DongYan fans host send-off party for Dingdong Dantes and Marian Rivera

Isang buwan bago ang kanilang kasal ay nagbigay ng isang send-off party ang loyal fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang mga idolo. Ipinagpapasalamat naman ito nang lubos ng Kapuso royal couple. Sabi nga ni Marian, “Sobrang happy talaga kami sa mga ganitong pagkakataon at palagi naming sinisigurado na pupuntahan namin sila. At palagi naming sinasabi na kung wala sila, wala namang DongYan.”


Hindi pinalampas ng solid at loyal fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang pagkakataon na bigyan ng sarili nilang send-off party ang tinaguriang “Kapuso Royal Couple” para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Ito ay sa pamamagitan ng isang coed party kunsaan lahat ng representatives ng fans club nina Dingdong at Marian ay nagsama-sama sa Tejeros Hall ng Camp Aguinaldo, sa Cubao, Quezon City, noong Miyerkules ng gabi, November 26.

Dito ay naghanda ng production numbers ang fans, sinariwa rin nila ang unang pagsasama nina Dingdong at Marian sa kanilang unang primetime series na Marimar (2007).

May mga pa-raffle at games din, at bawat fans club ay may send-off gifts kina Dingdong at Marian.

Tuwang-tuwa naman ang Kapuso couple sa hinanda ng fans nila na ang ilan ay galing pa sa ibang bansa at ang iba naman ay buhat sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sabi nga ni Marian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew ng GMA Network, “Sobrang happy talaga kami sa mga ganitong pagkakataon at palagi naming sinisigurado na pupuntahan namin sila.

“At palagi naming sinasabi na kung wala sila, wala namang DongYan.”

Masayang lahad naman ni Dingdong, “Grabe, hindi kami makapaniwala at parang noong naglalakad kami, parang yun na yun.

“Hindi siya rehearsal, parang it’s like a real thing.

“Alam niyo kung bakit, sa isang okasyon, sa isang seremonya, ang nag-uumpaw dun ay ang pagmamahal at lahat ng ito, mahal namin.

“Ramdam namin talaga ang kanilang suporta hanggang ngayon and that’s why nagpapasalamat kami na nag-abala sila at nagbigay sila ng ganito para sa amin.”



WISH GRANTED. Natawa naman si Marian nang sabihin na masayang-masaya ang kanilang mga tagahanga dahil tinupad nila ang pangarap ng mga ito na magkatuluyan sila ni Dingdong.

Saad ng Kapuso Primetime Queen, “Salamat sa kanila at paulit-ulit ko talagang sinasabi na kung wala sila, walang DongYan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At gusto naming iparating sa kanila na kahit na anong mangyari, e, mahal na mahal namin sila.”

Imbitado rin ba sa kanilang kasal ang mga fans nila?

Saad ni Dingdong, “You know what, magmula kasi noong nag-umpisa kami, naging bahagi sila sa istorya namin.

“Yung seremonya, lahat ng paghahanda, ito ay bahagi ng pag-iisang dibdib namin sa December 30, lahat ng preparasyon.

“Ako, we consider this as one special part of it.

“Siyempre, bukod doon sa mga bridal shower niya [Marian] na ginagawa niya on the side, ito ay isang highlight din na mako-consider namin.

“Kumbaga, parang masasabi mo, kulang lang siguro ang pari, but ito ay isang ceremony of its own.”

Naka-limang bridal showers na si Marian, at kung isasama sa bilang ang coed party ng fans nila, pang-anim na ito ng aktres.

Si Dingdong, ilang stag party pa ang gagawin niya?

Natatawang sabi ng Kapuso Primetime King, “Hindi naman mahalaga yun at saka hindi na uso ang ganun ngayon!”

Wala nang stag party?

“Hindi ko alam, e. Pero wala na siguro,” nakangiting sabi niya.

D-DAY. Ngayong araw na ito, November 28, ang last taping day ni Marian para sa dance show niyang Marian sa GMA. Ito ay para makapagpahinga rin siya bago ang kasal nila ni Dingdong.

Magpapahinga rin ba si Dingdong bago ang kasalan?

Ayon sa aktor, “Well, siyempre, unang-una, kailangang palampasin muna natin ang filmfest [Metro Manila Film Festival]. Magpo-promote ako sa Marian show.

“Yung leave, magpa-file din ako.

“Siyempre, I work in government. Magpa-file din ako properly, pati sa GMA rin.”

Gaano ka-excited si Dingdong ngayong isang buwan na lang at kasal na nila ni Marian?

“Sobra,” nakangiting sagot ni Dingdong.

“Ayoko ngang makakita ng countdown.

“Siyempre, may mga bagay pang dapat ayusin.

“Pero ang mahalagang bagay naman, like yung mga blessing sa mga tao, ayos na naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga details na lang para sa reception, sa konting sa simbahan na lang, okey naman.”

Naitanong din ng PEP kina Dingdong at Marian ang naging pahayag ng isa sa mga ninang nila na si Governor Vilma Santos na bukod-tanging siya na lang ang hindi pa napupuntahan nang personal ng dalawa.

Pero noong nakaraang press conference ni Governor Vi ay kinumpirma nito na darating siya sa mismong kasal ng dalawa.

Read: Gov. Vilma Santos gives updates on political plans of son Luis and Ai-Ai; confirms attendance in Marian-Dingdong wedding

Ayon naman kay Marian, “Actually, ka-text ko siya at isa siya sa talagang kailangan puntahan din namin.

“Nagkaroon siya ng konting problema sa health niya at nang gumaling na siya, nag-text siya.

“Sabi niya, ‘Alam mo, Baby Marian, hindi mo na ako kailangang puntahan o padalhan ng invitation dahil pupuntahan ko talaga kayo.’

“So, napaka-sweet lang at nakakataba ng puso na ganoon niya kami kamahal.”

May lumabas na balitang ang anumang pera o regalong matatanggap nila mula sa kanilang mga ninong at ninang nila ay mapupunta sa mga sinusuportahan nilang foundation. Totoo ba ito?

Ayon kay Dingdong, “Well, pinag-uusapan pa namin, pero mari-reveal yun paglabas ng invitation, which is very early December, which is very soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN