Sharon Cuneta still feels “broken” over death of Mommy Elaine

Megastar Sharon Cuneta posts a message on her Facebook account about her late mom, Elaine Gamboa-Cuneta.


Patuloy pa rin ang pagluluksa ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Elaine Cuneta.

Sa unang pagkakataon, simula nang mamatay ang kanyang ina, nag-post si Sharon ng mensahe para kay Mommy Elaine sa kanyang Facebook account.

Hanggang ngayon daw ay naninibago pa rin si Sharon dahil sa pagkawala ng kanyang ina.

Gayunman, sabi niya, “I know that this is my new normal, and I know that by God’s grace, all will one day settle, and i will get used to it...”

Kasama sa mensahe ang paghingi niya ng tawad sa mga nagawang pagkakamali.

“I am so sorry for everything I did to hurt you from the time I was little...”



“TO BE CLOSE.” Nabanggit din ni Sharon ang pagnanais niyang sana ay nagkaroon pa sila ng mas maraming oras ng yumaong ina na nagkasam, “to become close... to love more... to talk... just to be Mama and baby again...”

Matatandaan na sa eulogy ni Sharon para sa kanyang ina, inamin niyang hindi siya naging kasing-close sa kanyang ina, hindi ’tulad ng pagiging close ng kanyang anak na si KC Concepcion sa kanya lola.

“KC said na she [Mamita] was so proud of me pala.

“She would tell me, but feeling ko, baka she was just trying to make me feel good.

"Kasi, feeling ko, parang I always had to prove myself to her. I was never that daughter she wanted.

“And then KC came.

“So, I’m so grateful that she had that with KC, because of their closeness I never experienced and their closeness I never experienced with her, I never experienced with KC.”

Read: Sharon Cuneta emotional at her eulogy for Mommy Elaine; still in denial over the loss of her mom

Sa huling bahagi ng kanyang Facebook post, sinabi ni Sharon, “I love you so much... my heart is in pieces...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sumunod niyang post, humingi ng paumanhin si Sharon dahil hindi niya nagagawang mag-post o mag-reply sa mga mensahe ng kanyang followers ngayon.

Narito ang buong mensahe ni Sharon para kay Mommy Elaine sa kanyang Facebook account:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN