Benjamin Alves still loveless; unaffacted by gay rumors

Hindi raw nababahala si Benjamin Alves na pagdudahan ang kanyang pagkalalaki dahil wala pa siyang nagiging girlfriend mula nang maging Kapuso siya. Saad niya, "For me, hindi na po isyu yung ganun, parang passé na. Although kasi, maybe I don’t go through whatever they are going through. But for me, I don’t have problems with myself na baka mapag-usapan ako, wala po talaga, e. I’m secured with myself, my family, with my work, and with my beli


Nandito ngayon sa Pilipinas ang ina ng Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Inoperahan kamakailan ang ina ni Benjamin, na naka-base sa Guam, sa St. Luek’s Hospital.

Ito na raw ang ikalawang pagkakataong naoperahan ang ina ng aktor.

“Yeah, last year, she had a brain tumor and naalis naman.

“Now naman, she just did a procedure at St. Luke’s, it’s totally separate.

“Yung ngayon, it comes with old age, but she’s fine now.”

Nagpapasalamat si Benjamin na benign ang natagpuang bukol sa utak ng kanyang ina noong nakaraang taon.

Totoo ba siya ang sumagot sa pagpapaopera ng ina?

Sabi ni Benjamin, “I think, I am blessed that I am able to help in some ways.

“I don’t wanna say na ako lang, kasi I do have brothers and sisters.

“And I don’t wanna say na kailangan lang na nakatulong ka financially, na yun na yun, you’re needed, you’re mature.

“We’re all supportive naman.”



COLD CHRISTMAS. Dito raw sa Pilipinas magpa-Pasko si Benjamin.

Nakauwi na raw kasi siya sa Guam kamakailan kaya okey lang na nandito siya ngayon.

Gusto rin daw niyang nakahanda lang siya kapag may bagong proyekto na ibibigay sa kanya ang Kapuso network.

Pero ang tanong: Malamig ba ang Pasko niya ngayon?

“Naka-winter clothes pa ako kahapon, pinaghahandaan ko na!” biro niya.

Pero seryosong dagdag ni Benjamin, “Well, I think naman with all the things that’s happening recently, mas naa-appreciate ko ang time ko with my family.

“Especially when I went home. Ang tagal ko na rin hindi nakauwi.

“Kung hindi ko pa po talaga maibigay ang oras ko sa babae…

“Kasi kung may oras ako, like yung two weeks, I can stay here, but umuwi ako and be with my family.

“And it was perfect kasi noong umuwi ako, doon na-diagnose yung hips ni Mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My mom and my sister work, so that was my time to take care of her.”

Mula nang lumipat siya sa Kapuso network, may mga nali-link naman sa kanya, may mga nababalitang niligawan niya o naging sila, pero parang hindi natutuloy talaga.

Wala pa ba talaga?

“Especially now with these last few months, wala talaga, e,” sabi niya.

May mga babae bang nagpaparamdam, lumalapit nang kusa sa kanya?

“Naku, kung may mga babae… hindi po ako sanay sa mga agresibong babae. Wala po, wala po!” natatawang sabi ni Benjamin.

Baka naman mahina lang ang pakiramdam niya?

“Baka rin po!” natawang pagsang-ayon niya.

NOT WORRIED. Hindi naman daw nababahala si Benjamin na pagdudahan ang kanyang pagkalalaki dahil wala siyang karelasyon ngayon.

Saad niya, “No fear naman po with things that are not true.

“Although, there’s nothing wrong, especially 2014, we’re already in a generation na yung parang people come out.

“For me, hindi na po isyu yung ganun, parang passé na.

“Although kasi, maybe I don’t go through whatever they are going through.

“But for me, I don’t have problems with myself na baka mapag-usapan ako, wala po talaga, e.

“I’m secured with myself, my family, with my work, and with my belief.

“So, wala naman po akong problemang ganun.”

FIRST CONCERT. Samantala, sa unang pagkakataon ay magiging bahagi ng isang concert si Benjamin.

Ito ay sa pamamagitan ng Hot Spot, ang fundraising concert na pinangungunahan ni Daniel Matsunaga at iba pang Mercator talents.

Gananapin ito ngayong gabi, December 4, sa Music Museum

Gusto raw ni Benjamin ang ideya na ang gagawin nilang concert ay for a cause, kunsaan ang magiging beneficiary ay mga bata para makapag-training sa Football Academy.

Samantala, ang huling teleseryeng ginawa ni Benjamin ay ang Dading.

Kamakailan lang naman daw ito nagtapos kaya ngayon ay naghihintay lang siya sa susunod niyang gagawin sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN