero at the same time, she also infused her original moves.

“Kasi yung Super Selfie naman, it’s just a matter of you having fun and putting your own flavor to it.

“That’s exactly what Beyoncé did.

“Talagang nilagay niya yung mga moves niya, even with her dancers.”

Bukod dito, isa pa sa ikinagalak ni Gab ay si Beyoncé rin daw mismo ang nagsabing kunin siya bilang creative consultant para sa music video na ito.

Kuwento pa niya, “Kasi siya din daw nakapanood ng video, siya din daw nagsabi na, ‘You know, I would like to bring him onboard for this project.’

“Kasi nakita niya yung mga ’Super Selfie’ ko.

“So, you know, the mere fact that she has seen these things is a blessing in itself.”



BEYONCÉ. Ayon kay Gab, naging mabilis lang ang naging produksiyon ng music video.

Inabot lang ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pre-production ng music video na si Beyoncé rin mismo ang nag-shoot, nag-direct, at nag-produce.

Nagkaroon din daw ng usapan tungkol sa pagpunta ni Gab sa New York upang personal na makatulong sa paggawa ng music video ngunit hindi ito natuloy.

Kuwento niya, “There were talks din na I would fly to New York, pero because ang bilis ng pangyayari, wala, e.

“Beyoncé is always in full control of her projects and so, hindi nila alam kung kailan niya gusto i-post, kung kailan niya… you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One day, she just said, ‘Okay, let’s do this!’

“Even I didn’t know when they’re gonna post it.”

Ano naman ang naramdaman niya nang mapanood na ang music video?

Sagot ni Gab, “Mag-isa lang ako nun, e, I woke up, ’tapos ang daming nagta-tag sa akin, e.

“Kasi hindi ko pa inilabas to to the public or even to my friends.

“So, paggising ko, ang dami kong notification sa Facebook.

“So, sabi ko, ‘What’s happening?’

“Pagpindot ko, ang daming mga kaibigan na nagsasabing, ‘Gab, parang ikaw ‘to, a! Parang this reminds me of you!’ without them knowing.

“Dun ko lang nalaman na na-launch na pala yung video.

“And then, when I watched it, dun lang nag-dawn sa akin na, ‘Oo nga ’no, this is it! This is the video!’”

Hindi pa nakikilala nang personal ni Gab si Beyoncé ngunit umaasa siyang balang-araw ay makilala ito at makatrabahong muli.

Ani Gab, “Hopefully, hopefully one day. I’m still hoping na we get to work more in the future.

“But definitely, the possibility is there."

Sa huli, patuloy pa rin ang pagpapasalamat ni Gab kay Beyoncé at sa management team nito sa pagbibigay ng tiwala sa kanya bilang isa sa kanilang creative consultant.

Saad ng anak ni Gary Valenciano, “I’m so grateful, I’m thankful for this opportunity.

“It’s not every day na you’re handpicked.

“’Di ba, usually you apply? Pero I’m really blessed and grateful to her and her team na they put their trust in me.

"With the concept, with their choreography, just the overall project."

Kabilang sa mga nais pang makatrabaho ni Gab ay ang Jabbawockeez at si Justin Timberlake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN