Bianca King says five-year gap with boyfriend Julio Villafuerte is not an issue

Sobrang matatag daw ang relasyon ni Bianca King sa boyfriend niyang si Julio Villafuerte. Galing sa angkan ng mga pulitiko sa Camarines Sur ang nobyo na mas bata sa kanya ng limang taon.


Isang taon at kalahati na ang relasyon ni Bianca King, 28, sa non-showbiz boyfriend niyang si Julio Villafuerte, 23.

Si Julio ay nakababatang kapatid ni Camarines Sur Governor Miguel ‘Migz’ Villafuerte, 25.

Selfie for @julzocampo! Please follow #i2i @i2i_incorporated dope ness

A photo posted by juli0vv (@juli0vv) onJun 6, 2014 at 3:08am PDT

Five years ang tanda ni Bianca sa nobyo. Pero ayon sa aktres, hindi problema ang agwat ng edad nila dahil mas mature mag-isip si Julio kaysa sa kanya.

Kuwento ng actress-entrepreneur, “Wala. ‘Pag nakita niyo siya, six-footer siya at sobrang mature mag-isip. So, parang mas mukha pa akong bata sa kanya.”

Nasabi na rin ni Bianca noon na wala pa sa isip niya ang lumagay sa tahimik dahil naka-focus siya sa kanyang mga negosyo.

Nakatakdang magbukas ang fitness restaurant ni Bianca samantalang bukas na ang kanyang yoga gym.

Pero sa tingin ba niya, nasa tamang edad na siya para mag-asawa?

Saad niya, “Parang iba na yata kasi ang panahon ngayon, e.

"’Pag isipin mo yung number 28, parang tama na siya for marriage, lalo na yung katawan ko puwede nang magdala ng bata.

"Pero yung pag-iisip ko, parang nag-uumpisa pa rin ako sa bagong career ko.

"Plus yung boyfriend ko is five years younger than me."

Taong 2006 nagkakilala sina Bianca at Julio sa opening ng CamSur Watersports Complex, at simula raw noon ay tuluy-tuloy na ang kanilang komunikasyon.

Sixteen years old pa lang that time si Julio, at 21 naman si Bianca.

Nagkita rin daw sila sa Amerika at dun na naging pormal ang kanilang relasyon.

A year and some time ago 👫

A photo posted by @bianca_king onNov 11, 2014 at 6:31pm PST

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Bianca sa pocket presscon nito para sa Wattpad Presents: His Secretary, na mapapanood na simula sa Lunes, December 1, 9:30 P.M., sa TV5.

Ginanap ang presscon sa Nomama restaurant, Capitol Commons, Pasig City.

CAREER. Sa pagpapatuloy ng kuwentuhan ni Bianca sa media, nasabi nitong nabigla raw siya sa hindi pag-renew ng kanyang kontrata sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Bianca King shocked over non-renewal of contract with GMA Network

Pero masuwerte naman daw siya at kinupkop siya ng TV5 at nabigyan ng magagandang proyekto.

Sa Wattpad Presents: His Secretary, gagampanan ni Bianca ang role ni Amanda, isang dalagang nagsusumikap magtrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nagkaroon ng conflict nang ma-in love siya sa karakter ni Dale—na gagampanan ni John James Uy—ang kanyang boss na solong tagapagmana ng isang malaking business empire.

Isang woman-hater ang role ni John James dito.

Bukod sa kanyang Wattpad episode, nakatakdang simulan ni Bianca ang rom-com serye na Mac and Chiz.

Makakasama niya rito sina Derek Ramsay at Empoy Marquez. Nakatakda raw itong ipalabas early next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN