Miss International 2013 Bea Rose Santiago on Bianca Guidotti’s loss: "It wasn’t her night."

Bea Rose Santiago cites the two most difficult challenges that Bea Guidotti faced in the Miss International pageant in Japan. One, the ranking was reduced to Top 10 from Top 15. The Filipino supporters were so loud that Bianca was overwhelmed, "Siguro happy na siya at nakalimutan niyang poise pa rin."


Ginawa rin daw ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago ang kanyang makakaya para lang tulungan si Bianca Guidotti sa kanyang laban sa nakaraang Miss International 2014 pageant na ginanap sa Japan.

Saad ni Bea Rose, “I tried really hard to really help her, advise her kahit nakikita ng mga tao.

"I even gave her my room number in case she’d ask for anything, like medicine or whatever.

“I checked up on her, actually, I watched the rehearsals.

"Yung Muslim [national costume] and swimsuit and I was impressed."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea Rose sa fashion event ng international Pinay designer na si Pia Gladys Perey noong November 24, sa New World Hotel.

Si Bea Rose ang host sa nasabing send-off fashion show na dinaluhan din bilang ramp models nina Lara Quigaman, Patty Betita, Marina Benepayo, Lara Quigaman, at Maricar de Mesa.

PAGEANT JUDGE. Hindi raw alam ng lahat ng mga kandidatang kasali sa pageant na isa sa mga judge si Bea Rose noong mga panahong iyon.

“But I told Bianca and Keisha Papasin the night before, during my meeting with the ambassador of the Philippines in Japan, I’m going to be a judge.

"Nag-dinner kami [with the ambassador] and I even invited her.

"Sabi ko, ’Please invite niyo naman yung dalawa kong kasamang Filipina.’

“So they were pulled out from the delegates to join us at the dinner, si Bianca at Keisha.

"Parang pang-PR na rin para makilala nila si Ambassador.

“So, we were there and I secretly told them what they have to do.

"You know, I commended her introduction during the press presentation.

"Ayaw ng mga Japanese na masyadong sweet. Gusto nila yung hand wave na makita lahat ang kamay mo.

"Very elegant lang talaga, very sophisticated.

“Ang problema sa mga Japanese and Miss International, they had this very distinctive like.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto lang nila simple and elegant, which were so hard to really achieve [during the competition] kasi overwhelmed ka.

"And Bianca was overwhelmed at that time. I could feel it because ang daming tao for the Philippines.

“Yung fans ko last year bumalik and yung family ni Bianca, Bianca’s boyfriend’s family pa, plus the Ace and Queens family.

"They were all there, sobrang ingay!

"At ang dami pang mga baklang mga friends ko na nandoon, sumisigaw.

“Every time na sumisigaw, siyempre sobrang happy ni Bianca hindi niya siguro nakontrol.

"So, siguro happy na siya at nakalimutan niyang poise pa rin.

“Kasi gusto ng mga Japanese na poise ka lang, in control, na parang I’m the woman.”

Somehow ba, doon nagkamali si Bianca?

Ayon kay Bea Rose, “Pero that’s her personality. She was always happy as Binibini.

"Her Miss International and Binibini, she had the same performance.

“I guess it wasn’t her night, kasi sa Top 10, we ranked five for the speech.

"And then, when I calculated kung sino sa mga judge ang nagbigay ng 1-2-3-4-5…

“Yun ang mahirap, usually Top 15, e, nagkaroon lang ng Top 10.

"I actually asked the Miss International organization, why only Top 10?

“You know, that was the biggest… 75 girls? And only Top 10? Mahirap ’yan.

“Gusto raw kasi nila lumiit yung timeslot because last year, it was like four hours.

"So, gusto nila mas kumonti yung oras, and they added more judges.”

Ano talaga ang naging posisyon ni Bianca during the pageant?

Sabi ni Bea Rose, “Hindi ko nakita, hindi ipinakita.

"Kasi naka-iPad na kami, it was too technical.

"’Pag after naman, we waited for the calculation, lumalabas na lang Top 10.

“We didn’t have time to talk to each other.

"Kasi yung Top 10, doon kami sa harap mismo nag-vote."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTER THE PAGEANT. Ano ang naging reaksiyon ni Bianca matapos ang pageant?

Ayon kay Bea Rose, “She was really, really sad.

"It broke my heart looking at her.

“She couldn’t even look at me in the eye when she was walking, patapos na yung Miss International.

"Yung nagla-line up na sila with the winner and like exciting na. Yung one by one, umaalis na sila.

“Bianca was crying and I wanted her to look at me.

"[I wanted to] tell her, ’No, it’s fine, don’t worry, don’t cry.’

“And when she heard the Filipinos screaming, she just cried na parang, ’Oh, no!’

“You know, kahit mas matanda siya sa akin, I still feel like I’m an older sister.

“And I somehow felt like it was my fault because I put the bar so high for her.

"Na parang nahirapan siya to cope up, she didn’t make it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN