COA orders Quezon City Mayor Herbert Bautista, 8 others to return unused PDAF

Based on its 2013 annual financial report, Commission on Audit’s (COA) orders city governments of Quezon City, Makati, Las Piñas, Manila, Pasig, Malabon, Navotas, Valenzuela, San Juan to return their specified unused Priority Development Assistance Funds (PDAF) to National Treasury. This is in accordance to Supreme Court’s declaration of PDAF as "unconstitutional."

Seen in photos above are Quezon City Mayor Herbert Bautista (l


Naglabas ng utos ang Commission on Audit na ibalik sa National Treasury ng siyam na alkalde sa Metro Manila ang mahigit P331.7 million unused Priority Development Assistance Funds (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.

Base ito sa annual financial report ng COA para sa taong 2013, kung saan napag-alamang mayroon pang natitirang unused PDAF sa ilang siyudad sa Metro Manila—kabilang na ang Quezon City, Las Piñas, Makati, Manila, Pasig, Malabon, Navotas, Valenzuela, at San Juan.

Noong November 19, 2013, matatandaang idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang PDAF na natatanggap at ipinamimigay ng mga mambabatas sa iba’t ibang sektor ng gobyerno.



QUEZON CITY. Ayon sa ulat ng GMA News Online noong November 28, 2014, nakasaad na ang Quezon City—na pinamumunuan ni Mayor Herbert Bautista—ang may pinakamalaking unused PDAF na nagkakahalaga ng P142.806 million.

Sabi pa sa COA report, “Return the unutilized PDAFs totaling P142.806 million to the National Treasury pursuant to the SC Decision dated November 19, 2013.”

Inatasan ng COA ang Quezon City officials na mandatuhan ang concerned non-government organizations (NGOs) na i-liquidate ang natanggap nilang pondo mula sa city government ng naturang siyudad, na nagkakahalaga ng P173.488 million.

Kasabay nito ay hinihingan ng COA ng written explanation ang city government ng Quezon City kaugnay ng “deficiencies” sa mga transaksiyon nito base sa post-audit ng vouchers para sa mga gastusin ng siyudad, mga ibinigay na pondo sa NGOs, at liquidation ng pondong natanggap mula sa PDAF.

Nais din ng COA na magsumite kaagad ang Quezon City officials ng liquidation report para sa pondong nagkakahalaga ng P19 million, na ipinamigay ng city government sa iba’t ibang government agencies.

MAKATI CITY. Para sa Makati City—na pinamumunuan ni Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr.—nag-utos ang COA na ibalik sa National Treasury ang kanilang unused PDAF na nagkakahalaga ng P54.759 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit noong June 24, 2014, nakasaad sa report mula sa official website ng Makati City na nai-remit na nila ang kanilang unused PDAF na nagkakahalaga ng P54.7 million, alinsunod sa utos ng Supreme Court.

Inihayag din dito na ang ginawang remittance ng Makati City ay may kaukulang resibo—Official Receipt No. 4704994—na may petsang June 13, 2014.

Sabi pa ni Mayor Binay ukol dito, “The city government of Makati decided to remit the unutilized PDAF in compliance with the decision of our Supreme Court.

“Makati is, after all, just the custodian of the fund. The legislators are the ones who decide where they want to use their PDAF.”

LAS PIÑAS CITY. Para sa Las Pinas City—na pinamumunuan ni Mayor Vergel “Nene” Aguilar, nag-utos ang COA na ibalik ang kanilang unused PDAF sa National Treasury na nagkakahalaga ng P47.835 million.

Napag-alaman ng COA na mayroong P1.003 million na disbursement ang naturang city government na hindi naaayon sa naitalang dapat paglaanan ng pondo.

Hinihingan din ng COA ng liquidation report ang mga gastusin ng city government ng Las Piñas na nagkakahalaga ng P5.819 million.



MANILA CITY. Para sa Manila—na pinamumunuan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada, nag-utos ang COA na ibalik sa National Treasury ang kanilang unused PDAF na nagkakahalaga ng P31.868 million.

Ang naturang pondo ay nanggaling umano sa mga hindi naimplementang proyekto ng naturang siyudad.

Nag-utos din ang COA na ibalik ng city government ng Manila ang natirang balanseng nagkakahalaga ng P11.60 million na natanggap ng siyudad mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sabi pa sa COA report, “Unutilized balance at year end [December 31, 2013] is P11.60 million indicating that the purpose of the fund have not been fully achieved.”

Napag-alaman din na mayroong ginastang P236,000 ang city government ng Manila na hindi naaayon sa dapat sanang paglaanan ng naturang pondo.



PASIG CITY. Para sa Pasig City—na pinamumunuan ni Mayor Maribel Eusebio—nagkakahalaga ng P18.681 million ang kanilang unused PDAF na ipinapabalik sa National Treasury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad sa COA report na P11.706 million dito ay dapat sana’y nakalaan sa infrastructure projects, habang mayroong P900,000 na budget allocation na walang nakatalang partikular na proyekto.



NAVOTAS CITY. Para sa Navotas City—na pinamumunuan ni Mayor John Rey Tiangco—mayroong silang natitirang unused PDAF na nagkakahalaga ng P18.499 million.

MALABON CITY. Para naman sa Malabon City—na pinamumunuan ni Mayor Antolin Oreta III—mayroon silang natitirang unused PDAF na nagkakahalaga ng P4.183 million.

VALENZUELA CITY. Para sa Valenzuela City—na pinamumunuan ni Mayor Rex Gatchalian—mayroon silang natitirang unused PDAF na nagkakahalaga ng P1.491 million.

SAN JUAN CITY. Para sa San Juan City—na pinamumunuan ni Mayor Guia Gomez—nag-utos ang COA na ibalik ng naturang city government ang kanilang unused PDAF sa National Treasury.

Ngunit walang nakasaad sa COA report kung magkano ang balanseng natira sa naturang siyudad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN