Singer Sitti Navarro to marry fiancé Joey Ramirez in May 2015

Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ang singer na si Sitti Navarro kapag naiisip niya ang marriage proposal ng fiancé niyang si Joey Ramirez. Kahit bago pa lang daw ang kanilang relasyon, alamdaw ng singer sa puso niya na si Joey na ang kanyang mamahalin habambuhay.


Magsi-siyam na buwan pa lang ang relasyon ni Sitti Navarro at ng boyfriend niyang si Joey Ramirez nang mag-propose ang huli sa singer noong Hunyo ng taong kasalukuyan.

Read: Bossa Nova singer Sitti Navarro is engaged

Kinikilig na sabi ng Bossa Nova Queen, “When you know it, you know it.”

Chief executive officer (CEO) ng isang kumpanya ang nobyo. Nagkakilala ang dalawa sa isang blind date.

Kuwento pa ni Sitti, “Sinet-up kami ng cousin ng best friend ko, na kasama niyang nagba-bike.

"Kasi aside from being an entrepreneur at businessman, athlete din siya."

Thirty-two years old na si Joey at si Sitti naman ay magdiriwang ng kanyang 30th birthday bukas, November 29.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer sa 25thanniversary celebration ng Backroom Artists, noong Martes, November 25, sa Astoria Chardonnay, Pasig City.

THE PROPOSAL. June 20 nag-propose ang nobyo kay Sitti. Isang simpleng proposal lang na nagustuhan naman daw ng singer.

Lahad ni Sitti, “Simple lang, e. It was very authentic and sincere.

"Dalawa lang kami, bago kami mag-run, nagsabi siya ng… nahiya ako, ayoko nang sabihin kung paano niya… what were the words that he used leading to the actual question.

“Pero, basta nakakatuwa, kasi dalawa lang kami.

"And bago kami mag-run, so mga 5:30 in the morning ‘to. ’Tapos, kumanta siya.

“’Close your eyes, make a wish…’ ’tapos nung narinig ko yun, gumaganun ako [iminulat kaunti ang mata].

“’Tapos sabi niya, ‘Anong ginagawa mo?’

“Sabi ko, ‘Wala.’

“’Tapos nakapikit ako. Parang naglalaro lang kaming dalawa.

"And then, nung sabi niya sa akin, ‘O, sige, pikit ka lang, ha... one, two, three.’

“Pagbukas kong ganun, ’tapos hawak-hawak na niya yung singsing.

"And then, sabi niya, ‘Will you…’

“Ayun, masaya, masaya!”

THE WEDDING. Sa May 2015 gaganapin ang kasal nina Sitti at Joey. Out of town daw ito pero ayaw sabihin ng singer ang eksaktong venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May next year, so we still have about six months.

“Most of the suppliers, okay na kami. Most of it are, kumbaga, plantsado na.

"Kailangan lang… basta hindi ko siya ma-explain."

Isang private wedding daw ito na dadaluhan ng closest family and friends.

Sa January 2015 naman gagawin kanilang prenup photos and video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN