Cristine Reyes and boyfriend Ali Khatibi expecting baby girl

“Our ’lil angel is a baby girl," announces Cristine Reyes on her Instagram account this morning, December 3.



“Our ’lil angel is a baby girl”

Ito ang announcement ni Cristine Reyes at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Ali Khatibi tungkol sa kanilang magiging anak.

Ipinaalam ito ni Cristine sa publiko sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nilang dalawa ni Ali sa Instagram account (queencristinereyes) ng aktres kaninang umaga, December 3.

Nagkaroon ng salu-salo kasama ang kani-kanilang pamilya para sa #genderreveal ng kanilang magiging anak kagabi, December 2.

Kabilang dito ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina.

Kagabi pa lamang ay nag-post na si Ara ng Instavideo nina Cristine at Ali, na kuha mula sa naturang okasyon, at may caption itong: "And it’s a ? for @queencristinereyes and @alijoshua ☺️☺️☺️ ang gulo ng pagkavideo ko (sobrang na excite lang ako) I won sa bet wohoooo?￰゚ムマ? Congratulations!!! ?￰゚メラ?"

Inamin ni Cristine na limang linggo na siyang buntis sa guest appearance niya sa ASAP noong November 16.

Read: Cristine Reyes reveals: “I’m having a baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN