Kim Rodriguez admits Kiko Estrada is the guy for her

She only likes flowers in her favorite color blue. On her birthday, guess who surprised Kim Rodriguez with chocolates and blue roses?


Nakilala na nang personal ni Kim Rodriguez ang ama ni Kiko Estrada na si Gary Estrada.

Kuwento ng Kapuso young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Isang beses po nung birthday ng daddy niya, sa farm nila sa Quezon.”

Nag-overnight daw sila doon.

“Inimibitahan pa nga po ng daddy niya ang family ko, isama ko daw.

"Sabi ko, sa isip-isip ko, nakakahiya! Kaya yung kapatid ko na lang po.”

Hindi naman daw mag-isang sumama si Kim kay Kiko sa farm ni Gary.

Kumusta ang pagkikita at pagkakakilala nila nang personal ni Gary?

Ayon kay Kim, “Siyempre nung una, kinakabahan ako... ano, e, Gary Estrada.

“E, ’andun pa yung ibang mga kapatid niya, mga kamag-anak.

"’Tapos si Tita Bernadette Allyson, ’andun din siya.

“Wala, kung ano lang ako... at saka sobrang bait talaga nila.”

Nababalitang magkasintahan na sina Kim at Kiko, pero walang inaamin ang dalawa.

Kahit daw ang ina ni Kiko na si Cheska Diaz ay nakilala na ni Kim.

“Opo, na-meet ko na rin po yung mom niya, maraming beses na po.

"Tuwing may okasyon po, ewan ko kung bakit ako iniimbitahan!” at natawa si Kim.

“Pinakauna, birthday po nung stepfather niya, ’tapos birthday po ng lola niya nung nakaraan lang, sa Alabang po.”

Maituturing nang may mutual understanding sina Kim at Kiko dahil sa sobrang close nila. Ano ang nakakapigil sa kanila para mag-level up?

Ayon kay Kim, “Hindi ko alam, pero siguro… ano ba? Siguro dahil din sa trabaho.”

AVID SUITOR. Aminado naman si Kim na nanliligaw sa kanya si Kiko.

“Matagal na!”

Ano ang sinasabi o idinadahilan niya kay Kiko kung bakit hindi niya ito sinasagot hanggang ngayon?

“Puro trabaho. Parang ganun.

“Hindi siya nagtatanong kung, ‘O, tayo na ba?’

“Hindi siya nagtatanong. Parang siya mismo nagsabi na, ‘Willing to wait naman ako.’

“Nagugulat na lang ako ’pag sinasabi niya yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nanligaw na ng sobrang seryosohan si Kiko, sasagutin ni Kim ang binata?

“Siguro, puwede po, kasi nasa kanya na yung gusto ko sa isang lalaki.

“Si Kiko kasi mabait, at saka nagulat na lang ako nagtitiwala siya sa akin.

"Nag-o-open siya kahit hindi ako nagtatanong.”

Kahit daw si Kim ay nag-o-open up kay Kiko.

Masaya nga raw sila na magkasama sila sa trabaho bilang magkapareha sa Strawberry Lane ng GMA.

“Masarap, pero kapag siguro yung ganito na ’pag umabot na sa point na parang magiging kami…

"Parang feeling ko, mahirap para sa isang artista na magkasama sila sa isang trabaho.

“Kasi hindi mo masasabing professional porke’t…

"Kapag kayo magkaaway halimbawa ng dating karelasyon mo, hindi mo maiiwasan na hindi kayo magpapansinan.

“Siyempre magkaaway kayo, may kasalanan ka, ang hirap na pansinin kita.

“Parang ’nasa set, para sa akin po, mahirap yung ganun.”

Pero hindi pa raw sila nagkakagalit ni Kiko.

“Hindi pa kami nag-aaway ever since.”

HE’S SWEET. Wala raw ginagawa si Kiko para magkaroon ng dahilan na magalit si Kim sa binata.

Sweet daw si Kiko.

“Hindi po ako mahilig sa bulaklak, tatanggapin ko lang yung bulaklak kapag color blue!

“Kasi favorite ko, blue.

“Basta after ng birthday ko, may nagpadala ng flowers, pero tatlong bulaklak ’tapos puro Ferrero na naka-bouquet.

“Akala ko kung kanino, walang letter, walang lahat, bulaklak lang.

"Ipinadala po sa lobby ng condo ko. Ipinabigay lang po.”

“Nung pumunta na ako sa taping, sabi niya [Kiko], ‘Nagustuhan mo ba yung bigay ko?’

“Sabi ko, ‘Ay, sa ’yo pala talaga galing yun!’

“Naloka ako!”

Hanggang kailan niya paghihintayin si Kiko?

Sabi ni Kim, “Hindi ko po alam.

“Gusto ko makilala muna siya ng parents ko.”

Sa Pasko pa uuwi ang mommy ni Kim na nasa Japan ngayon.

Bukod sa Strawberry Lane ay nagkasama rin sa indie movie na Chasing Boulevards sina Kim at Kiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN