Daniel Matsunaga misses having a girlfriend: "Sana God will give me the right one."

Daniel Matsunaga on lovelife: "Talagang I haven’t the time to sleep, paano pa kapag may lovelife, ‘di ba? If you have a lovelife, you have to give time to your loved one. Ako, talagang I sleep mga four hours lang a day."


Consistent si Daniel Matsunaga sa pagsasabing single pa rin siya.

At kahit nakalabas na siya sa Pinoy Big Brother house at mas marami pa ang nagkainteres at humanga sa kanya, wala pa rin daw siyang lovelife o girlfriend.

Ang huling naging girlfriend ni Daniel ay si Heart Evangelista, na ikakasal na sa February 2015 kay Senator Chiz Escudero.

“Wala talaga, masaya ako sa pamilya ko, sa trabaho ko muna.

"Talagang I haven’t the time to sleep, paano pa kapag may lovelife, ‘di ba?

"If you have a lovelife, you have to give time to your loved one.

"Ako, talagang I sleep mga four hours lang a day."

Hindi ba niya nami-miss ang pagkakaroon ng girlfriend.

Sagot niya, “Miss, miss ko talaga!

"In God’s time, sana God will give me the right one.

"Alam kong I can wait. There’s always a positive and negative part.

“It’s always, siyempre, you miss having a malambing… having a partner to make decision, everything with you.

"Spend time with you, pero ako nga ngayon, I have to choose, e.

“And I choose work muna. This is the opportunity I’m having and I dream of.”

CRUSHES. Mayroon ba siyang natitipuhan o nagugustuhan?

“Wala, wala, e, wala akong time.”

Pero siguro naman ay may mga crush siya?

Sabi ni Daniel, “Maraming magandang babae, pero I would say, secret.

"Most of the girls na, I think, maganda and will have a crush on me, they have boyfriends.

"So, ayokong sabihin ang pangalan.

“For now, secret!” natawang sabi niya.

Ilan daw sa mga nagagandahan siya sa bakuran ng ABS-CBN ay sina Kim Chiu, Anne Curtis, at Erich Gonzales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN