PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ER Ejercito: “Masyado nang malalim ang atraso ng mga Aquino sa mga Ejercito.”

ER Ejercito accuses PNoy administration of selective justice.
by Bernie V. Franco
Published Dec 1, 2014
Disqualified Laguna Governor ER Ejercito says he wants to see PNoy behind bars; says will run again in the 2016 elections.

“Masyado nang malalim ang atraso ng mga Aquino sa mga Ejercito.”

Ito ang bungad ni disqualified Laguna governor ER Ejercito sa panayam ng GMA News nang dumalo siya sa isang award-giving body noong Sabado ng gabi, November 29.

Sinabi sa ulat na nagagalit ang actor-politician dahil sa umano’y panggigipit ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga Ejercito/Estrada.

“Tinanggal na ni Cory Aquino si Erap bilang mayor at presidente. Ngayon naman, tinanggal ako, 'tsaka si Sen. Jinggoy [Estrada],” ani ER sa panayam sa kanya nang dumalo at pinarangalan (Entertainment) sa 2nd Gintong Palad for Public Service Awards ng Movie Writer’s Welfare Foundation noong Sabado.

Si ER ay pamangkin ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at pinsan ng naka-detain na si Senator Jinggoy Estrada.

Ani ER, “selective justice” ang ginagawa ng administrasyong Aquino sa mga Ejercito.

“Bakit ang mga Liberal Party hindi nila ginagalaw? Bakit puro taga-oposisyon?” sumbat pa ni ER.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto rin umanong makita ni ER na makulong si PNoy.

Nagpahayag din si ER na tatakbo siyang muli sa 2016 elections.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Communication Secretary Sonny Coloma ginagawa lamang ang kanilang tungkulin at sumusunod sila sa Saligang Batas.

“…Lahat ng aksyon ng Pangulo, ng mga miyembro ng Gabinete at ng mga opisyal ng pamahalaan ay dapat na sumusunod sa Saligang Batas at sa lahat ng batas ng ating republika… ‘Yan ang nagsisilbing gabay sa aming pagganap ng tungkulin. Kung kami ay pananagutin, ‘yan po ay kasama sa ating tungkulin,” ayon sa statement ni Coloma.

Noong nakaraang November 25, Martes, ibinasura ng Supreme Court ang apela ni ER laban sa naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na i-disqualify siya sa puwesto bilang Laguna governor dahil sa umano’y overspending noong May 2013 elections.

Nakasaad sa election rules na ang ceiling para sa nangangampanyang pulitiko ay P4.5 million, subalit lumabas umano sa dokumento na umabot sa P23.5 milyon ang ginastos ni Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Vice Governor Ramil Hernandez ang humalili kay ER at nanumpa bilang bagong Laguna governor.

Read Next
Read More Stories About
ER Ejercito, Noynoy Aquino
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Disqualified Laguna Governor ER Ejercito says he wants to see PNoy behind bars; says will run again in the 2016 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results