Ariella Arida downplays rumored bias against RP bets in international beauty pageants

Having known the rigors of joining an international beauty pageant, Ariella Arida offers advice to Miss Universe contender, Mary Jean Lastimosa: "Pagpunta mo doon, huwag mo nang isipin ang pressure. Sanay ka na dapat diyan kasi isang taon ka nang na-pressure."


Isa si Miss Universe 2014 third runner-up Ariella Arida sa mga nalungkot nang mabigong masungkit ni Bianca Guidotti ang korona sa kakatapos na Miss International pageant na ginanap sa Japan.

Paliwanag niya, “Kasi alam mo na yung expectation nating lahat na parang hindi ako makapaniwala.

"Pero kailangan mong tanggapin na kumpetisyon pa rin yun at alam ko namang ginawa ni Bianca yung best niya.

"Pero may mga judges, so nasa kamay ng mga judges yun.

“Actually, na-observe ko na for the past years, yung mga winners, yung parang ang peg nila, fair skin.

“Pero ngayon, biglang ang bet nila, tanned skin.

"Kasi sina Puerto Rico [Miss International 2014] and Colombia, parehong tanned yung skin.

“I’ve talked to Madame [Mrs. Stella Marquez-Araneta, Binibining Pilipinas chairman], sabi niya, ’Oh, yeah, I’m so sad.

"Sabi ko naman, ’Me too, Madame, I’m so sad.

“I know naman Bianca did her best, especially sa gown.

"You can see naman the aura, pero yung set of judges, hindi mo rin alam kung ano ang gusto nila yearly.”

Sa palagay ba niya ay napulitika si Bianca sa Miss International pageant dahil noong nakaraang taon ay sunud-sunod ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa mga beauty pageants, kabilang na si Bea Rose Santiago na siyang nanalong Miss International noong 2013.

Komento ni Ariella dito, “Hindi naman siguro, I hope sana hindi naman.

"Kasi ito yung first international na lumabas, huwag naman sana.

“Nagkataon lang na nag-iba ang taste ng judges.

“Deadmahin na natin ’yang thought na ’yan, move on.

"Feeling ko sa Supranational, malaki ang kutob ko na kaya nila ’yan.”

Nakausap na ba niya si Bianca?

Sabi ni Ariella, “Yes, I was with her last week, nung November 21.

"Actually, nagpa-welcome party pa nga siya.

"O, ’di ba, nagpa-welcome party ang Lola [Bianca] mo!

“Inamin naman niya na right after the competition, nag-break down siya, umiyak siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, inilabas niya lahat ng best niya, ’tapos ganun ang nangyari.

“After that, pag-uwi niya dito, okey naman siya.

"Kailangan niyang tanggapin kahit sobrang hirap talaga for her."

QUEENLY ADVICE. Ano naman ang maipapayo niya sa aspiring international beauty queens base sa kanyang experience?

Saad ni Ariella. “Ako, lagi kong sinasabi na very cliché, very cliché na talaga, na mag-enjoy lang.

"Sinasabi ko, ’Huwag na ninyong isipin yung pressure, yung mga namba-bash, yung overthinking.

“’Once na lumipad kayo papunta sa pageant, wala na.

"’I-enjoy mo na yung time mo doon, eespecially ang tagal mo na ring nag-train.

"’Hindi yun ang time na kailangan mo pang isipin yung pressure. Dapat natural na lalabas sa iyo yung pagnanais mong manalo.

"’At the same time, i-enjoy mo na lang kaysa isipin mo yung pressure all throughout the competition yung pressure, ang hirap.’”

NOT VALID. Hindi siya naniniwala sa sinasabing protesta para hindi tayo manalo sa international pageants?

Pabirong tugon ni Ariella, “Baka ’eto na nga yun. ’Eto na yung sinasabing protesta, nagsimula na.

"One thousand signatures na ’no more Philippine representative in the pageant.’

“Oo, may nabasa ako, pero siguro joke lang yun.

"Hindi naman valid yun, online lang. I hope hindi totoo.

"Kasi una pa lang ito. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. May Miss Universe pa.”

Mas lalo ang pressure ngayon sa kinatawan natin sa Miss Universe na si Mary Jean Lastimosa sa pagkabigo ng bansa sa Miss International.

Pahayag ni Ariella, “Lagi ko ngang sinasabi sa kanya [Mary Jean], ’O, ayan, one year na yung training mo.

"’Pagpunta mo doon, huwag mo nang isipin ang pressure. Sanay ka na dapat diyan kasi isang taon ka nang na-pressure.

"’Yung expectation ng mga tao nandiyan. So, paglipad mo, dedma na. Happy-happy na lang pagpunta mo dun.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Ariella sa post-Paris World Fashion Week party at fashion show ng Filipina international fashion designer na si Pia Gladys Perey noong Lunes, November 24, sa grand ballroom ng New World Hotel, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa si Ariella sa mga beauty queens na nag-model sa collection ni Pia.

Ang iba pang mga celebrities na rumampa ay ang mga former beauty queens na sina Patty Betita (1991 Miss Philippines-International), Marina Benipayo (Bb. Pilipinas-Maja International 1992), Lara Quigaman (Miss International 2005), Mafae Yunon-Belasco (Bb. Pilipinas-World 2003), at movie-TV actress Maricar de Mesa.

Ang host ng show ay isa ring beauty queen, si Bea Santiago (Miss International 2013).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN