Daniel Matsunaga to seek dual citizenship

Plano raw bumili ni Daniel Matsunaga ng sariling bahay, pero hindi pa raw puwede dahil hindi pa siya citizen ng bansa. Sabi niya, "I can rent an apartment but I can’t own a land. Example, yung bahay, hindi puwede, kasi sa ‘yo ang land. Pero apartment, puwede."


Ibinalita ni Daniel Matsunaga na nakuha na niya ang permanent residency status niya sa Pilipinas.

Sabi niya, “Permanent resident na ako, kinuha ko lang last week.

"Hindi siya mabilis, kasi it’s a process."

Nilinaw ni Daniel na hindi pa siya Filipino citizen.

“Kasi, ‘di ba, yung naturalization, mahaba ang process?”

Pero magpapalit talaga siya ng citizenship?

“Oo naman! Gusto ko talaga ng dual citizenship,” sabi ng Brizilian-Japanese model turned actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel noong Sabado, November 29, sa isang recording studio sa Kamuning, Quezon City, kunsaan nag-record siya ng mga kantang gagawin sa concert niya kasama ang Mercator talents at ilang Pinoy Big Brother All In housemates.

Kaugnay nito ay plano rin bumili ni Daniel ng sariling bahay, pero hindi pa raw puwede dahil hindi pa nga siya citizen ng bansa.

“I can rent an apartment but I can’t own a land.

"Example, yung bahay, hindi puwede, kasi sa ‘yo ang land.

"Pero apartment, puwede."

Nakapag-asawa na ng Filipino ang kapatid niyang si Vanessa Matsunaga, at ang ina naman ni Daniel ay dito na rin naninirahan sa Pilipinas.

Darating din daw ang ama niya ngayong buwan para makasama nila sa Kapaskuhan.

“Yes, ang saya, ‘di ba? This is one of the rare times na magkasama kaming lahat,” nakangiting sabi niya.

Naging sobrang busy ni Daniel paglabas pa lang niya ng PBB house at tanghaling grand winner. Pero ngayong halos kumpleto ang pamilya niya sa bansa, ano ang plano niya sa Pasko?

“Sa Christmas, spend it with family. Bring them to places in the Philippines that they haven’t been.”

Ano ang mga lugar sa bansa na gusto niyang pagdalhan sa mga magulang?

“Gusto ko silang dalhin sa Bohol, Palawan ulit.”

MOMMY DEAREST. Speaking of his mom, tinanong ng PEP si Daniel kung nagkita na ba dito sa Pilipinas ang kanyang ina at ang dati niyang girlfriend na si Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang noong sina Daniel at Heart pa ay dinala ng model-actor ang aktres sa kanilang bahay sa Brazil.

Sabi ni Daniel, “Si Mommy ko at si Heart, hindi pa.

"Baka sa Instagram... hindi ko alam, e."

Okey naman ang mommy niya at si Heart?

“Oo, oo naman,” sagot niya.

Hindi ba nasaktan ang mommy niya sa nangyari sa kanila?

Tugon ni Daniel, “Hindi, alam niyo, ang mommy ko is the best person in the world.

"I’ve never seen a person so good like my mom’s heart.

"If you guys think I’m good, my mom is twenty-thousand times.

“Alam niyo, my mom, most of the time, she’s just praying.

"Praying for everybody, caring for everybody.

"Of course, she supports a lot, her son, ako, ‘di ba?

"Everything that happens to me, she just supports me in any ups and downs."

Si Heart naman ay ikakasal na sa susunod na taon kay Senator Chiz Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN