Eugene Domingo and Jose Manalo reveal secret of JoGe loveteam’s success

Ipinagtapat ni Eugene Domingo na bagamat patok sa mga manonood ang tambalan nila ni Jose Manalo ay hindi sila malapit na magkaibigan. Sabi ni Uge, "Magkakilala kami, pero hindi kami yung kailangang magkita parati or mag-exchange ng text messages. Walang ganun. Kaya siguro ako excited na makasama siya dahil sa ganung arrangement namin."


Hindi raw inaasahan nina Eugene Domingo at Jose Manalo na kakagatin ng fans ang kanilang loveteam na JoGe sa GMA Network comedy-game show na Celebrity Bluff.

Noong nakaraang Sabado, November 22, ay nag-trending pa nga sa Twitter ang kanilang #JoseGiveMeARing episode.

Sabi ni Eugene, “Unexpected ang nangyari sa amin ni Jose.

“Kasi sa totoo lang naman, hindi kami talaga close ni Jose.

“Magkakilala kami, pero hindi kami yung kailangang magkita parati or mag-exchange ng text messages. Walang ganun.

“Kaya siguro ako excited na makasama siya dahil sa ganung arrangement namin.

“Mas exciting naman kasi kapag hindi kayo talaga nagkikita.

“Tuwing taping lang naman ng Celebrity Bluff kami nagkikita ni Jose at doon kami nagk-click.”

Biro pa niya na baka nagsawa na ang mga tao na makita siyang laging nali-link sa mga guwapong artista.

Sa mga pelikula niya kasi ay kadalasang hunks ang mga nakakaparahe niya, ’tulad nina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Sam Milby, Diether Ocampo, at Wendell Ramos.

Nakangiting sabi ng actress-TV host, “Kasi naman noon, kung kani-kanino ako nali-link na talagang mga guwapo, ‘di ba?

“Ngayon siguro, tanggap na nila na pinartner ako sa hindi masyadong guwapo... pero gumaguwapo every week kapag nagkikita kami.”

Natatawang hirit naman ni Jose: “Sa mukhang ito ka talaga nararapat!

“Actually minsan, nakakasawa na rin na yung pumupogi ka.

“Nakakaumay din!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Eugene at Jose sa taping ng Celebrity Bluff noong Miyerkules, November 26, sa GMA Annex Building.



THE RING. Natatawa ngang ikinuwento ni Jose na nagbigay siya ng singsing kay Uge, pero three gives daw ang kuha niya.

Birong saad ng Eat Bulaga! host, “Ang importante nagbigay ako kasi umaasa, e.

“Friendship ring naman iyon.

“Hindi naman ako inoobliga ni Uge na bigyan siya. Pero pakiramdam ko, gusto niyang makatanggap ng ring.

“Kaya pina-ring ko na lang ang cellphone ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw niya ng ganun kaya napilitan akong bumili tuloy.

“Hindi naman kamahalan yung singsing—diamond siya pero may crack na!

“Three gives naman, e, kaya puwede na.

“Kahit na three gives yung singsing, ang hulog ko naman dun, three times a day naman kaya mabilis kong nabayaran.

“Mumurahin lang naman si Uge, e. Bumili pa ba ako ng mahal?”



UNUSUAL LOVETEAM. Ang JoGe loveteam ay hindi ang karaniwang tandem na napapanood ngayon sa TV at pelikula, kaya raw siguro pumatok sila sa masa.

Sabi ni Uge, “Aminin na natin, kami ni Jose, hindi kami yung inaasahan mong loveteam, ‘di ba?

“Hindi kami mga mestizo’t mestiza. Hindi kami yung matangkad at sexy.

“We represent yung ordinaryong mga tao na nakakasalamuha natin every day.

“Kaya relatable kaming dalawa.

“’Tsaka nagdadala kami ng pag-asa sa maraming tao. Na puwede pa... may pag-asa pa talaga!” tawa pa niya.

Ayon pa kay Uge, sa Celebrity Bluff lang mapapanood na malinis at mabangong tingnan si Jose.

“Favorite kong panoorin kasi ang ‘All For Juan, Juan For All’ ng Eat Bulaga.

“Mapapanood mong pawisan, oily, at nanggigitata si Jose. Parang hindi kaaya-aya ang amoy!

“Dito lang sa show namin siya nakakapagporma nang maayos at bagong paligo siya.

“Kaya wala akong takot na dumikit sa kanya kasi hindi na siya amoy araw.”

Depensa naman ni Jose, “Kahit naman pawisan at nanggigitata ako sa ‘All For Juan,’ wala naman akong amoy na ‘di kanais-nais.

“Si Marian Rivera nga panay ang yakap sa akin kahit pawisan ako.”

Natatawang hirit naman ni Uge, “A, mabait lang talaga siguro si Marian!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN