Derek Ramsay ready to be a father, but not to be a husband: "Medyo traumatized ako ngayon. Parang takot ako sa babae."

Derek Ramsay on bringing son Austin with him at work: “He needs to know who I am and this is a big thing of who I am.”


Mas maaliwalas na ang aura ni Derek Ramsay sa muling pagharap niya sa media para sa press conference ng kanyang show sa TV5, ang The Amazing Race Philippines Season 2, kagabi, December 1.

Masaya raw ang actor-TV host dahil nagkaroon na ng resolusyon ang hiling niyang makasama ang anak na si Austin.

“The stress can really affect your health, your aura. All that stress is out the door. I’m very, very happy,” sabi ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainmet Portal) at iba pang reporters.

Read: FIRST READ ON PEP. Derek Ramsay and Mary Christine Jolly settle differences for the sake of son Austin

Hindi makakasama ni Derek ang kanyang 11-year-old son sa darating na Pasko dahil babalik na ito at inang si Mary Christine Jolly sa Dubai para sa kanyang pag-aaral.

Gayunman, kuntento na raw si Derek na makakapiling niya ang anak sa kanyang kaarawan sa darating na Linggo, December 7.

Sa ngayon, wala pa raw tiyak na plano para sa kanilang father-and-son bonding.

Aniya, “Nothing yet. I just got back from Dubai.

"This week is crazy. Ang dami kong schedule this week.

“Sa Sunday, siguro kaming dalawa lang, kung ano ang gusto niyang gawin.

"A new member was added to my family and I love my family.

"I’m really looking forward to the time when the entire family can be together and he can be introduced to all of my family."



INTRODUCING SON TO WORK. Ilang beses na ring nakasama ni Derek si Austin, at bilang pagpapakilala sa kanyang anak, isinasama raw niya ito minsan sa trabaho.

Kuwento niya, “I brought him na to TV5, ipinakita ko sa kanya kung ano ang ginagawa ko. Tuwang-tuwa siya... makulit siya, e.”

Binabalak din daw ni Derek na dalhin ang anak sa press conference ng pelikula niyang English Only, Please, ngayong tanghali, December 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP kung sang-ayon si Mary Christine sa pagsama niya kay Austin sa kanyang trabaho.

Sagot ni Derek, “I don’t know what her comment on that.

“Pero that’s my time and he needs to know who I am, and this is a big thing of who I am.

“So, it’s not that I’m getting him exposed out there. I just wanted him to see what I’m doing.

“I don’t think there’s something wrong with that.

“If so naman, I’m sure she would have given me a phone call and told me what she feels about it.

"Wala pa naman.”

Sa kabila nito, sinabi ng The Amazing Race Philippines host na nananatili silang civil ng ina ni Austin.

“We’re civil for Austin’s sake.

“You know, a lot of mean words and allegations were thrown my way.

“But like I said, the truth will prevail. I don’t need to defend myself.

"I look for what’s best for my son."

Hangga’t maaari, pakiusap ni Derek, “The less we talk about the mom, the better.

"You know, I don’t like any stories to be twisted and reach her and open up a new problem."



FROM DAD TO HUSBAND? Katulad ng kanyang mga naunang pahayag, iginiit ni Derek na sabik na sabik na siyang maipakita kay Austin ang kanyang pagiging ama.

“I think I’ve been ready to be a father for so long.

“You know, there’s always chismis that I’m a dad because I’m always with my nephews and my nieces.

“I’ve been ready for the longest time, to be a father.

“I just want to be how my father is, we’re best friends, you know, typical father-son relationship.

“I don’t want my son to be scared of me. I want him, like, if he has a problem, he’s going to run to me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil kaya rito ay magiging handa na rin si Derek para maging isang husband?

Natawang sabi ng Kapatid actor-TV host, “Medyo huwag muna natin puntahan ’yon.

“Medyo traumatized ako ngayon. Parang takot ako sa babae.

“Alam niyo, kapag inaaway ako, doon ako nagiging malambot, e.”

Nang tanungin tungkol sa annulment ng kasal nila ni Mary Christine, ang maiksing sagot lamang niya: “All of that is being ironed out. Ibang ano na ’yan...”

Nilinaw rin ni Derek sa huli, “Everything she filed against me were called out, everything is settled.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN