Venus Raj believes Bianca Guidotti’s loss won’t stop her from pursuing advocacies

Venus Raj believes Bianca Guidotti’s loss in the recent pageant won’t stop her from continuing her advocacies: “Kasi before, yung reason niya talaga why she joined Binibining Pilipinas was she was working sa mga NGOs, ganun. Iyon talaga yung work niya.”


Excited si Venus Raj dahil kabilang siya sa mga performers na nakatakdang sumalang sa nalalapit na Hotspot charity concert.

Dati raw ay nakapag-guest na siya sa isang Valentine’s Day concert ni Christian Bautista, pero ngayon nga ay hindi siya basta guest lamang kundi kasama talaga siya sa lineup ng mga Mercator talents na magpe-perform sa concert.

“Ito yung first time na parang the entire production, lahat ng kakanta ay galing sa Mercator. ’Tapos parang lahat kami ay may specific number,” detalye niyang kuwento.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Venus sa rehearsal para sa naturang show noong Huwebes, November 27, sa isang music studio sa Quezon City.

Ang Hotspot ay fund-rasing project ng Mercator Artist & Model Management at ni Daniel Matsunaga.

Para ito sa football school o athletics program ni Daniel para sa mga kabataang nais mag-excel sa naturang larangan pero walang sapat na pera.

Gaganapin ang concert sa December 4 sa Music Museum.

Karamihan sa mga performers sa show ay Mercator talents tulad nina Venus, Shamcey Supsup, Ariella Arida, Ken Alfonso, Fabio Ide, Lemuel Pelayo at si Daniel.

“I have two solos and two duets,” kuwento pa ni Venus sa gagawin niya sa concert.

FLOURISHING SINGING CAREER. Dahil maganda ang kanyang singing voice ay nalilinya na rin si Venus sa pagkanta.

Nakapag-record na siya kasama si Ken Alfonso ng dalawang kanta na napapanood sa YouTube at sa website ng Mercator Artist & Model Management na siyang nangangalaga sa career ni Venus.

Hindi ba siya nahihirapan na mula sa pagiging beauty queen at host ay kumakanta na rin siya?

Ayon kay Venus, “Matagal ko na pong hilig yung pagkanta. Pero po kasi, wala po akong formal training kaya parang hirap po ako ’pag may accompaniment na or ’pag meron nang music or ’pag may band.

“Hindi ko alam kung paano yung timing, paano yung tamang pasok. Iyan yung struggle ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi nga lahat naman ’yan natututunan. Lahat naman ’yan napag-aaralan.”

May kaibahan nga rin daw ang pagiging isang beauty queen at pagiging singer.

Si Venus ay Miss Universe fourth runner-up noong 2010.

Patuloy pa niya, “Sa singing parang you can express yourself in a different way.

“Kung siguro sa beauty pageants may Q&A (question & answer), the way na makikilala ka nila, but sa singing naman, you express yourself in the choice of songs that you sing.

“And siguro sa paraan na rin ng pagkanta mo, ganun.”

STAGE FRIGHT. Aminado si Venus na mas ninenerbiyos siya kapag kumakanta ng live onstage kaysa kapag naghu-host siya ng isang live event.

“Yung kumakanta, mas nakakakaba,” bulalas ni Venus habang tumatawa.

“Siguro kasi hindi ko pa siya matagal na ginagawa or wala pa akong ganung kahaba na training for singing.

“Pero sa hosting kasi, halos matagal ko na rin siyang ginagawa and parang normal na lang siya, madali na lang siyang gawin.

“Itong pagkanta medyo kailangan mo pa talagang pagpraktisan ng maigi,” at tumawa si Venus.

Siya lang ba sa current batch ng beauty queens ang kumakanta?

“Si Queenierich po,” pagtukoy ni Venus kay Queenierich Rehman, ang kapwa niya Mercator talent at Miss World-Philippines 2012 na kaharap namin habang kinakapanayam namin si Venus.

ON BIANCA GUIDOTTI. Tinanong naman namin si Venus kung ano ang masasabi niya na hindi masyadong umalagwa sa nakaraang Miss International ang kandidata ng Pilipinas na si Bianca Guidotti na kasamahan rin ni Venus sa Mercator.

Hindi nakapasok sa semi-finals si Bianca sa pageant na ginanap sa Tokyo, Japan.

“Of course, I was really sad. I was really sad kasi kilala namin si Bianca, sobrang galing niya! Magaling siya.

“Una sa pagrampa niya, napakagaling, matalino siyang tao, napakagaling niya sa Q&A.

“For sure, kung na-deliver niya yung speech niya on that day, kasi nakita namin yung copy ng speech niya, pinost niya on Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi namin parang sayang, hindi mo nasabi yung message na gusto mong iparating. Pero sabi niya naman, even if hindi niya naparating yung message niya parang she will not stop there.

“Parang she will continue to do, kung ano yung gusto niya talagang gawin.

“Kasi before, yung reason niya talaga why she joined Binibining Pilipinas was she was working sa mga NGOs, ganun. Iyon talaga yung work niya.

“So sabi niya, ‘I want to join beauty pageants kasi mas gusto ko pang ipalaganap yung advocacy ko.’

“So alam namin na talagang in her heart she really wants to help and gusto niya talaga na maipalaganap yung dapat niyang sabihin.

“Sayang nga lang, hindi siya nanalo. But still, hindi naman dun mag-i-stop, e.

“Kung hindi siya nanalo dun, there are so many other platforms kung saan niya puwede masabi yung gusto niyang iparating especially sa mga kabataan.”

NOT FATED TO WIN? May iba na ginagawang isyu ang gown na sinuot ni Bianca sa international pageant. Iyon daw ang dahilan kaya hindi ito nanalo dahil hindi kagandahan ang gown ni Bianca.

“I don’t think it’s a factor para ikatalo ng isang candidate kasi ano ’yan, e. For me, ha? If it’s really your fate to win, you will win.

“If it’s not your fate to win, then you will not win.

“Parang wala namang kailangang i-blame kung sino or kung ano, it’s just siguro hindi lang talaga natin time that day.”

CONCERN FOR ASPIRANTS. Hindi ba siya nabigo dahil masasabing si Venus ang nagsimula ng winning streak ng Pilipinas sa international pageants?

Simula 2010 hanggang ngayon ay laging nakukuha ng ating kandidata ang titulo, o kung hindi man ay nagiging runner-up. Pero dahil nga sa pagkatalo ni Bianca ay “naputol” ang suwerte.

“Hindi naman. Hindi naman sa frustrated dahil naputol yung winning streak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More on yung concern ko dun sa kaibigan ko, sa ’kapatid’ ko na sayang, hindi niya nauwi yung korona, sayang hindi siya nakapag-place.

“Mas concerned ako dun sa feelings niya, siyempre sa pakiramdam din ng mga kababayan natin at yung sayang ang opportunity pero hindi nga talaga natatapos iyon dun.

“Marami pa ring opportunities na darating for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN