Freddie Aguilar’s wife turns 18; wishes peaceful life with 61-year-old husband

Naging emosyunal si Jovie Albao, ang asawa ng legendary singer na si Freddie Aguilar, sa selebrasyon nito ng kanyang ika-18 kaarawan. Nadamay raw kasi ang kanyang mga magulang sa mga batikos sa kanilang relasyon ng 61-year-old singer. Gusto rin daw niyang matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap ng walang inaapakang tao.


Nag-debut noong Linggo, November 30, ang asawa ng legendary singer na si Freddie Aguilar, 61, na si Jovie Albao.

Ginanap ang selebrasyon sa bar ng singer sa may Quezon City na dinaluhan ng mga kaibigan at kapamilya ni Jovie.

Magsi-17 years old noon si Jovie nang magpakasal kay Freddie sa isang Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Read: Freddie Aguilar after marrying 16-year-old girlfriend under Muslim rites: "Sana tumigil na ang detractors namin."

Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com, naging emosyunal ang misis ni Freddie nang magpasalamat ito sa kanyang mga magulang na nabatikos daw dahil sa relasyon nila ng huli.

Saad ni Jovie, "Kasi noong nagkarelasyon kami [ni Freddie], sobrang naging isyu. Lahat ng masasakit na salita, natanggap nila [magulang].

"Parang ano ba... Nakakalungkot isipin, ’di ba, na hindi naman sila kasali sa isyu [pero nadamay sila].

"Ngayon, okay na. Yung relasyon kasi namin, umiikot sa aming dalawa, e.

"Hindi namin pinansin yung ibang tao kasi hindi naman sila kasama, e. Nagkakilala kami, kaming dalawa ’yon.

"Nagmahalan kami, kaming dalawa ’yon.

"Kung may pagkakamali kami, kaming dalawa din ’yon."

Ayon naman kay Freddie, nakatakdang magtapos sa kursong culinary ang asawa sa susunod na taon at balak nilang magtayo ng isang coffee shop.

Balak din daw nilang magkaroon ng second honeymoon sa susunod na taon sa hometown ni Jovie sa Mindoro o sa ibang bansa.

Wish ni Jovie sa kanyang kaarawan: “Sana matupad ko lahat ng pangarap ko, matulungan ko ang pamilya ko, lahat ng ambisyon ko sa buhay, makuha ko nang walang tinatapakan na ibang tao.

"At maging mapayapa ang pamumuhay namin araw-araw, gabayan kami ng Panginoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN