Jackie Rice admits to having premarital sex: "Hindi naman talaga ako pure Filipina... siguro may dugo rin akong medyo liberated, ‘di ba?"

Jackie Rice hopes present boyfriend to be her last: “Sana, gusto ko siya na yung huli ko. Ayoko naman nung papalit-palit. Hindi na nga kami kasal ’tapos papalit-palit pa ako.”


Hindi naman daw na-awkward si Jackie Rice na tanggapin ang pagiging brand ambassador ng Robust, na isang dietary supplement for men at nagpo-promote ng healthy sex life para sa couples.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi naman po.

“Kasi yung produkto naman, safe naman siya, and all-natural, parang ako nga lang. Walang siyang side effects.

“At saka parang ako naman yung muse nila, e, isang karangalan pa rin po para sa akin iyon na mapili nila ako, ‘di ba?”

Isang factor din kaya ang pagkakaroon niya ng sexy image dati, kung saan naging cover pa siya ng FHM?

Tugon ni Jackie, “Siguro po, pero matagal na po akong nag-men’s magazine, mga two yers ago pa.

“Nagulat nga ako na kinuha nila ako kasi ang tagal ko na rin pong hindi nagpapa-sexy.

“I mean, gumawa po ako ng film na medyo sexy, yung sa Kamkam. Pero paniniwala ko, character po iyon.

“So, ‘eto po ulit yung parang pagpapa-sexy ko.

“Nagpapapayat po talaga ako, pinaghahandaan ko, excited talaga ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa presscon at contract signing niya at ng iba pang artists para sa ineendorso nilang ATC Healthcare International products, kabilang na ang Robust.

Ginanap ito noong Nobyembre 25 sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel.



NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Wala man daw siyang asawa ay mayroon naman siyang non-showbiz boyfriend. Anim na taon na nga ang relasyon nila at masaya raw sila.

Ginagamit ba ng boyfriend niya ang ineendorso niyang supplement?

Sagot ng StarStruck alumna, “Dapat lang. Lalo na ngayon, dapat lang, kasi isa ako sa mga brand ambassador. Sobrang effective siya.”

Kailangan ba ng partner niya iyon kahit na bata pa naman ito sa edad na 29, habang si Jackie ay 24?

Sagot niya, “Para mas tumibay ang relationship namin. Para mas maging masaya kami pareho.

“Wala namang sinasabi na para sa matanda lang siya. Basta para sa lalaki siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung happy ang lovelife niya, happy rin ba ang sex life niya?

“Dapat, lalo na ngayong Pasko. Dapat masaya!” sabay tawa ni Jackie.



NOT READY FOR A BABY. Dahil inamin ni Jackie na happy naman ang sex life nila, handa na rin ba silang magka-baby?

Aniya, “Hindi pa dapat. Hindi ko pa po ma-imagine ang sarili ko [na magka-baby]. Kasi ibang responsibilidad iyon, e.

“And iyong mga mommies na artista na nakakausap ko… gusto kong maging perfect mommy para kung magkaka-baby ako.

“Kung sakaling ibigay, why not, ‘di ba?

“Pero hindi ko pa nakikita na ito yung perfect time para maging nanay ako.”

Nagpa-practice naman daw sila ng safe sex ng kanyang boyfriend.

“Dapat, dapat po siyempre.”



PREMARITAL SEX ISSUE. Hindi ba nag-aalala si Jackie sa sasabihin ng mga tao sa pag-amin niya tungkol sa premarital sex o sex before marriage?

Saad ng Filipino-American actress, “Well, kasi hindi naman talaga ako pure Filipina, ‘di ba?

“Siguro may dugo rin akong medyo liberated, ‘di ba?

“Ang importante siguro yung pagiging responsible partners namin ng boyfriend ko.

“Alam kong wala naman akong naaagrabyadong tao, wala namang asawa yung partner ko.”



NOT IN A HURRY TO GET MARRIED. Bagama’t maituturing na matagal na rin ang relasyon nila ng boyfriend niya, nakikita niya bang ito na ang magiging asawa niya?

Ayon kay Jackie, “Sana, gusto ko siya na yung huli ko.

“Ayoko naman nung papalit-palit. Hindi na nga kami kasal ’tapos papalit-palit pa ako.”

Kung sakali bang bang mag-propose na ang boyfriend niya ng kasal, handa na siya?

Sagot ni Jackie, “Hindi pa po siguro, bata pa po ako, and marami pa akong gustong gawin sa buhay.

“Pero gusto ko, siya na.

“Kung makakapaghintay siya, sana mahintay niya ako.”

Kailan niya nakikita ang sarili niya na magpapakasal?

“Siguro sa 2020, twenty-four pa lang po ako, so siguro bago ako mag-thirty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN