Allen Dizon wins Best Actor at 3rd Hanoi International Film Festival

Allen Dizon on taking home the Best Actor prize for "Magkakabaung," beating out Ralph Fiennes and other acclaimed international actors at the 3rd Hanoi International Film Festival: “Hindi ko ini-expect na manalo kasi ang daming kalaban, ang daming pelikulang maganda at ang dami ding entry at nominated for Best Actor.”


Dumating kagabi si Allen Dizon at ang grupo ng pelikulang Magkakabaung mula sa matagumpay na pagsali ng kanilang pelikula sa 3rd Hanoi International Film Festival sa Vietnam.

Nanalo si Allen ng Best in Leading Actor, at ang direktor nitong si Jason Paul Laxamana ay tumanggap ng Best Asian Film/Netpac Award.

Bukod sa tropeyo ay tumanggap si Allen ng US$3,000 na pabuya.

Masayang humarap si Allen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na ginanap sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, Sabado ng tanghali.

Hindi raw niya inaasahang manalo siya dahil bigatin ang makakalaban niya sa naturang kategorya kagaya ni Ralph Fiennes sa pelikulang Two Women na entry ng Russia, at ang Korean actor na si Ko Soo sa pelikulang Way Back Home na entry ng Korea.

“Hindi ko ini-expect na manalo kasi ang daming kalaban, ang daming pelikulang maganda at ang dami ding entry at nominated for Best Actor,” pakli ng bida ng pelikulang Magkakabaung.

“Malaking bagay sa akin dahil bilang isang artista, panalo ka ng another international award. Nakakataba ng puso,” dagdag pa ng aktor.

Ito ang pangalawang tagumpay na natamo ni Allen mula sa naturang pelikula dahil siya rin ang napiling Best Actor sa Harlem International Film Festival sa New York, ilang buwan nang nakalipas.

DISAPPOINTED? Nung tinanggap ni Allen ang Best Actor award mula sa Harlem, tila nagtampo ang aktor dahil sa ramdam niya, hindi siya nakatanggap ng tamang pagpapahalaga sa kabila ng karangalang dala niya sa ating bansa.

“Hindi naman nagtampo. Siguro medyo disappointed lang. Para naman ito sa bansa natin e,” medyo naaalangan niyang sagot nang nakausap ito ng PEP noong nanalo siya sa Harlem International Filmfest.

Ngayong muli siyang nagwagi sa isang international film fest, umaasa ba si Allen na mabigyan siya ng recognition sa ating bansa?

“Para sa akin, malaking bagay na nandito kayo at pinapahalagahan niyo kung ano ang napanalunan ng pelikula namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-appreciate n’yo kung ano yung nakuha kong award bilang Best Actor ng Hanoi,” pahayag niya sa harap ng media na nag-interview sa kanya.

“Kumbaga, enough na sa akin, e. Happy na ako, saka sa Hanoi naman binigyan ng importansya. International yun, e. Ibang usapan na yun.

“Ang fulfillment ko nandun na sa akin. Masaya na ako,” dagdag pa niyang pahayag.

Sapat na raw ang pagtanggap sa kanya ng press at media kung sakaling hindi siya mabigyan muli ng tamang pagpapahalaga sa pangalawang tagumpay na dala niya sa ating bansa.

WARM WELCOME IN VIETNAM. Doon pa lang daw sa Hanoi ay mainit na raw ang pagtanggap sa kanila, at pinuri nang husto ang kanilang pelikula at ang performance nito bilang lead actor na Magkakabaung.

“Napakabait. Napakaganda ng welcome sa akin ng Hanoi International Film Festival.

“Hindi nila ako kilala dun. Pero sikat sa kanila dun si Marian [Rivera], at si Dingdong [Dantes].

“Pero pagkapanood nila ng movie, nagustuhan nila. Marami akong presscon dun, tapos may talk ako dun. Mabait sila,” natutuwang lahad ni Allen.

READY FOR INTERNATIONAL FESTIVALS. Kasali na rin ang Magkakabaung sa New Wave Section ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Nakatakda rin itong ipalabas sa Austin, Texas bilang bahagi ng The Filipino Film Series na kung saan kabilang din sa mapapanood ang ilang award-winning films kagaya ng Norte, Transit, OTJ, Debosyon at Graceland.

Nagpapasalamat din si Allen dahil sa pagkapanalo nila sa Hanoi, lalong nakilala raw ito sa international market at malaki ang posibilidad na mapasali sa iba pang international film festivals.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN