Alden Richards clarifies Rita de Guzman’s claim that they had mutual understanding

Ani Alden Richards, naging malapit na magkaibigan sila ni Rita de Guzman, pero pinabulaanan niyang nagkaroon sila ng romantic relationship.


Binigyang-linaw ni Alden Richards ang pahayag ni Rita de Guzman na nagkaroon sila ng “mutual understanding” noon.

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 3, sinabi ni Rita na naging malapit sila ni Alden at nauwi ito sa MU, pero hindi ito natuloy sa isang relasyon.

Read: Rita de Guzman reveals brief romance with Alden Richards

“Actually, nung nabasa ko yung issue, natawa ako,” simula ni Alden nang makapanayam siya ng PEP at iba pang miyembro ng press sa Bet ng Bayan press conference, sa GMA Network Center, noong Huwebes, November 27.

Patuloy niya, “Of course, every project, ganun po ako sa lahat ng nakakatrabaho kong leading ladies and mga babae sa industry.

“I see to it that I treat them special, and Rita and I are really good friends.”

Nagkatrabaho sina Alden at Rita sa GMA soap operas na One True Love (2012) at Mundo Mo’y Akin (2013) na nagbigay-daan upang maging close sila.

Diin pa ng Kapuso heartthrob, “Wala naman pong courtship. We were just very close.”

Bakit kaya sa palagay niya ay nasabi ni Rita na nagkaroon sila ng MU?

Paliwanag ng Kapuso Primetime Prince, “Hindi naman po. Siguro nagkamali ng perception.

"Siguro she’s just overwhelmed kasi ganun po ako sa lahat.

"I treat them special, ’tapos yung mga yakap, ganun po talaga ako.”

Nangangahulugan bang nag-assume si Rita?

“Hindi naman po nag-assume, siguro overwhelmed lang siguro siya sa feeling na…

"Baka na-overwhelm siguro nung itinanong yun sa kanya, in a very much positive state of mind siya, kaya nasabi niya ’yon."

Diin pa ng binata, "I don’t mind, it’s okay.

“Sa showbiz naman po, I have a lot of girl friends—girl na friends po—and kinu-consider ko po siya na one of my closest also because of her mom, mabait din po sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS. Kung para kay Rita ay nagkaroon sila ng MU ni Alden, ano naman ang tingin ng binata sa naging relasyon nila ng aktres?

Sagot niya, “Very good friends po, I should say.

“Siguro, in a way, you can call that a mutual understanding.

"Kasi our relationship is mutual, we agree on everything ’pag nag-uusap kami."

Pero para sa kanya, hindi ito maituturing na romantic?

“Friendship, yes po. Hindi po nagli-lean towards romance.

"We share secrets, we share stories sa mga family."

Wala naman daw kaso sa kanya sa sinabi ni Rita na nagkaroon sila ng MU.

“I really don’t mind na sinabi niya ’yon.

"I’m quite happy, at least she considers me as one of her close friends.

"Kasi, as of now, mahirap na po talagang makahanap ng tunay na kaibigan sa industriya."

Ganunpaman, sinabi ni Alden na wala siyang balak na baguhin kung paano siya makitungo sa mga babaeng nakakatrabaho niya.

“Siguro there’s nothing to change kasi I know sa sarili ko na I am not eyeing for anything more than what I’m showing them.

“Ganun na nila ako nakilala.

“Wala naman po akong plans na baguhin ang pakikitungo.

“Siguro sobra-sobra lang ang pagiging gentleman ko to the point na nami-misinterpret, pero I don’t mind,” pagtatapos ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN