Sunshine Cruz hopes to be civil with estranged husband Cesar Montano in the future

Sunshine Cruz finds herself suddenly busy after her separation from Cesar Montano. "Nakatulong din na malaman ng tao na, ’O, puwede na nating kunin dahil kailangan ng trabaho niyan. Hiwalay na ’yan, wala na sigurong gaanong limitasyon sa oras.’"


Maagang nakatanggap ng Christmas gift si Sunshine Cruz nang mapabilang siya sa bagong seryeng niluluto ng ABS-CBN na pagbibidahan daw ni Janella Salvador.

Kontrabida ang magiging papel dito ni Sunshine at sisimulan na raw ang taping ngayong Disyembre.

Naibalita ito ng aktres sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nong nakaraang Linggo, November 23, sa Solaire Grand Ballroom habang isinasagawa ang 28th Star Awards for TV.

Excited na pahayag ni Sunshine, “For a change, after three consecutive goody-goody mother roles na walang ibang ginawa kundi ang umiyak.

"Especially sa Pure Love na niloloko na ako ng mga tao na wala na raw ba akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

“Dream role yun [kontrabida], though hindi ko alam kung gaano kalawak yung character.

"Pero dark daw yung character ko."

Ipinagpapasalamat ni Sunshine sa Diyos ang magkakasunod na trabaho niya mula nang mag-comeback siya sa showbiz.

Sabi pa niya, “Napakabait ng Diyos, siguro dahil meron akong tatlong angels kaya talagang dire-diretso kahit paano yung trabaho at maraming nagtitiwala sa akin.

“Wala na kong mahihiling pa. Nandiyan yung mga anak ko, nagtatrabaho ako, may mga nagtitiwala na magbigay sa akin ng trabaho.”

OFFERS POUR IN. Wala raw ideya si Sunshine kung bakit mabilis na tinanggap ang pagbabalik niya sa acting.

“Basta nung nalaman ng mga tao na hiwalay na ako, nagdagsaan ang mga offers.

"Isinubsob ko ang ulo ko sa trabaho, hanggang eventually, yung sugat [ng hiwalayan], nag-heal.

"Hindi ko namalayang matagal na pala, wala na pala, hindi na masakit. Wala na akong galit.”

Kasalukuyang naka-file ang petition for annulment ng kasal nila ni Cesar Montano sa korte.

Patuloy niya, “Kasi noon naman talaga, nung may asawa ako at nagsasama pa kami, very limited…

"I can only attend awards night or mag-guest sa anumang teleserye, but I had cut-off time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nakatulong din na malaman ng tao na, ’O, puwede na nating kunin dahil kailangan ng trabaho niyan. Hiwalay na ’yan, wala na sigurong gaanong limitasyon sa oras.’”

Hindi naman daw siya nanghihinayang na naging limitado ang oras niya para sa trabaho at social life.

“Ay, hindi! Dahil ginugol ko naman yun sa pamilya ko, yung oras, especially sa mga anak ko.

"And I’m proud to say na dahil natutukan ko sila kaya mababait silang mga bata.”

CUSTODY. Adjusted na ba ang mga anak nila sa hiwalayan nila ni Cesar?

Sagot ni Sunshine, “Yes, adjusted na sila.

"They love their dad. May respeto naman sila sa ama nila.

"Every Sunday, kapag walang lakad, kinukuha naman sila ng papa nila, ipinapasyal sila.”

Ayon kay Sunshine, nasa kanya ang full custody ng mga anak nila. Hindi naman daw niya pinipigalan si Cesar anumang oras na gustong ipasyal nito ang mga anak nila.

“Wala naman akong planong ipagkait sa kanya ang mga bata. Anak niya yun, e.

“Hindi lang puwede yung pangmatagalan kasi nag-aaral yung mga bata.

"Sa La Salle sa Alabang yun, malapit sa akin. "

Dagdag niya, "Of course, we don’t want the kids to have a hard time and he understands it.

“I wish him well, I don’t wanna talk about it anymore, kasi hindi na tama.

"Magtu-two years na kaming hiwalay, though may mga kaso pa rin, I don’t really wanna talk about it."

Itinanggi ni Sunshine na mayroon silang recent photos ni Cesar sa social media na magkakasama sila ng mga anak nila.

“We don’t see each other. We only see in court kapag kailangan.”

Hindi pa sila nag-uusap?

“No, it’s better that way.

"In time, eventually we both heal and I hope and pray na maging civil kami.

“Hanggang diyan na lang yung tungkol kay Cesar, huwag na nating pag-usapan, please,” pakiusap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MUM ABOUT CESAR. Tungkol sa annulment case nila, may pitong buwan na raw mula nang i-file ito sa korte.

Tumanggi lang ang aktres na magbigay ng impormasyon tungkol dito dahil ipinagbabawal daw ng korte sa kanila na magsalita.

“We will update you na lang ’pag puwede na.

"Para na rin lang sa mga bata. Ayaw rin naman niyang [Cesar] madamay yung mga bata.

“Alam naman nila. Accepted naman nila kung ano yung nangyari sa amin.

“Ang gusto nga nila, mag-date na ako because nakikita nila na sobrang puyat ako lagi sa trabaho.

“Sabi nga nila, ’Mom, you should date already, you deserve to be happy.’

"Maybe nakikita nila sa ama... I don’t know.

“Nakaka-touch yung mga anak ko dahil talagang gusto nila na maging happy ako.”

Sinasabi ba ng mga anak niya kung ano ang nakikita nila sa daddy nila, kung sino ang mga idini-date nito?

“Siyempre may mga kuwento-kuwentong ganyan, pero natatawa na lang ako.

“Ako naman, I will support him kung saan siya happy. Hayaan niyo lang siya."

CAUTIOUS. Nanatiling sarado ang puso sa ngayon ni Sunshine sa mga nagnanais na ligawan siya.

Sabi niya, “May mga nagpapakita ng interes, mga makukulit.

"Hindi naman ako ipinanganak kahapon, I’m 37 at alam ko naman kung ano yung intensiyon, hindi naman ako tanga.

“Masyado na akong maraming pinagdaanan para hindi malaman kung ano talaga yung intensiyon nila.

“Sa totoo lang, nag-uusap kami ng cousin ko, ni Ate She, Sheryl Cruz, na parang alanganin yung age namin.

"It’s either na sobrang tanda or mas bata pa sa amin [ang nagkakagusto].

“Yung mga kaedad namin, either na taken or may asawa na, or may ka-live in o may sabit na talaga.

"So, it’s either na mas young sa amin or fifty [years old] pataas. Ganun na lang sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako ready for that naman.

"Kung ibibigay sa akin ng Diyos kung sino ang para sa akin, hihintayin ko na lang.

“Of course, I don’t wanna grow old alone, ayokong tumandang mag-isa.

"Puro babae ang mga anak ko, alam kong iiwan ako ng mga ’yan, so gusto ko namang may kasama.

"But I’m praying for someone who will love me accept me, respect me for who I am.

“Hindi na ako nagsasabi ng age bracket kasi minsan mapaglaro ang tadhana, ’di ba?

"So, kung sino na lang ang ibibigay sa akin ng Diyos.

"I’m praying for that and even my kids are praying for that because they want me to date already."

Tungkol naman sa pagli-link sa kanila noon ni Ejay Falcon, "Hindi naman totoo, bakit ko naman papatulan?

"Lumabas naman ang katotohanan na ang girlfriend niya was Yam Concepcion.

“Actually, parang napaka-unfair for me sa balitang yun, at the same time, iniisip ko na lang yung positive na, at least, na-link ako sa guwapo.

“Funny lang na, ’Oh, my God, bakit naman ako?’

"Kasagsagan ng separation, imposible talaga.”

Tiniyak naman ni Sunshine na titibok muli ang puso niya pero hindi pa raw ngayon.



GLOWINGLY HAPPY. Bakit tila masaya siya, naggu-glow ang kanyang mga mata?

Sabi ni Sunshine, “Wala nga akong tulog, galing akong Hong Kong para humabol dito.

“First time to travel with friends in my life. First time kong lumabas with friends.

"Two days ako sa Hong Kong. Dapat nga bukas pa ako uuwi.

“E, kaya lang, first time na na-nominate ako.

"So, gusto kong namnamin yung chance na nandito ako, manalo o matalo.”

Hindi naman nasayang ang pag-uwi ni Sunshine dahil nanalo siya bilang Best Single Performance by an Actress sa episode na “Karayom” ng Maalaala Mo Kaya.

Hindi makapaniwala si Sunshine na tumanggap siya ng award pagkatapos sa halos sampung taon niyang pamamahinga sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw masyadong ginawa si Sunshine sa Hong Kong kundi ang bumili ng ilang pirasong personal stuff at ang karamihan ng shopping niya ay para sa mga anak.

“Kaya nga tuwang-tuwa sila pero, of course, I bought a gift for myself.

"Wala namang ibang magreregalo sa akin kundi ang sarili ko. Hindi naman ganon kamahal.”

Bakit nga ba siya masaya?

“Dahil may peace of mind ako, dahil alam kong nandiyan yung mga anak ko for me.

"At alam kong maraming sumusuporta at hindi ako nawawalan ng trabaho.

“Parang doon lang ang buhay ko ngayon trabaho, bahay at mga bata.

"Kung may dumating sa akin, bonus na lang yun.

"Thank you Lord. Kung hindi naman, thank you pa rin.

“At least, nakakakain kami ng gusto naming pagkain.

"Nakakabili ako ng mga damit na gusto kong damit para sa kanila, sa mga anak ko.

"Nabibili ko rin naman yung gusto ko.”

May support naman ba si Cesar?

“For school ng mga bata at saka rental ng bahay, yun lang.”

Nakalipat na si Sunshine sa bagong bahay niya na malapit sa tinitirhan ng kanyang parents.

Ang kahalati raw ay inutang niya sa kanyang ina. Uunti-untiin na lang niyang babayaran ito sa mga susunod niyang trabaho.

“At least ngayon, may matatawag na kaming sarili naming bahay ng mga anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN