Marjorie Barretto says daughter Julia not interested to have a boyfriend at this moment: “Parang napaka-wrong timing.”

Marjorie Barretto on daughter Julia’s MMK episode: “Naku, sobrang proud! I think this is one of her finest. Talagang kilig na kilig kaming lahat sa bahay. Julia was very happy, we’re so happy with the ratings, and the way it trended. And ipinagdasal niya talaga yung break na yun.”


Inaasahang magiging bongga at pabulosa ang pagdiriwang ng 18th birthday ni Julia Barretto sa March 10, 2015.

Isa kasi si Julia sa itinuturing na pinakaimportanteng young stars sa bakuran ng ABS-CBN ngayon.

Ayon nga sa ina ni Julia na si Marjorie Barretto, pareho silang hands-on ng anak sa paghahanda para sa espesyal na okasyon na ito, bagamat ayaw pa niyang magbigay ng anumang detalye.

Saad ng dating actress-politician, “It’s really more of a surprise.

“Parang whatever the theme will be, you’ll find out the night itself, we’re not giving away things.

“It’s really special.

“Julia is so hands-on with the preparations and we have a good team working on the debut, so we’re really excited about it.

“I’m very hands-on also kasi we wanna make sure na she’ll have a really nice, good memories.

“I’m just helping her, I have more time than her kasi for preparation.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Marjorie sa coffee table book launch ng make-up artist na si Patrick Rosas, ang Rituals, noong December 1, sa White Space Events Place, Makati City

Bahagi ng nasabing coffee table book ang isa pang anak ni Marjorie na si Claudia.



NOT YET READY. Nitong nakaraang Sabado, November 29, ay napanood naman sa drama anthology ng ABS-CBN na Maaalala Mo Kaya si Julia katambal ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual.

Proud na proud naman si Marjorie sa magandang kinalabasan ng nasabing episode.

“Naku, sobrang proud! I think this is one of her finest.

“Talagang kilig na kilig kaming lahat sa bahay.

“Julia was very happy, we’re so happy with the ratings, and the way it trended.

“And ipinagdasal niya talaga yung break na yun.”

Dagdag ni Marjorie, “Parang promising yung team-up nila, ang ganda, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, I like Iñigo for Julia—loveteam, ha.”

Sa kabila naman ng naging pag-amin ni Julian Estrada, anak ni Senator Jinggoy Estrada, ng naging relasyon nila ni Julia, naniniwala si Marjorie na hindi pa handang pumasok sa pakikipagrelasyon ang anak.

Saad niya, “Si Julia, puwedeng magpaligaw, pero parang ‘di pa niya type ngayon na magka-boyfriend.

“Parang napaka-wrong timing.”



CLAUDIA. Kasama ni Marjorie ang anak na si Claudia sa nasabing book launch.

Papasok din ba sa showbiz si Claudia, gaya ng ate nitong si Julia?

Ayon kay Marjorie, “No, more on commercials siya and all.

“Iba ang character niya, e… Si Julia is more ma-showbiz, ito iba.

“Can’t you see? She’s so shy.”

Nang tanungin naman kung ano ang plano ng kanilang pamilya sa darating na Pasko, sabi ni Marjorie, “We’ll stay in the country lang this year. We’re spending Christmas with Gretchen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN