Maricris Garcia reveals Jonalyn Viray’s decision to go solo caused La Diva breakup

Naniniwala si Maricris Garcia na ang mga taong nasa likod ni Jonalyn Viray ang nagdesisyong tumiwalag ito sa grupo nilang La Diva. Sabi ni Maricris, "Wala namang problema sa amin si Jonalyn. Okey kaming tatlo talaga. May ibang tao lang talaga sa paligid niya ang nagdi-decide for her ngayon."


Hindi naitago ng 2007 Pinoy Pop Superstar winner na si Maricris Garcia ang kanyang pagkalungkot dahil sa pagkabuwag ng grupo nilang La Diva.

Kasama ni Maricris sa La Diva sina Jonalyn Viray at Aicelle Santos.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maricris sa taping ng Kapuso comedy game show na Celebrity Bluff noong November 26, sa GMA Annex Building, sinabi niyang ang desisyon ni Jonalyn na mag-solo ang pangunahing dahilan ng pagkakabuwag ng kanilang grupo.

“Nakakapanghinayang lang kasi ang ganda ng naging samahan namin.

“Kinukuha kasi kami as La Diva sa mga shows here and abroad.

“Noong sinabi nga sa amin ni Aicelle na wala na ang group namin, because nag-decide si Jonalyn to go solo na, siyempre nagulat kami.

“Meron pa naman sana kaming gagawin na series of shows bago sinabi sa amin na wala na ang La Diva.

“Noong nalaman ng producer na wala na ang La Diva, hindi na itinuloy yung show na dapat gagawin namin.”



PEOPLE BEHIND JONALYN. Marami raw trabaho ang nawala sa kanila dahil sa nangyaring iyon. Pero ipinagtanggol naman ni Maricris si Jonalyn na hindi ito ang dapat sisihin sa pagkawala ng La Diva.

“Actually, may ibang tao lang na nakaimpluwensiya kay Jonalyn.

“Wala namang problema sa amin si Jonalyn. Okey kaming tatlo talaga.

“May ibang tao lang talaga sa paligid niya ang nagdi-decide for her ngayon.

“Sa pagkakaalam ko, sila ang nag-decide for Jonalyn in regards sa pag-solo nito ngayon.

“Well, wala namang masama doon. Lahat naman ay gusto na ganun ang mangyari sa career nila.

“Nakakalungkot lang kasi pati yung pagkakaibigan namin, medyo naapektuhan din.

“Before, we would always communicate with one another. Ngayon, wala na.

“She just stopped texting me and Aicelle,” malungkot na pahayag ni Maricris.



CIVIL WITH EACH OTHER. Ayon kay Maricris, “civil” naman siya kay Jonalyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwing Sunday All Stars ay nagbabatian naman daw sila, pero wala na yung usual na tsikahan na ginagawa nila noon.

Humiwalay na rin daw ng dressing room si Jonalyn.

Kuwento ni Maricris, “Yun din ang isa pang nakakagulat lang.

“Matagal kaming nagkasama nina Aicelle sa isang dressing room.

“’Tapos noong nawala na ang La Diva, nagpalipat yata siya [Jonalyn] ng ibang dressing room.

“Nakalagay naman ang name niya dun sa list ng artists na gagamit ng dressing room, pero wala siya doon.

“Nalaman namin na nasa ibang room siya.

“To each his own, ‘di ba?

“Kung yun ang gusto niyang mangyari at ayaw na niyang magkasama kami sa iisang room, sana masaya siya sa naging desisyon niya.”



FROM SINGING TO ACTING. Kahit nawalan ng maraming raket si Maricris dahil sa pagkawala ng La Diva, nagpapasalamat naman siya dahil naging busy siya sa paggawa ng teleserye.

Noong una raw ay hesitant siyang umarte sa teleserye, pero na-enjoy na niya ang gumanap bilang kontrabida.

Nagsimula siyang maging kontrabida sa teleserye na Mga Basang Sisiw, ngayon ay semi-kontrabida naman siya sa afternoon teleserye na Yagit.

Saad ni Maricris, “Tatlo na kaming kontrabida ni Yasmien Kurdi.

“Ako, Rich Asuncion at Bettina Carlos. This time, medyo mabait naman ako ng konti kay Yasmien.

“Enjoy ako sa paggawa ng teleserye. Iba siya sa usual na ginagawa ko before.

“Bagay naman daw sa akin maging kontrabida!” tawa pa niya.

Nais daw i-pursue ni Maricris ang fulltime acting. Pero first love pa rin niya ang pag-awit at next year ay may revival album siyang gagawin.

“As much as I love acting now, singing pa rin ang una kong mahal, e.

“But I am not closing my doors on the possibility na makagawa rin ako ng indie film balang-araw.

“Marami na akong nakuhang acting tips from our directors sa teleserye. Mahahasa pa siguro ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, priority pa rin ang singing para sa akin.

“Tuwing may regional shows naman at mga trade shows ang GMA-7, lagi akong present para kumanta.”

Gusto rin daw ni Maricris na subukan ang musical theater ‘tulad ng ginagawa ni Aicelle Santos.

“Actually, nag-audition ako before for Rak of Aegis.

“Nakapasama naman ako, pero ang naging problema ay ang schedule.

“That time, I was doing Mga Basang Sisiw. Hindi mag-swak sa schedule kaya I have to turn down a role sa Rak of Aegis.

“Nangyari ulit ngayon. Kinukuha nila ako ulit pero meron naman akong Yagit.

“Someday siguro matutupad din na makalabas ako sa isang stage musical.

“Hayaan ko munang mamayagpag diyan si Aicelle dahil ang galing-galing naman niya talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN