Vic Sotto downplays predictions that My Big Bossing will be MMFF 2014’s top-grosser

Vic Sotto on the prediction that My Big Bossing will outgross other MMFF 2014 entries: “Pabayaan na lang natin na ang mga manonood ang magsabi niyan dahil sila naman ang magbabayad sa sinehan, ‘di ba? ’Tsaka depende din ‘yan sa feedback ng mga tao.”


Marami ang nagpe-predict na ang magiging number one sa Metro Manila Film Festival 2014 ay ang official entry ng OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment na My Big Bossing na siyang pinagbibidahan ni Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Kahit nga raw malalakas din ang mga kalaban ng My Big Bossing sa MMFF tulad ng pelikula ni Vice Ganda with Bimby Aquino-Yap na Praybeyt Benjamin 2 at ang Feng Shui 2 nila Kris Aquino at Coco Martin, iba pa rin daw ang dala nito dahil sa lakas at popularidad ng programang Eat Bulaga!

Sa naganap na press conference para sa My Big Bossing noong November 26 sa Guilly’s sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, sinabi ni Vic na hindi raw sa kanya nanggaling ang salita na ang pelikula nila ang magiging top-grosser sa MMFF.

“Pabayaan na lang natin na ang mga manonood ang magsabi niyan dahil sila naman ang magbabayad sa sinehan, ‘di ba?

“’Tsaka depende din ‘yan sa feedback ng mga tao.

“Ang Pasko naman talaga ay para sa buong pamilya. Lalabas ang mga ‘yan para manood ng sine at gusto nilang ma-entertain. Family bonding lang.

“Kaya siguro nga ay perfect ang movie namin dahil bukod sa may mga matatanda, ay may mga bata kami dito.

“Matutuwa sila kina Ryzza Mae Dizon at Alonzo Muhlach. Pakikiligin din kayo ng dalawang ‘yan,” ngiti pa ni Vic.

UNBEATABLE TRACK RECORD. Maganda ang track record ni Vic kung mga pelikula niya sa MMFF din lang ang pag-uusapan.

Certified blockbusters ang kanyang mga pelikulang Lastikman, Fantastic Man, ang Enteng Kabisote series, Iskul Bukol: 20 Years After, Ang Darling Kong Aswang, Si Agimat At Si Enteng Kabisote, Enteng Ng Ina Mo, Si Agimat, Si Enteng at Si Ako at My Little Bossings.

TRILOGY. Isang trilogy ang My Big Bossing. Ayon kay Vic ay “kumpletos rekados” na raw ang pelikula nila kung ang hanap ay comedy, horror at adventure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, pinagtalunan pa namin ang magiging story nito.

“May gusto na comedy lang. May gusto na horror naman. At may isa naman gusto adventure/fantasy.

“Labu-labo at hindi kami magkasundo sa kung ano ba ang puwedeng istorya kaya ang ending, ginawa na lang naming trilogy.

“Para at least, happy lahat tayo at sulit ang ibabayad ng mga manonood sa Pasko,” dagdag pa niya.

Ang unang episode na “Sirena,” ay tungkol sa batang humiling na maging isang tunay na mermaid. Kasama rito sina Manilyn Reynes, Wally Bayola at Pauleen Luna.

Ang ikalawang episode na “Taktak,” kunsaan tampok sina Marian Rivera at Jose Manalo, ay tungkol naman sa isang investigative reporter na ginagawan ng istorya ang isang batang espiritista na isang peke pala, pero nakatawag ito ng isang matagal nang ligaw na ispiritu.

Ang ikatlong episode na “Prinsesa” ay tungkol sa isang kaharian na nagkagulo dahil sa pagkawala ng isang prinsesa. Kasama rito sina Zoren Legaspi, Nikki Gil, Ruby Rodriguez, Niño Muhlach, Rafa Siguion-Reyna, Sef Cadayona at Alonzo Muhlach.

ALL-OUT ON PRODUCTION COSTS. Sinigurado ni Vic na hindi mabibitin ang mga manonooddahil bawat episode daw ay pinagkagastusan nila nang husto.

“Para kang nanood ng tatlong malalaking pelikula.

“Ito na nga siguro ang pinakamalaking MMFF entry na ginawa namin.

“Hindi uso ang tipid-tipid sa mga director naming sina Tony Reyes, Marlon Rivera at Bb. Joyce Bernal. Kung ano ang hilingin nila sa amin, binibigay namin.

“Gusto rin kasi namin na sulit ang ibabayad ng mga manonood.

“Ayaw naming mabibitin sila sa bawat episode kaya all-out kami sa special effects, costumes, props at pati na sa kinakain nila sa shooting.

“We all want people working on our movie na masaya, nakakakain nang mabuti para maganda ang kalabasan ng trabaho.

“Kaya kung maging top-grosser man kami, malaking pasasalamat iyon, pero hintayin muna natin ang December 25,” pagtatapos ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN