Lea Salonga laughs off bashers on Twitter: "People that don’t know the whole story will fill in the blanks."

The Voice of the Philippines coach Lea Salonga reproaches a “fan,” who brought a camera and took photos on the set of the singing competition.


Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@MsLeaSalonga) ay nag-react si Lea Salonga laban sa kanyang bashers.

Ito ay matapos niyang ipahayag ang kanyang saloobin tungkol sa isang “fan” na nagdala ng camera sa loob ng studio ng The Voice of the Philippines Season 2 at kumuha ng mga larawan habang nagti-tape ng nasabing reality-based singing competition ng ABS-CBN.

Noong November 28, Biyernes, sinabi ng Broadway star sa kanyang Twitter account na maging ang artists na imbitado sa taping ng The Voice ay nag-surrender ng kanilang video-recording devices bago makapasok sa studio at makapanood ng show.

Sinabi ni Lea na dapat ay ma-blacklist ang "fan" sa kanyang ginawang pagkuha ng mga larawan.

Posible raw kasing ma-preempt ang naging resulta ng show kapag inilabas ang mga nasabing larawan.

Binanggit din ni Lea na ang tinutukoy niyang "fan" ay pinalabas, pero hindi na raw niya alam kung ano ang sumunod na nangyari.

Samantala, isang follower ni Lea ang nag-tag ng link sa singer sa isang entry sa blogsite na Fashion Pulis, kung saan naroon ang screen grabs ng palitan ng tweets ni Lea at followers niya tungkol sa nasabing paksa.

Hati ang mga naging komento tungkol dito.

Habang ang mga mga pumanig kay Lea ay pinuri ang kanyang pagiging prangka at diretso, binatikos naman siya ng ilang bashers dahil umano sa kanyang pagiging “nega” at inakusahan pang nagme-“menopause.”

Tinawanan naman ni Lea ang bashers niya sa kanyang tweet.

Bahagi ng kanyang tweet: “…People that don’t know the whole story will fill in the blanks.

Aniya pa, natutuwa siya na may mga nagtatanggol sa kanya kahit na hindi niya ito hinihingi.

Paalala pa ni Lea: “don’t assume that the topic of my tweets are what you think they are. Unless I explicitly say something.”

“So to everyone that understood where I was coming from, thank you. Much appreciated. I know that not everyone will get me,” ayon pa sa isang tweet ni Lea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN