Bianca King opens up about ex-boyfriends Patrick Garcia and Dennis Trillo

Bianca King had kept her romances with high-profile actors Patrick Garcia and Dennis Trillo under wraps, but she is very open about her current relationship. “I’m very much in love with Julio [Villafuerte]. Kaya rin ako parang naging kumportable sa sarili ko kasi pinaramdam talaga sa akin ni Julio na he’s proud of me," she says.


Sa edad nitong 28, bukas na raw si Bianca King sa ideya ng marriage.

“Kung kailan ibibigay ni Lord, pero ko hindi ko pa naman siya iniisip.

"Hindi pa umiikot doon yung isip ko.”

Ang kasintahan ngayon ni Bianca ay si Julio Villafuerte, na mula sa political-family ng mga Villafuerte sa Naga City.

Ang governor ng Camarines Sur na si Migz Villafuerte ay nakatatandang kapatid ni Julio.

Hindi pa ba nagpu-propose si Julio sa kanya?

Sabi ng 28-year-old actress, “Twenty-three pa nga lang siya, kaka-graduate pa lang niya. Finance major siya.

“Kaya nga ako ganito dahil sa kanya, siya ang nag-influence maging mahigpit sa money at investments.

“Nag-invest na ako before, pero fun-fun lang.

"Hindi ako kasama sa business mismo, pero itong dalawa, trinabaho ko talaga—utak at puso, physical presence."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon para sa kanya noong November 26, kaugnay sa pagbibida niya sa Wattpad Presents: His Secretary ng TV5 opposite John James Uy.

MORE OPEN. Kapansin-pansin ang pagiging open ni Bianca sa kanyang personal life na dati ay iwas na iwas siyang pag-usapan.

Nagagawa na rin niyang magsalita nang husto sa mga pinagdaanan niya sa mga nangyari sa kanyang career.

Paliwanag niya, “Hindi ko nasabi yung kung ano ang naramdaman ko nang hindi ako ni-renew ng GMA 7, humbling siya.

“Dumaan ako sa phase na yun na parang biglang nawala yung safety net ko.

"Parang na-realize ko na, ’Wow, parang normal na tao na ako ngayon."

Ayon kay Bianca, ang marrying age niya na gusto niyang matupad ay sa pagitan ng 34 o 36.

“Bakit naman si Pia Guanio? Si Ate Regine [Velasquez], si Jennifer Lopez, 40 years old yun, ha?

"Si Mariah Carey, 40 years old rin yun,” sabi pa niya.

Paano kung yayain siyang pakasal ni Julio?

Sagot ni Bianca, “I’m ready. Go!

"Pero dahil sa mas bata yung boyfriend ko sa akin, siyempre hindi naman ako yung magpi-pressure no.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLOSE TO TEAM KRAMER. Si Patrick Garcia na ex niya ay ikakasal na. Ano ang feeling niya?

Sabi ni Bianca, “I’m happy for him.

"I’m actually a big part of the Garcia family. Kasi I’m very close to Ate Cheska Garcia [Patrick’s sister].

"Yung tatlong anak niya, inaanak ko.

"At ’pag natutulog ako sa bahay nila, doon ako sa kuwarto ng mga bata.

“So, nakita ko lahat ng nangyari sa buhay ni Patrick all these years.

"Although hindi kami close, hindi kami nag-uusap.

"Nagkikita kami sa mga birthday parties ng mga bata.”

Na-meet na ba niya ang fiancée ni Patrick na si Nikka Martinez?

“Yes, super nice, super beautiful, super-gaan.”

A-attend ba siya ng kasal nila?

Ayon kay Bianca, “I don’t think I’m going to be invited.

"Kung invited ako, yes, dadalhin ko si Julio.

“’Pag si Cheska ang nag-invite, go ako, hindi ako nakaka-hindi doon.

"Parang mommy ko siya talaga, isa sa mga closest friends ko.

"Lahat ng secrets ko sa buhay, siya ang may alam.”

DENNIS TRILLO. Samantala, hindi na raw sila nagkikita o nagkakausap ng ex-boyfriend din niyang si Dennis Trillo mula nung nag-break sila.

"Hindi naman sa hindi kami okey, pero walang pagkakataon para mag-interact, masabihan kung anuman ang nangyari.

"Siguro once sa GMA, two years ago pa ’ata yun.

"And then, deadma. Parang walang nangyari.”

Bakit ganun?

“Tanungin ninyo siya, hindi ko talaga alam.

"Siguro ’pag nagkita kami uli, baka mag-hi.”

Dagdag niya, “Naman, magti-three years na, magwa-one year and half na kami ng boyfriend ko.

“I’m very much in love with Julio.

"Walang ibang tao na pumapasok sa isip ko for the last three years kundi siya.

“Ang daming oras kong binuhos yung oras ko sa Amerika para hindi masakit yung long distance.”

One month lang matapos ang breakup nila ni Dennis, nakapag-move on na raw si Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After one year saka siya nagsimulang makipag-date sa ibang lalaki.

Paano kung makatrabaho niya si Dennis?

“Oo... work is work kung hihindian ko yun, ’di ba?

"Ang laki ng maiipon ko kung tatanggapin ko yun.

"Mailalagay ko siya sa bagong business, aarte pa ba ako?”

Kung makikita niya si Dennis, sino ba ang dapat unang bumati sa kanilang dalawa?

“Siya ang una dapat, be a gentleman for once.”

Ano ang natutunan niya pagdating sa love pagkatapos nila ni Dennis?

“Dapat talaga yung taong deserving sa pagmamahal mo, dapat maging proud sa iyo.

“Kaya rin ako parang naging kumportable sa sarili ko kasi pinaramdam talaga sa akin ni Julio na he’s proud of me.

“Saka ngayong may Instagram na, ang hirap nang magtago, alam mo yun?

"Kung anuman yung lumabas sa mga artista sa Instagram, yun na ang totoo, e... hindi ko siya itinatago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN