Singer Nyoy Volante engaged to stage actress Mikkie Bradshaw

Halos tatlong taon na ang relasyon ng singer na si Nyoy Volante sa stage actress na si Mikkie Bradhsaw. Noong Hulyo, nag-propose na si Nyoy at sa susunod na taon ay nakatakda na sila ikasal.


Engaged na si Nyoy Volante sa girlfriend nitong si Mikkie Bradshaw.

Ito ang inamin ng 36-year-old singer sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Shrek: The Musical kahapon, December 2.

Kuwento niya, "We actually got engaged a few months ago [last week of July].

"She is also a stage actress.

"We’ve been together for a while na and, yun nga, nag-propose na ako."

Late 2015 daw ang plano nilang pagpapakasal.

Anong theme kaya ng kasal ang gusto nila?

Natatawang tugon ni Nyoy, "Hindi ko pa alam. Pag-uusapan pa namin."

Faithful ba talaga siya sa mga naging karelasyon niya?

Sagot ng singer, "Yes... I wasn’t always.

"I’m not gonna lie naman na sa lahat ng mga naging karelasyon ko, faithful ako.

"But, most of the relationship I had, faithful naman ako."

SHREK: THE MUSICAL. Samantala, masaya si Nyoy na kasama siya sa limited run ng Shrek: The Musical sa Meralco Theater.

Si Nyoy ang gaganap na Donkey, ang best friend at loyal sidekick ni Shrek na gagampanan naman ng British actor na si Rycharde Everley.

Sabi ni Nyoy, "It’s pretty much the same sa movie, parang literally, it’s a stage musical adaptation of the movie.

"Yung characters, yun pa rin."

In full costume din ba sila?

Natatawang sagot nito, "Oo, feeling ko, hindi niyo na kami makikilala.

"Si Shrek lalo na, he’s in prosthetics.

"Three hours yung process sa kanya para maging Shrek."

Mapapanood ang Shrek: The Musical sa Meralco Theater from December 26, 2014 to January 4, 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN