Julie Anne San Jose concert producer explains Twitter post; denies using Regine Velasquez for Hologram concert publicity

Ayon sa producer ng concert ni Julie Anne San Jose na si Robby Tarroza, gustung-gusto talaga nilang maging guest si Regine Velasquez sa concert ni Julie Anne, kaso ay may espesyal na okasyon daw na dadaluhan ang Asia’s Songbird sa December 13, 2014.


Pinabulaanan ni Robby Tarroza, producer ng Hologram concert ni Julie Anne San Jose, na si Sarah Geronimo ang pinariringgan niya sa kanyang tweet noong November 28.

Ito ang nilalaman ng tweet ni Robby:

Sa post na ito, may nag-comment na diumano’y si “Basura Hiponimo” ang tinutukoy ni Robby sa nasabing mensahe. Katunog kasi nito ang pangalan ng Pop Princess.

Dahil dito, sa comments section ay nag-away-away na ang fans nina Sarah at Julie Anne.

FACING THE ISSUE. Sa pamamagitan ng text messaging, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robby.

Isang malaking “Hindi” ang sagot niya sa tanong kung si Sarah ba ang pinariringgan niyang idolo na dumaan sa maraming plastic surgery.

Ayaw na rin daw niyang sagutin ang iba pang tanong tungkol dito dahil, “Ayoko ng issue pa. Kaya deadma.”

Isa pang mainit na pinag-uusapan tungkol sa concert ni Julie Anne ay ang pagkagamit diumano ng pangalan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa kanilang promotion.

Lumabas kasi diumano sa ilang balita na kasama raw si Regine bilang guest sa Hologram concert ni Julie Anne sa December 13, sa Mall of Asia Arena.

Pero paliwanag ni Robby, “’Di ako yun. Mga fans nag-post, yun kasi nung una.

“OK si Reg mag-guest. ’Tapos biglang ’di na puwede kasi 40thbirthday party ng kapatid niyang lalaki.

“Pati si Kyla, akala namin puwede, ’tapos ’di pala.”

Sa ngayon, okay na raw sila sa "puro magagaling" nilang guests na sina Sam Concepcion, Abra, Christian Bautista, Frencheska Farr, at Jonalyn Viray.

Dagdag pa ni Robby, “At kung gusto ko siya [Regine] gamitin sa publicity, ba’t ‘di ako nag-tweet mentioning her?

"Nag-thank you lang ako the other day for re-tweeting poster ni Julie."

(Nag-post din si Regine ng tungkol sa concert ni Julie Anne sa kanyang Instagram page.)

Tungkol naman sa "buy 1 take 1" promo nila ng concert ni Julie Anne, sabi ni Robby, “Upper box lang ginawang buy 1 take 1. Pero for students lang. Para ma afford ng students.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN