Manny Pacquiao selling his Forbes Park mansion for P708M

Nagdesisyon na ang Pambansang Kamao na ibenta na lang ang kanyang mansion sa Forbes Park pagkatapos magreklamo ng mga kapitbahay niya rito dahil sa dami ng bisitang pumupunta sa kanyang bahay.


For sale na ang mansion ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa Forbes Park, Makati City.

Nais nang bumili ni Manny ng bahay sa ibang lugar dahil nakakatanggap daw siya ng mga reklamo mula sa kanyang mga kapitbahay sa Forbes.

Unang reklamo raw ng mga kapitbahay ni Pacman ay ang mga bisita nitong hindi raw magaganda ang mga suot kapag pumupunta sa bahay niya.

Sinabi naman ni Manny na hindi siya mapili sa kanyang mga nagiging bisita sa bahay.

Kahit nga raw naka-shorts at tsinelas ang mga ito, welcome sa kanyang tahanan.

Bukod kasi sa pagiging world-class athlete, isa ring public servant si Manny bilang representative ng Saranggani Province.

Kaya ang kanyang pagiging congressman ay hindi lang daw hanggang opisina niya. Binubuksan din daw niya ang kanyang tahanan para sa mga humihingi ng tulong.

Nag-apologize naman si Manny sa kanyang mga kapitbahay kung naging inconvenient sa kanila na may mga bisita siyang galing pang probinsiya at hindi nagdadamit ayon sa panlasa nila.

Sabi ni Manny sa kanyang panayam sa news program na Balitanghali ng GMA News TV, “I may be as rich as some of them here, but my lifestyle remains the same and so is my heart.

“I am just a simple man. I will never change that.”

Dagdag niya, “Ang bisita ko, iba-iba.

"Nakakahiya naman sa mga kapitbahay ko na may mga bisita akong nakatsinelas lang.

“Baka nakakaistorbo ako, siyempre sikat na sikat na subdivision yun.

"Ako naman kasi, wala akong pinipili na bisita.

“Ayoko naman na iba yung pagkatao ko.

“Kahit marating ko na ako yung pinakamayamang tao sa buong mundo, para pa rin ako sa mahihirap.”



FOR SALE. Matagal na raw nilang napag-usapan ng misis niyang si Jinkee Pacquiao na ibenta ang kanilang Forbes Park mansion dahil sa mga reklamo na kanilang natatanggap.

Nasa market ang mansion ni Pacman sa halagang P708 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If there’s somebody who is willing to buy, I’m going to sell it," sabi niya.

Gumastos ng malaki si Manny sa renovation ng kanyang mansion sa Forbes Park noong na-acquire niya ito noong 2011 sa halagang P388 million.

Isa itong three-story mansion na may five bedrooms, reception areas, dining hall, at malaking office space.

Inaasahan namang mas lalong dadami ang mga hihingi ng tulong kay Pacman dahil kapapanalo lang niya sa laban nila ni Chris Algieri sa Macau. At siyempre, malapit na rin ang Pasko.

Ang balitang naiuwi ni Pacman mula sa laban ay $25 million.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN