Lani Mercado, Jolo Revilla dismayed by Sandiganbayan’s decision to junk Senator Bong Revilla’s bail petition

Jolo Revilla (in picture, with mom Rep. Lani Mercado) expresses gratitude to those who continue to support their family amidst the continued detention of his dad Senator Bong Revilla.


Dismayado ang pamilya ni Senator Bong Revilla sa desisyon ng Sandiganbayan First Division na ibasura ang petisyon ng senador na pansamantalang makalaya.

Read: Sandiganbayan junks Senator Bong Revilla’s bail petition

Una na rito ang misis ni Senator Bong na si Cavite Second District Representative Lani Mercado.

Sa official Twitter account ni Lani, na may handle name na @lanimrevilla, makikitang ni-repost niya ang opisyal na pahayag ni Senator Revilla hinggil sa junked bail petition ng huli.

Maging ang anak nila na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ay ibinahagi rin ang pahayag ni Senator Revilla sa official Twitter account ng una na may handle name na @jolorevilla.

Ito ang kabuuan ng official statement ni Senator Revilla na ipinadala nito, sa pamamagitan ng text message, sa GMA News ngayong araw:


PRAYERS FOR SENATOR BONG. Base sa tweets ni Jolo kagabi, December 1, umaasa ang 26-year-old actor-politician na makakasama ng kanilang pamilya ang kanyang ama ngayong darating na Kapaskuhan.

Sa katunayan, nanawagan pa si Jolo sa kanyang fans na ipagdasal na payagan ng Sandiganbayan na pansamantalang makalaya ang ama.

Sabi pa ni Jolo sa isa pa niyang Twitter post: "Maraming salamat sa inyong pagmamahal, pang-uunawa, suporta at mga dasal para sa aming ama na si Sen. Bong Revilla.

"Ang pagbibigay karapatan makapag-piyansa mula sa Sandiganbayan ni Papa ang pinakamagandang regalong matatanggap ng aming pamilya. Hinihiling ko po na ipagdarasal natin sya lalo na sa araw na ito. ‪#‎SupportBongRevilla‬"

Ngunit sa kabila ng desisyon ng anti-graft court, patuloy na umaasa ang pamilya Revilla na makakamtan din ni Senator Bong ang hustisyang nais nito.

Mahigit apat na buwan nang nakaditena si Senator Revilla sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ito ay matapos pormal na magsampa ang Office of The Ombudsman ng kasong plunder laban sa senador sa Sandiganbayan First Division.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Senator Revilla ay isa sa mga mambabatas na nasangkot sa kontrobersiyal na pork barrel scam, dahil sa pakikipagtransaksiyon diumano ng senador kay Janet Lim-Napoles.

Si Napoles ang itinuturong utak sa pagtayo ng pekeng non-government organizations (NGOs) na tumatanggap diumano ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula sa mga sangkot na mambabatas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN