Joross Gamboa marries longtime girlfriend Katz Saga in Christian ceremony

Joross Gamboa and longtime girlfriend Katz Saga tied the knot in a Christian wedding held at the Fernbrook Gardens in Alabang. As they read their personalized wedding vows, a tearful Joross said, “You have all the reasons to leave me, but you still loved me.”


A day after Joross Gamboa’s 30th birthday, he married his longtime girlfriend Katz Saga in a Christian wedding ceremony held at The Colonial Ballroom, Fernbrook Gardens, Alabang, Muntinlupa City on November 29.

Naging emosyunal si Joross, lalo na nang makita niyang lumalakad sa aisle ang kanyang bride.

Pero sa kabila ng pagluha ni Joross dahil sa kasiyahan na nagkaroon na nga ng katuparan ang pag-iisang dibdib nila ng girlfriend, hindi pa rin nawawala sa aktor ang ka-kwelahan o ang hilig sa pagpapatawa.

Kaya naman ang naging kasal nila ay masasabing “inspiring” at “fun.”

Gabi na halos nagsimula ang wedding ceremony at bandang 8:00 p.m. na nang mag-serve ng cocktails. Halos 10:00 p.m. na nang magsimula ang reception program at ang main dinner.

Isa si Joross sa kilalang mabait na artista kaya ang litanya halos ng karamihan na dumalo sa kasal nila ay, “Kung hindi ko lang mahal ang dalawang ’yan.”

Nag-ugat ang mga salitang ito sa grabeng traffic na dinanas ng halos lahat ng kanilang invited guests. Noong araw na iyon, mula raw sa Quezon City hanggang sa Alabang ay inabot ng halos apat na oras ang biyahe.

SANDARA FULFILLS PROMISE. Masasabing simple pero napaka-elegante ng kasalang Joross and Katz na dinaluhan ng ilan sa malalapit na kaibigan ni Joross sa showbiz tulad ng mga kasamahan niya sa Star Circle Quest (SCQ) Batch 1 na sina Melissa Ricks, Joseph Bitangcol, Raphael Martinez na kasama ang mga karelasyon nila ngayon.

At ang Korean Pop-Star na siyang nanalo sa SCQ batch 1 na si Sandara Park ay tumupad sa pangako niya sa mga kaibigang sina Joross at Katz na darating siya sa kasal ng mga ito.

Bago umalis ay masayang nagpa-picture pa si Sandara sa photo wall ng bagong kasal.

Natanong naman namin si Joseph na kasama ang theater actress girlfriend kung nagkita sila ni Sandara, pero ayon dito, nakaalis na raw si Sandara nang dumating sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN LLOYD. Dalawang araw pa lang halos nakakarating sa bansa ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz mula sa pagbabakasyon nila ng girlfriend na si Angelica Panganiban sa America, pero sinigurado nitong makakarating siya sa kasal ng kaibigan.

Nagkasama sina John Lloyd at Joross sa tatlong successful sequels ng pelikula nina John Lloyd at Sarah Geronimo sa Star Cinema.

Kuwela rin nang ilalagay na ni John Lloyd ang veil. Veil sponsor ang aktor bukod pa sa pagiging groomsman. Tinusok-tusok muna niya si Joross at pabiro namang nag-“aray-aray” ito.

CHRISTIAN VOWS. At dahil Christian wedding ceremony, sariling vows nina Joross at Katz ang binigkas at ipinangako nila sa isa’t isa. Nagmarka ang sinabi ni Joross na, “You have all the reasons to leave me, but you still loved me.”

Aminado ang aktor na may mga “kalokohan” din siyang ginawa noong hindi pa siya Christian. Pero si Katz din ang dahilan kung bakit daw mas naging matatag ang relasyon nila. Ang girlfriend kasi ang nagsama kay Joross sa kanilang Christian faith sa New Life.

Kinumpirma naman ni Katz ang sinabi ni Joross sa pagsasabing “It wasn’t love at first sight and I have all the reasons to leave you. But every time I would think about the love—"

FAMILY RENEWED BY CHRISTIAN FAITH. Kahit sa mismong reception, sa mensahe ng mga magulang ni Joross na sina Mr. Renato at Ramona Gamboa, ay nagpapasalamat sila kina Joross at Katz na dahil daw sa mga ito, kaya magkasama pa rin sila at buo ang pamilya nila.

Hindi rin nila itinatanggi ng mga magulang ni Joross na mayroon din silang pinagdaanan, pero dahil sa pag-akay sa kanila sa Christian faith, naging masaya at buo ang pamilya nila.

Kinumpara rin ng ama ni Joross si Katz sa kanyang misis na mailalarawan daw niya bilang “lifesaver” at “inspiration.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho naman ang mensahe ng ina ni Joross at ina ni Katz na si Ms. Loelin Quiboloy na tatandaan lang daw ni Joross na: “A happy wife means a happy life.”

SHOWBIZ GUESTS AND SPONSORS. Si JC Cuadrado ang nagsilbing emcee sa reception at pinangunahan na rin ni Joross ang garter at bouquet ceremony na game namang ginawa ng mga single guests nila.

Bukod sa mga unang nabanggit, dumating din sa kasal nina Joross at Katz sina JM de Guzman, Bayani Agbayani, Marco Alcaraz and wife Lara Quigaman, Luis Alandy, Jhong Hilario, Cholo Barretto at Kakai Bautista at Direk Cathy Garcia-Molina.

Ang tumayong mga ninang ay sina Direk Olivia Lamasan, at Business Unit Head ng ABS-CBN na si Mrs. Linggit Tan-Marasigan, at ang talent manager ni Joross na si Noel Ferrer ay isa rin sa mga Ninong.

Congratulations and Best Wishes, Joross and Katz!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN