Ken Alfonso on reuniting with estranged dad: “Given a chance, yes, pero not my priority talaga.”

Ken Alfonso has no idea where his dad is: “Wala po akong balita. Pero before, last time na nakausap ko siya, nasa States siya. Nagpapagamot daw po ng liver. Tapos after that, wala na po akong balita.”


“Right now po, siguro mas kumportable po ako sa singing since parang mas marami po kaming projects na ginagawa with Mercator.

“Tapos medyo parang mas marami lang po akong nagagawa po ngayon in terms po yung sa singing talaga,” ang sagot ni Ken Alfonso nang tanungin siya kung saan siya pinaka-kumportable sa tatlong aspeto ng kanyang showbiz career: singing, hosting or acting.

Nakatuon rin naman si Ken sa kanyang acting career. Matapos ang Dading ay kasama rin siya sa upcoming soap opera ng GMA na Kailan Ba Tama Ang Mali? (KBTAM)

“Makakasama ko po dun si Geoff Eigenmann, si Max Collins, si Dion Ignacio and Empress Shuck.

“Bale magiging kaibigan po ako ni Dion dito.”

Sa January raw ang airing ng KBTAM.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa rehearsal niya para sa Hotspot concert noong Huwebes, November 27 sa isang music studio sa Quezon City.

Ang Hotspot ay fund-rasing project ng Mercator Artist & Model Management at ni Daniel Matsunaga.

Para ito sa programa ni Daniel para sa mga kabataang nais mag-excel sa football pero walang sapat na pera.

Gaganapin ang Hotspot concert sa December 4 sa Music Museum.

Karamihan sa mga performers sa show ay Mercator talents tulad nina Ken, Venus Raj, Shamcey Supsup, Ariella Arida, Fabio Ide, Lemuel Pelayo at si Daniel.

LEADING LADY. Samantala, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken kung sino ang nais niyang maging leading lady kapag binigyan na siya ng TV project ng Kapuso Network.

Lahad niya, “Ako po, gusto ko po talagang makasama sa project si Miss Julie Anne San Jose!

“Parang magiging maganda po yung tandem since meron po kaming parang, may certain kami na passion na kumbaga, in a way—yung singing namin.

“So kumbaga, mas masarap sigurong makatrabaho si Julie Anne since parehas kami ng passion, parehas kami ng hilig talaga, acting and singing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Ken si Julie Anne.

Aniya, “Na-meet ko na po siya sa SAS (Sunday All Stars) pero hindi pa po kami na-introduce talaga personally.”

Handa ba siyang palitan si Elmo Magalona bilang ka-loveteam ni Julie Anne?

Bago si Janine Gutierrez ay si Julie Anne ang ka-tandem ni Elmo.

“Patay ako sa mga fans ng JuliElmo niyan,” ang tumatawang bulalas ni Ken.

Baka naman si Ken ang “pumuno” sa kawalan ng ka-loveteam ni Julie Anne ngayon?

“Kung bibigyan po ako ng chance ng GMA ’tsaka po ng Mercator, okay naman po ako. Siyempre matutuwa po ako since iyon nga po rin talaga ang gusto ko—na makapareha siya sa kung anumang project,” muli niyang asam.

At kung sakaling matuloy nga ito ay baka tanggapin din siya ng mga fans ni Julie Anne kapareho ng pagtanggap nila kay Elmo bilang kapareha ng kanilang idolo.

“I think that’s one good point din po, na parang since na-establish na nga po at lumalaki na nga po yung kay Elmo Magalona pati kay Janine Gutierrez sa fans,” dagdag pa niya.

Iniimbita nga raw si Ken ng mga fans ni Julie Anne na manood ng Hologram concert ng aktres sa SM MOA Arena sa December 13.

Napadako naman ang usapan tungkol sa ama ni Ken na simula nang ipanganak ang aktor ay never niyang nakita o nakilala.

CHRISTMAS GIFT WISH LIST. Nagsimula ito nang tanungin namin si Ken kung ano ang materyal na regalong nais niyang matanggap sa Pasko.

“Materyal? Puwede pong tatlo?

“Bagong TV, yung 46 inches po,” at natawa si Ken.

“Tapos yung duvet na bago, yung comforter na pang-hotel na malambot... So iyon.

“Tapos last, cabinet kasi punumpuno na po yung cabinet ko ng damit,” at muling tumawa si Ken.

Sa hindi naman materyal na bagay, nais ni Ken na ng tagumpay sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung magkaroon ng magandang take-off ang career ko.

“And sa family, siguro mas maging intact kami, sana mas maging close, maging open kami sa isa’t-isa.

“And lastly, yung mga friends ko po sana mas tumagal sila. I’m okay with my existing friends right now.

“Okay na po ako dun, mas gusto ko lang mas maging malalim, yung relationship ko with them, mas makilala ko sila, mas marami pa akong matutunan sa kanila.”

WISH TO REUNITE WITH ESTRANGED DAD? Tinanong din namin si Ken kung kasama ba sa Christmas wish list niya ang makita at makilala niya nang personal ang kanyang ama.

Ayon kay Ken, “Given a chance, yes, pero not my priority talaga.”

Ni minsan ay hindi nakasama ni Ken ang ama niya.

“Pero there was this one time na nakausap ko siya through phone, elementary po yata ako, nakalimutan ko na,” pagbabalik-tanaw niya.

Hindi kasal ang ama at ina ng aktor.

Nagkahiwalay ang mga magulang niya noong nagdadalang-tao ang ina kay Ken.

Hindi rin alam ng aktor kung nasa Pilipinas ngayon ang biological father niya.

“Wala po akong balita.

“Pero before, last time na nakausap ko siya, nasa States siya.

“Nagpapagamot daw po ng liver.

“Tapos after that, wala na po akong balita,” malungkot niyang pahayag.

Kahit daw ang ina niya ay walang balita tungkol dito.

Kaya iyon nga, gusto niyang makita ang ama niya ngayong Pasko kung mabibigyan ng pagkakataon, pero hindi iyon priority ni Ken.

Tuloy ang buhay niya, makilala man niya nang personal o hindi ang ama niya.

Kuwento pa ni Ken, “Yung sister ko po ang nakakaalam, yung panganay kong sister... Minsan daw po ay umuwi raw ito from the States, tapos gusto raw akong makita.”

Pero iyon naman ang panahon na wala si Ken sa bansa, na nagpe-perform ito sa mga shows abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga pagkakataon daw na tinanong ni Ken ang kanyang ina tungkol sa kanyang ama, pero umiiwas ang una na pag-usapan ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN