Inamin ni Slater Young, 26, na isa sa dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Rachelle Ann Go, 28, ay dahil hindi nila kinaya ang kanilang long-distance relationship noon.
Matatandaang March 6 nang lumipad patungong London si Rachelle Ann para sa kanyang Miss Saigon stint.
Wala pang isang buwang namamalagi roon ang singer-actress ay nagdesisyon na sila ni Slater na tapusin ang kanilang relasyon.
WHEN DID RACHELLE BECOME SLATER YOUNG'S GIRLFRIEND?
Rachelle became Slater Young's girlfriend in January 2016. Sa magkahiwalay na interviews, kinumpirma ng dalawa na nagde-date sila. Noong January 6, sabi ni Slater, "Oo, dating kami." Sa parte ni Rachelle, aniya,"Basta, lagi kong sinasabi,'Naku, aalis ako. Kung liligawan mo ako, mahirap iyan! Tignan natin, diyan na rin natin makikita yung sincerity ng isang tao, kung kayo talaga para sa isa't isa. Test na rin yun." Pero naghiwalay ang dalawa noong March 2016.
Sa panayam ni Slater sa Aquino and Abunda noong Martes ng gabi, December 2, pahayag ng binata, “March pala kami nag-break. We were together January.
"So, when she left, mga two, three weeks after, we broke up."
Nang tanungin kung ang pangingibang-bansa ba ni Rachelle Ann ang dahilan ng kanilang hiwalayan, inamin ni Slater na bahagya itong nakaapekto sa kanilang relasyon.
Lumalabas na tila nahirapan silang mag-adjust sa “time difference” at pagiging “busy” nila sa kani-kanilang trabaho.
Sabi pa ni Slater, “Sobrang hirap lang talaga when you argue about small things na lang.
“It was just super busy, and then the time difference, hindi talaga, we couldn't make it work.”
Ganunpaman, nilinaw ni Slater na nanatili silang mabuting magkaibigan ni Rachelle Ann.
Lalo pa't kung tutuusin ay “boto” raw ang pamilya ng ex-Pinoy Big Brother housemate sa singer-actress.
Sabi ni Slater, “We're still friends. My family just went there to watch her.”
Maliban sa napabalitang pagdi-date nila noong mga unang buwan ng 2014, nanatiling tikom ang bibig ni Rachelle Ann sa naging relasyon nila ni Slater noon.
Sabi lang ni Rachelle Ann patungkol kay Slater nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 16: "Okay kami. Nag-uusap kami.
"Kung ano yung napag-iwanan namin noon, 'tapos na yun, move forward, that's it."
